I was currently driving to school when my phone rang. I immediately connected my phone sa bluetooth ng kotse ko then answered it when I saw who the caller is.
"Yes?"
"Gaga ka. Hindi ka man lang nagpaalam sa'kin kagabi, pati kay Lance. Kay Elliot ka lang nagpaalam." pambungad ni Riz sa'kin. Halata sa boses niya ang pagkairita dahil sa ginawa ko kagabi.
"I'm sorry. Medyo may tama na ako kagabi and mom was looking for me na." I lied.
Actually, it became really awkward when someone called Lance's name while we were kissing. Natulak ko siya ng mahina at medyo lumayo sa kanya. Seems like ka-close niya yung babaeng kausap niya dahil medyo napatagal ang pag-uusap nila. Since wala naman na ako makausap and busy si Riz ay dali-dali na akong lumabas ng bar nila pero nakasalubong ko si Elliot sa parking lot.
"Uwi ka na? Hindi na kayo sabay ni Lance?"
"Yeah. I need to go home na. May pasok pa kasi ako bukas."
"Oh. I see. Drive safely. Hope I'll see you again." he gave me a smile before he went inside their bar.
"Hoy! Babae! Nakikinig ka ba?" napabalik ako sa ulirat nang narinig ko yung matining na boses ni Riz.
"I'm sorry, what were you saying?"
"Hinahanap ka ni Lance kagabi, he went home around 2 am. Nagba-baka sakali kasi siya na bumalik ka." I suddenly felt guilty sa sinabi ni Riz. I went home around 11, it means he waited for me for 3 hours.
"He was busy talking to someone kasi, kaya hindi ko na siya inabala." pagpapaliwanag ko. Totoo naman kasi. Nakakahiya naman kung aabalahin ko pa sila, sobrang dikit pa nga sa kanya ng babaeng kausap niya.
"Ah. I think that was Althea. Ex niya 'yon." oh. So that's why. Nagdaldal pa ng kaunti si Riz bago ako nakarating ng school.
"I'll hang up na andito na ako sa school." pagpapaalam ko sa kanya.
"Okay, dear! But before I forget, I already talked to Dad tungkol sa pagpapahinga mo. Pumayag naman siya kasi it's almost midterms niyo na rin naman. Don't stress yourself too much, okay? We're always here for you, Kiara. You know naman 'di ba?"
"Oo naman. I'm thankful sa inyong dalawa. But don't worry, I won't do anything naman na makapagbibigay ng stress sa'kin. I'll call later na lang when I get home." I hung up and sighed. I lied. Sobrang nase-stress ako sa mga nangyayari pero ayoko naman pag-alalahanin pa si Riz sa'kin.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari sa condo ni Kyle kahapon, pati na rin yung nangyari at sinabi sa'kin ni Kyle kagabi.
"Be my girlfriend."
"Be my girlfriend. I won't hurt you like what he did."
Napailing na lang ako nang biglang pumasok sa isip ko yung sinabi niya sa'kin. Halata namang hindi seryoso si Lance sa sinabi niya kaya pilit ko na lang tinanggal 'yon sa isip ko. Bumaba na ako ng kotse, sakto nakasalubong ko si Maureen papuntang room.
"How are you?" bakas sa mukha niya na nag-aalala pa rin siya sa'kin.
"I'm fine, Maureen. Wag ka na mag-aalala dyan masyado." I gave her a smile as I sign of assurance na okay lang ako.
Kahit gusto ko magsabi sa kanya ng totoo ay nahihiya ako. Sobrang maalaga sa'kin ni Maureen simula nang highschool kami. Lagi siyang andyan sa tabi ko. Kahit iba ang kursong gusto niya, pinilit niya pa rin kunin yung kursong kinuha ko. Ayaw niya malayo sa'kin. Sobrang nakadepende na kami sa isa't isa. Naging magkaibigan rin naman agad sila ni Riz no'ng nagsisimula pa lang ako sa banda dahil halos lagi sumasama sa'kin no'n si Maureen.
Months have passed, simula nang naghiwalay kami. Pansamantala akong tumigil muna sa pagbabanda. Una ay labag sa loob ni Riz na tumigil muna ako, pero napapayag ko rin naman siya lalo na't nakikita niya na halos lagi na lang maga ang mga mata ko sa kakaiyak. Sobrang iniiwasan ko muna ang pagbabanda dahil si Kyle lang ang naalala ko. Sabi ni Riz ay paehong umalis na sa banda si Kyle at Adrianna kaya kami na lang ni Sid ang natira. Hindi ko pa nakakausap si Sid ni isang beses simula no'ng naghiwalay kami ni Kyle. Kasalukuyang naghahanap si Riz ng mga bago naming ka-miyembro. As much as I want to help her sa paghahanap ay sobrang nawalan talaga ako ng gana bumalik sa pagbabanda.
