Kabanata 33

1.2K 33 8
                                    

Kabanata 33

Kiss Back




"Mommy..."



Lucas went towards me dripping wet from their play. Agad ko siyang sinalubong ng tuwalya at pinunasan ang katawan nyang basang basa. Matapos nilang kumain kanina, agad silang nag tungo sa initan upang ituloy ang laro. Hindi ko na napigil dahil hayok na hayok rin si Lucas.



"Bakit hindi kayo sa court nag laro?" Si Ivan.



"Masyadong mataas yung ring..." Dylan said while holding his waist, watching me wiping Lucas' sweat.



"Mommy..." Lucas called. Nakatayo sa gitna ng aking mga hita at nakadantay sa akin ang buong katawan.



"Yes?"



"I'm tired. I want to rest..." He pursed his lips.



I nodded. "Uuwi na tayo,"



"What? I don't want to!"


"But you said you're tired?"



"Yes, but I don't want to go home yet,"



"Then what are we going to do here? How are you going to rest?" I arched my brows.



"Daddy's room..."



Natigilan ako at hindi agad nakasagot sa sinabi ni Lucas. I saw Dylan shifted his weight at the corner of my eyes after hearing what Lucas have said.



"We can't go there."



"Why? But we used to sleep at Papa Rixon's room! Why can't I sleep here?"


Hindi agad ako nakasagot dahil sa pag banggit ni Lucas kay Rixon. Hindi ko inaasahan iyon kaya wala akong mapulot na salita. I glanced at Dylan who's standing beside us. Agad rin naman akong nag iwas ng tingin ng salubungin ako ng nananantiya niyang mga mata.



I sighed. "Lucas if you're tired, then we'll go home."



"But I want to see Daddy's room!" Halos mapa buntong hininga ako ng malakas ng lingunin niya si Dylan. "Dad, can I go there?"



"Of course, baby..."



I gritted my teeth.



"Then we'll go there, Mommy!"



Rinig ko ang pag halakhak ni Ivan kung kaya't hindi ako nakasagot. I can't even look at Dylan. Nanatili ang tingin ko kay Lucas dahil iniintay kong mag bago ang isip n'ya.



"Bata na ang nag aya. Sa kwarto daw kayo!" Humalakhak si Ivan.



I sighed. Nilingon ko si Dylan. "S-Sinong nasa kwarto?"


His brows shot up because of my question. Doon ko lang napagtanto na parang tanga pala yung tanong ko ngunit wala na akong magagawa, hindi ko na mababawi.


Damn! Anong nakaka kaba doon? Kung ano ano na ata ang naiisip ko at sinabi lang na pupuntang kwarto ay nangangatog na agad ako!



"There's no one inside my room," Naka angat ang kilay n'ya sa akin.



I nodded. Nilingon ko ang daan papunta sa loob ng mansyon. Kasama naman namin si Lucas and it's not as if we'll do something in his room so I think it's okay?



"Mommy?"


"Okay."



Tuwang tuwa si Lucas ng pumayag ako. Agad niyang hinila si Dylan papaloob sa sobrang excite. Hindi ko maisawang punahin ang reaksyon ni Dylan sa kasiyahan ng anak niya. His genuine smile didn't left his lips since the time we came at sigurado ako doon dahil kanina ko pa siya pinapanood.



Playing with Fire (Paseo de Luna Series) #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon