P R O L O G U E

104 10 7
                                    


Disclaimer : This is a work of fiction. Names, characters, places, events, businesses, and incidents here are only products of the author's imagination or used in any fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

Please be advised that this story contains mature themes and strong language that are not suitable for very young audiences. Read at your own risk.

*****

"So, what now?! What's your plan, Kiara?!"

Napatingin ako kay Riz, ang aking manager, dahil sa tanong niya. Halata sa mukha niya na galit na galit siya sa nangyari.

Napaisip ako nang malalim. Ano na naman nga ba ang plano ko?


"Kung hindi ka kasi sana nag inom kagabi, edi sana walang mangyayaring ganyan! Alam mo namang kahit mataas alcohol tolerance mo kung ano-anong nagagawa mo 'pag lasing! God, Kiara Lorainne Dela Cruz!"



"Hindi ko naman kasi alam na andoon rin siya, Riz. I didn't know. Kung alam ko lang, edi sana hindi na ako pumunta doon. Apat na taon akong umiwas sa kanya at apat na taon na rin niya akong iniiwasan, Riz." sa sobrang inis ko ay inayos ko ang mga gamit ko at lalabas na sana nang bigla akong hinila ni Riz.

"Ayon na nga, apat na taon kayong nag-iwasan sa isa't isa tapos masasayang lang yung apat na taon dahil sa kagagahan mo kagabi."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Tama nga naman, apat na taon din ang nasayang ko dahil sa katangahan ko kagabi.

"Ano na ang plano mo ngayon, Kiara? Alam mo naman na sikat 'yon sa buong Pilipinas pati na rin sa ibang bansa. Sikat rin ang banda mo. Malaking gulo yang pinasok mo."

Nagbuntong hininga na lang ako at tumingin sa repleksyon namin sa salamin na malapit sa aming dalawa.

"Sa totoo lang, hindi ko alam." 'yon lang ang tanging naging sagot ko sa kanya.

Magsasalita na sana ulit si Riz nang biglang may kumatok sa office nito.

"Come in." agad niyang binitawan ang pagkakahawak sakin at gave me a signal to sit down for a while. Umupo na lang ako sa sofa na malapit sa table ni Riz at kinuha ang phone. Aabalahin ko na lang muna ang sarili ko habang may kausap pa si Riz.

"What can I --- " narinig kong natigilan si Riz nang bumukas ang pinto. I got curious kaya tumingin rin ako sa direksyon nang pinto.

Hindi ko inaasahan na pupunta agad siya dito, at kasama niya pa ang manager niya.

Napatingin sakin ng masama si Riz dahil sa nangyayari ngayon. Wala na lang ako magawa kundi irapan siya dahil sa tingin na ibinigay niya sakin.

"Good afternoon, Miss Hidalgo and Miss Dela Cruz." bati sa amin ng manager ng lalaking iyon. Nginitian ko na lang ang manager niya at hindi na lang pinansin yung lalaking iyon. Binalik ko na lang ang atensyon ko sa phone ko.

"Good afternoon, have a seat." hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa pag-gamit ng phone.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Didiretsuhin ko na lang itong sasabihin ko. Maapektuhan ng sobra ang career nilang dalawa." seryosong sabi ng manager niya.

"Ano ba ang pwedeng solusyon dito?" tanong ni Riz.

"Nakausap na namin ang agency namin pati na rin ang management na humahawak sa banda ni Miss Dela Cruz. Ilalabas sa media na magkasintahan sila."

Nagulat ako sa sinabi ng manager niya kaya napatayo ako nang hindi oras.

"Ano?! Kasintahan?! 'Yan?! 'Yang lalaking yan?!" tinuro ko pa yung lalaking 'yon sa sobrang gulat.

Halatang wala lang sa kanya ang nangyayari ngayon dahil nakangisi pa siya no'ng tinuro ko siya.

"Hindi pwede! Hindi ako papayag!" hindi ko pagsang-ayon sa plano nila.

Ayokong maging kami kahit sa harap lang ng mga tao ang pagpapanggap na iyon.

Narinig ko ang pag buntong hininga ni Riz. Alam kong alam niya ang nangyari noon, dahil noong baguhan palang ang banda namin ay siya na ang manager namin at maa lalong saksi siya sa nangyari dati dahil isa siya sa mga malalapit kong kaibigan.

"Wala na tayong magagawa Kiara, kesa masira ang career ng banda niyo. Isipin mo na lang ang mga kabanda mo, sila Sid."

Tama siya. Wala akong magagawa. Madami ang maapektuhan sa nangyari kagabi. Hindi lang ako at yung lalaking iyon ang maapektuhan. Pati na rin ang mga kabanda ko.

"Wala na ba talagang pwedeng gawin na iba?" nakita kong umiling ang manager ng lalaking iyon.

Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita. "Payag na ako. Payag na ako sa plano na 'yan."

Nakita ko ang pag ngiti ni Riz at ang manager ng lalaking yon. Nag-usap pa sila tungkol sa mga ibang bagay nang napadako ang tingin ko sa lalaking iyon.

Nakangisi pa rin siya hanggang ngayon at nakatitig sakin. Those eyes. How I miss staring at those very big and round eyes. Those eyes who captured my heart when I was so wrecked and had no one else to rely on. But, those eyes are the one who hurt me so much.

Lance Montenegro, the guy who is smirking and staring at me right now. The man I loved so much more than myself. The man who taught me what true love is. The man who hurt me so much.

INTO YOUWhere stories live. Discover now