Hindi ko na rin nakita si Lance mula no'ng gabing 'yon. Kahit si Elliot ay hindi ko na rin nakikita sa bar nila kapag napapadpad ako do'n. Tulad ngayon, kasama ko si Maureen dito sa laging pinagpepwestuhan namin. Kakatapos lang ng mid terms namin kaya dito agad kami dumiretso ni Mareen. Nilayo ko rin ang sarili ko sa social media kaya hindi ko alam kung natuloy ba ang press conference na sinasabi ni Lance. Hindi rin naman nagke-kwento si Riz sa'kin tungkol sa kila Lance dahil sobrang busy niya sa pamamahala sa bar at paghahanap ng bago naming kabanda.
Ginawa kong abala ang sarili ko sa pag-aaral. Wala na akong ginawa kundi mag-aral tuwing weekdays at mag-bar tuwing weekends. Pero no'ng panahon na nagrereview kami ni Maureen para sa mid terms ay hindi muna kami nagbar masyado. Ngayon na lang ulit kami nagbar ni Maureen.
Inaamin ko, hanggang ngayon mahal ko pa rin si Kyle. Hindi pa rin siya mawala sa isip ko. Halos gabi-gabi pa rin akong umiiyak lalo na pag naalala ko yung eksena sa condo niya. Gustong-gusto ko magalit sa kanya pero hindi ko magawa. Imbes na galit ang nararamdaman ko, sakit lang ang tanging nararamdaman ng puso ko.
Hindi ko napansin na tumulo na lang bigla ang luha ko kaya agad akong inabutan ni Maureen ng tissue. Kinuha ko naman 'yon at pinahid ang mga luha ko.
"Iniisip mo na naman." she worriedly said as she was caressing my back.
"Hindi ko maiwasan. Wala na siya sa buhay ko pero nag-iwan naman siya sa'kin ng sakit." niyakap na lang ako ni Maureen habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
Nang makabawi na ako sa pag-iyak ay nagpaalam sa'kin si Maureen na pupunta lang siya sa comfort room kaya mag-isa lang akong umiinom dito sa table namin.
Nakaramdam ako na may nakatingin sa'kin kaya hinahanap ko kung nasaan 'yon. Palinga-linga ako kahit alam ko naman na medyo madilim dito sa kinauupuan ko kaya hindi ko talaga makita kung sino yung nakatingin sa'kin. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-inom pero parang bumalik na naman yung pakiramdam ko na may nakatingin sa'kin.
Tinalasan ko ang paningin ko at hinahanap ko talaga kung sino ang nakatingin sa'kin. Nang madako ang tingin ko sa may bar counter ay may nakita akong lalaking kulay blue ang buhok at may suot na salamin. Napansin ko rin na sa'kin siya nakatingin. Dahil medyo malayo siya at medyo nakainom na ako ay hindi ko makita ng maayos ang mukha niya. He was wearing a plain black shirt and black pants.
Nagulat ako no'ng napansin ko na naglalakad na siya papunta sa direksyon ko. I saw him pushing his tongue on the insides of his cheek before smirking. That smirk. His signature smirk.
Nang makalapit na siya sa'kin ay hinila niya agad ako patayo at pinulupot ang kanang braso niya sa bewang ko kaya sobrang lapit ng mukha niya sa'kin. I was staring at him na para bang hindi nagfa-function ang utak ko. Sobrang iba ang itsura niya ngayon dahil sa buhok niya. Napansin ko na may suot rin siyang hikaw sa kaliwang tainga niya. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung anong hikaw 'yon. It was a blue CC stone earrings that probably cost $370. May suot rin siyang kwintas pero hindi kita kung ano ang pendant no'n pero sigurado na ako na logo na naman ng Chanel ang kwintas niya.
"Missed me?" bumalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses niya. Hindi ko alam ang nangyayari sa sarili pero bigla ako nanghina dahil sa malalim niyang boses. He was still wearing his signature smirk on his face.
"Lance Montenegro." I uttered his name, still surprised na andito siya sa harap ko pagkalipas ng ilang buwan na hindi ko siya nakita.
"I missed you." hee claimed my lips as if he owned it. He wrapped both of his arms around my waist and bit my lower lip that made me moan softly. He stopped kissing me at pinagdikit ang noo namin.
"I missed you so bad."

YOU ARE READING
INTO YOU
Lãng mạnBANGTAN SERIES #1 Kiara Dela Cruz, a lead vocalist of a famous band in Metro Manila got cheated by her lead guitarist boyfriend. She was so wrecked and didn't have any inspiration to pursue her career not until Lance Montenegro, a famous model in Ca...