Kabanata 6

1.1K 41 3
                                    

Kabanata 6

Top




"Ayhin, naparito ka? Sandali at tatawagin ko muna si Ivan," Salubong sa akin ni nana Rosa, ang mayordoma ng mga Jacobo isang hapon sa kanilang mansyon.



"Ay nana huwag na po! Si Dylan po ba..." I stopped, nag aalinlangang itanong si Dylan dahil hindi naman alam sa mansyong ito ang tungkol sa amin.



Nakita ko ang unti unting pag angat ng kilay ni nana Rosa. "Nangangabayo si Dylan kasama si Ivan sa hardin.....Tatawagin ko ba?" Nag dududa ang tingin nya sa akin.



I smiled at her awkwardly. Siguro ay iniisip na nya ngayon kung bakit ko hinahanap si Dylan e si Ivan ang kaibigan ko? Ni hindi nga nila kami nakitang nag usap ni Dylan tapos ngayon ay bigla kong hinahanap?



"Oh! Ayan na pala. Dylan may bisita ka," Nilingon ko ang malaking pintuan ng mansyon ng ituro ni nana ang likod ko.


I immediately smiled when I saw Dylan behind me, hinahabol ang hininga at pawis na pawis habang naka tayo sa bukana ng pintuan. His eyes bore into me but my eyes went down on his body. Unti unting napawi ang ngiti ko ng mapagtantong wala siyang damit pang itaas.



What the hell? I can see his six-pack abs clearly! Plus his biceps and tanned skin......bumaba ang tingin ko sa kanyang pantalon na halos mahubo na sakanya.



Damn. Bakit hindi kaya siya mag belt? Baka mahulog pa iyan at kung ano pa ang makita ko! At bakit siya walang damit? Normal ba na gumagala siya sa buong hacienda nila na walang damit pang itaas??




Dang. Kung ganoon dito ko pala siya dapat binibisita palagi?



Nag angat lang ang tingin ko sakanya ng mag lakad siya papunta sa receiving area ng mansyon. I was still stunned because i didn't expect that i'll see him today without his shirts on! Kaya lang ay hindi ko din alam kung bakit parang nadismaya ako ng abutin niya ang isang puting damit sa ibabaw ng couch. He wore it before looking back at me.



"Hi! Saan ka galing?"


I asked even though i already know the answer. Madalas na mangabayo si Ivan sa buong hacienda nila, pa ikot ikot sa malawak nilang lupain at kagaya ng sabi ni nana Rosa kanina, ganon nga ang ginagawa ni Dylan bago ako dumating.



Well, bakit ba? Gusto ko lang magpapansin.



"What do you need?" He asked. Tinalikuran ako at nag lakad papuntang kusina. I immediately followed him.



"Wala lang, na miss lang kita," I smiled playfully while he's drinking a glass of water. Nang matapos nyang inumin iyon ay umiling siya sa akin.




"Here we go again," He put the glass on the sink before facing me, leaning on the counter.



"Why? Bawal ba'ng kitain kapag na miss?" Tiningala ko siya at humakbang pa ng isa papalapit.


Like what he usually do, he crossed his arms to put a barrier between us, but I'm not bothered by it that's why his arms and my chest almost touched. I pouted.



"We just saw each other yesterday at school. Anong miss ang pinag sasabi mo?" He said sternly.


Oh right! Pinuntahan ko siya sa College Department kahapon para yayain ng lunch only to be rejected! Ang galing diba?



"That was yesterday! Magkaiba 'yon," I glared at him.


Hindi siya nakapag salita ng biglang pumasok si nana Rosa, nang linggunin nya iyon ay pinanood ko din ang matanda na may kunin na kung ano sa ref. I waited for her to go out before facing Dylan. Ayokong marinig nila ang pinag uusapan namin at baka makarating pa sa kung sino.



Playing with Fire (Paseo de Luna Series) #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon