Kabanata 1

2.1K 35 1
                                    


Kabanata 1

Seduce





"What? Why are we going to look for him!?"


Nginitian ko ang bawat estudanteng makakasalubong ko sa Waveshore University kilala ko man o hindi, but of course only those people who smiled first.


"Gwy, didn't I told you that he's my target for this week?" Bagot kong sabi habang nililibot ang paningin sa buong building ng college department.


Andami nilang building at wala akong balak isa isahin iyon. Sakto namang break ata nila dahil nagkalat ang college students sa labas, madaming nakatambay sa bench pero tinignan ko na ang bawat lamesa at wala doon ang hinahanap ko.


"Drake!" I smiled sweetly ng makasalubong ko si Drake, isa sa mga kasama ni Dylan sa Drip noong isang linggo.


"Omygosh," Rinig kong bulong ni Gwynette sa likod ng hindi na niya ako mapigilang lumapit sa mga college student na iyon. Probably this is Dylan's circle but he's not here!


Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Drake. Some men from their group even cheered for him, ngumiti lang ako dahil sanay na.


"Ayhin? May kailangan ka?" He glanced on someone's behind me, ngunit muling bumalik ang tingin sa akin.


Drake is handsome, okay, we'll give him that. But sadly, he's not my target for this week gaya ng inaakala ng mga kaibigan nya. At isa pa, I don't think he's the type that will settle for a relation i want. Ang sabi kasi nila, kapag college student daw ay seryosong relasyon na ang gusto. Sounds baduy but yeah, ganoon sila.


"Do you know where's Dylan? Kanina ko pa siya hinahanap e, di ko makita," I smiled sadly. Nag papa cute sakanya para sabihin agad kung nasaan ang kaibigan.


His brows furrowed, nag dududa ang tingin sa akin at hindi agad nag salita.


See? This is why I have to do that! He'll think that I'm flirting with his friend so he won't say Dylan's where abouts!


"Why are you looking for him?" He arched a brow.


Hindi ako nag salita at tanging ngiti lang ng plastic ang ginawad sakanya. Why do you have to ask? Just go answer me.


He faked a cough, palagay ko ay tinatago ang ngisi dahil alam niyang naiirita ako. But why the hell is he smirking? Anong nakakatawa?


"May recit kasi kami mamaya kaya nasa room yon, nag rereview,"


Lumawak ang ngiti ko ng sumagot siya. "Really? Thanks Drake! You're the best!" Mabilis na halik ang ginawad ko sa pisngi nya, reward dahil tinulungan nya ako.


He should be flattered. Pili lang ang binibigyan ko ng halik kada linggo at iyon ay kung sino lang ang target ko. Well, actually every boys in my batch is dreaming to be that lucky target every week.


Sad for them, College ang gusto ko.


I asked Gwynette to just wait on me at the lobby of that building, pakiramdam ko kasi ay may magandang mangyayari ngayon lalo't nasa room siya at walang kasama.


"Ang landi mo, buti kung pansinin ka non," She snorted.


Hanggang ngayon ay wala silang bilib sakin! Kailan ba ako pumalya? Hindi pa naman ah? Why are they acting strange noong nalamang target ko si Dylan? No biggy, gosh.


I rolled my eyes. "Just wait,"


Iniwan ko na siya doon at confident na pumasok sa elevator dahil 4th floor pa ang room nila Dylan. My smile grew wider ng bumukas ang elevator at katahimikan ang sumalubong sa akin sa palapag na iyon!


Playing with Fire (Paseo de Luna Series) #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon