Kabanata 30

1.1K 30 4
                                    

Kabanata 30

Picture



"Wala naman si Kuya, Yhin. Dalhin mo na si Lucas!"


Nang makapasok sa loob ng sasakyan ay diretso ang iling ko kay Ivan. Nilingon ko pa ng sandali ang bahay namin bago muling binalingan ang mga kaibigan.


"Come on! Don't be paranoid. It's not as if I'll tell kuya about it,"


"Oo nga, Ayhin. It's friday. Nasa Manila iyon si Dylan dahil abala sa JREI. Hindi naman siguro 'yon uuwi ngayon. Sama na natin si Lucas!" Si Kylla.


"Hindi ko isasama si Lucas. Iandar mo na bago pa ako bumalik sa loob." I said with finality.


I heard Ivan sighed, disappointed with my decisions.


Today, we planned to hangout at their mansion. Hindi sana ako sasama dahil ayokong pumunta doon but they keep on bugging me. Ayoko namang mapag iwanan at masabihan ng KJ kaya pumayag na akong sumama.


They want to bring Lucas with us because they're really fond of my son. Hindi ako pumayag dahil ayokong dalhin ang anak ko sa lugar ng tatay nya. Even though Dylan is not there just like what Ivan is telling me, their maids specially nana Rosa will surely recognize him. Of course I won't let that happen kaya hindi ko maisama si Lucas.


"Saan ba tayo tatambay? Sa kwarto mo?" Rinig kong asar ni Jertine ng tuluyan kaming naka baba ng sasakyan.


I heard my friends talking about the foods and stuffs we need but I can't keep up with their conversation. Nang tuluyan akong maka baba ng sasakyan ay hindi na nawala ang tingin ko sa buong mansion ng mga Jacobo.


Nothing change. Their old spanish-styled mansion still looks the same. Iyon nga lang at hindi kagaya ng huli ako ritong nakapunta, I think they did some renovations at this house. Ang puting pintura ng buong mansyon ay mukhang pinatungan at mas pinakintab kung kaya't nag mukha itong bago ngunit ang pundasyon at ang mismong istilo ng bahay ay nanatiling ganoon. Old yet classic, just like what I usually see in some scary movies.


Nang tuluyang makapasok sa loob ng bulwagan, pakiramdam ko ay nakapasok ako sa loob ng isang museo. Ang mga kurtina, sofa, upuan at barandilya na kinulayan ng ginto ay hindi nag iba. The white with a gold accent made the whole place acient yet classic.


Nilingon ko pa ang mataas na ceiling ng bulwagan upang matignan kung naroon pa rin ba ang mga anghel na nag aawitan, I'm not surprise when I saw it there being repainted.


Nakaka mangha lang na nagawa nilang mapanatili ang ganitong istilo gayong taon taon naman naiiba ang mga uso! It means, they really decided to preserve the tranquility of this place.


My eyes are busy roaming around while my friends seems unbothered with the details. Maybe because unlike me, they usually go here. Halos hindi ko na nga namalayan na masyado na pala akong naaliw sa interior design ng lugar na iyon.


"Ayhin, maligayang pag balik." Natigilan ako sa paniningala ng mag tama ang tingin namin ni nana Rosa.


I knew it. The old serbidora is here. Tamang desisiyon lang na hindi ko dinala si Lucas!


I smiled a bit at her to show some respect, but then it immediately faded when I realized she's not even smiling at me. Tipid lang akong tumango sa kanya.


"SIge na Ivan, dumiretso na kayo sa likod at kanina pa pinahanda ng kuya mo ang tatambayan nyo."


"Nanjan po si Kuya?"


Playing with Fire (Paseo de Luna Series) #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon