Kabanata 3

1.1K 34 9
                                    


Kabanata 3

Possessive





"Break muna!" Kylla shouted in the middle of our practice.


Nilingon ko ang mga kaibigan na tumigil na rin sa pag sasayaw at kapwa hingal dahil kanina pa namin binubuo ang steps.


"Sabi ko sainyo ibagsak nyo nalang," Rixon teased us while seating cooly on his chair. Pinapanood kami sa ginagawa.



"Kain muna tayo," Nanguna si Klarisse na bumalik sa lamesa, hanggang sa sunod sunod na kaming bumalik doon.


Matapos ng usapan namin ni Dylan ay agad akong bumalik sa mga kaibigan. He pissed me off a while ago kaya halos hindi ko malingunan ang pinanggalingan nya. But now that I'm cool again, muling bumalik sa akin ang kagustuhan na guluhin siya lalo.



I don't know, i feel like he should stop bitching me out dahil mas lalo lang akong ginaganahan. Mas lalo akong na ch-challenge na landiin siya dahil sa ginagawa nya! Pakiramdam ko ay dapat may'ron akong mapatunayan kaya ganon nalang ang effort na binibigay ko!


Yeah. That's my goal naman since day one. What do you call it? Oplan akitin si Dylan? Argh. Whatever basta something like that.


Sandali kaming nag pahinga hanggang sa bumalik kami sa practice. After an hour of dancing, nag yaya na si Ivan na lumipat kami ng game room dahil gusto na nilang mag libang dala dala iyong mga alak. Pumayag naman kami dahil halos patapos na rin sa sayaw.


We transferred our things in their gaming room sa labas ng mansyon. Sa garden din iyon ngunit hindi parte ng bahay. Mistulang isang kwarto sa ilalim ng malaking puno.



I licked the inside of my cheeks as i saw the led lights all over the room, kasabay ng pag angat ng tingin sa amin ni Dylan na kasalukuyang sumasargo sa bilyaran. When his eyes met mine, agad iyong nag iwas at ipinag patuloy ang ginagawa.


I pouted to stifle a smile ng mahulog nya ang tatlong bola ng walang kahirap hirap.


"Oh kuya. Andito ka pala? Patambay kami, boring na sa labas,"



"Sure," He said while holding the cue, eyes are still on those balls.


May kung ano siyang ginagawa sa dulo ng taco na iyon na hindi ko maintindihan, it's like he's wiping it or something. Pero nawala ako sa pag iisip noon ng muli siyang mag angat ng tingin sa akin.


He arched a brow when he caught me looking at him, nag baba ulit ng tingin para muling sumargo. 



"Lakad na, landiin mo na. Panay tingin pa e," Gwynette slightly pinched my waist after whispering on me.


Tinawanan ko lang siya bago ilapag ang mga gamit ko sa sofa.



Tama si Gwynette. Walang mang yayari kung tititigan ko lang siya. He won't do the first move so ako nalang since ako naman ang may gusto nito.



They start playing games. Sina Ivan naman ay abala pa sa pag lalatag ng inumin kaya hindi pa makasali. Samantalang ako na wala namang ginagawa ay nanatili lang sa sofa, nanonood sa mga nangyayari.



"Ivan, aga nyan." I immediately look at him when his baritone voice filled the room.



Ako lang ata ang nakapansin noon dahil ang mga babae kong kaibigan ay hindi manlang natigil sa pag tatawanan matapos mag salita ni Dylan.


"Pagabi na din naman kuya. Staka walang pasok bukas kaya ayos lang," Ivan laughed.


"Join us, bro," Si Rixon.


Playing with Fire (Paseo de Luna Series) #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon