9

30 6 0
                                    


Tanging pag-kunot noo ang ginawa ni Maureen no'ng pagkabalik ko sa table namin. Bago ako makarating sa table namin, tinignan ko muna kung ando'n pa si Lance, fortunately umalis na sila ng kasama niya. Hay, ano bang nangyayari sa'kin?

"Nagkausap kayo?" tinanguan ko siya at agad na uminom ng tubig dahil parang natutuyuan ako ng lalamunan. Hindi na lang muli nagsalita si Maureen at napagpasyahan namin na magshopping muna, tutal ngayon lang kami ulit nakapagmall 'yon nga lang wala si Riz.

6:42 na ng gabi nang makarating kami ni Maureen sa condo ni Riz. Mabuti na lang at may dala kaming extrang damit ni Maureen dahil mukhang dito kami matutuloy. Agad akong nagluto ng carbonara samantalang silang dalawa naman ay nag aayos sa sala. Mabilis lang akong natapos magluto since para sa'ming tatlo lang naman 'tong carbonara at medyo busog pa ako dahil sa kinain namin kanina ni Maureen. Hinain na na nila yung carbonara sa center table sa sala ng condong 'to at nagsimula na kaming kumain.

Tahimik lang akong kumakain samantalang ang dalawa kong kasama ay nagdadaldalan habang kumakain nang biglang may nagdoorbell. Pareho kaming nagtaka ni Maureen kung bakit may magdodoor bell pa ng ganitong oras at ang alam naman naming pareho kami lang tatambay dito. Tumayo si Riz sa pagkakaupo at agad na dumiretso sa pinto para buksan 'yon.

Nanlaki ang mata ko ng nakita ko kung sino yung nasa pinto. Tangina, kung minamalas nga naman. Kakakita lang naman kanina sa restaurant tapos ngayon andito naman siya kasama pa yung kapatid ni Riz. Hinatid muna siguro niya yung kasama niya kanina o baka may ginawa pa sila.

Naramdaman ko naman ang pagsiko sa'kin ni Maureen habang may nakakalokong ngiti sa mukha. Inirapan ko na lang siya, kala mo hindi nakita kanina na may kasamang babae kung makangiti ng nakakaloko. Tss. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at hindi na lang pinansin si Maureen.

"Buti naman naisipan mong pumunta dito ngayon, Elliot." rinig kong sabi ni Riz sa kapatid niya. "Oh siya, pumasok na kayong dalawa. Buti na lang may pagkain pa, kahit papano sobra yung niluto ni Kiara." naramdaman ko na naglalakad na yung dalawa papunta dito sa sala samantalang si Riz naman ay kumukuha siguro ng pagkakainan ng dalawa.

"Uy, andito ka pala Kiara." bati ni Elliot at umupo sa tabi ko. "Hindi, hologram ko lang 'to." narinig ko ang mahinang pagtawa ni Elliot at Maureen sa sinabi ko. Nakita ko na umupo si Lance sa tabi ni Elliot. Bale pabilog kasi 'tong center table ni Riz at nakaupo pa kami sa carpet. Nang bumalik na si Riz ay kumain na yung dalawa. Tahimik lang ako na kumakain ulit at nakikiramdam lang. Nag-uusap usap lang sila about sa kung ano-anong bagay na hindi naman ako makarelate.

Nang matapos kami kumain ay nagkayayaan na sila uminom. Tahimik pa rin ako na umiinom habang nakasandal sa sofa. Kwentuhan pa rin sila ng kwentuhan. Napansin ko naman na tahimik lang din si Lance, kumikibo lang si Lance pagkinakausap na siya.

"Ang tahimik niyo namang dalawa, parang hindi nag-laplapan no'ng nakaraan." pareho kaming nasamid sa sinabi ni Riz. Mataas naman tolerance niya sa alak pero kala mo lasing kung magsalita. "Oo nga, tahimik niyo. Nagkita naman kayo kanina sa restaurant ah." segunda pa ni Maureen.

"Nagkita kayo?" takhang tanong ni Elliot sa'min. Pabalik-balik pa yung tingin niya sa'ming dalawa. Pareho kaming tumangong dalawa bilang sagot. "Kaso may kasama namang babae 'yang kaibigan mo, Elliot." sabi ni Maureen. Hindi na lang ako nagsalita habang yung magkaibigan naman ay nagpapalitan ng tingin na tila nag-uusap gamit lang yung mata nila.

"Laro na lang tayo, spin the bottle. Okay lang naman siguro sainyo noh?" aya ni Riz. Pumayag na lang kami na maglaro kesa mapunta pa sa'min yung usapan, medyo awkward pa naman. Umayos kami ng pagkakaupo, ang katapat ko si Riz. Sa kanan niya ay si Maureen tapos sa kaliwa niya si Lance. Napapagitnaan ako ni Maureen at Elliot. Kumuha si Riz ng bote na wala ng laman. "Kung kanino nakatapat yung nguso, 'yon ang sasagot ng truth o gagawa ng dare ah. 'Pag hindi sumagot, iinom ng tatlong shot gano'n na rin pag hindi ginawa dare. Kung kanino nakatapat ang pwetan ng bote, siya yung magde-dare o magtatanong." pagkatapos niyang magsalita ay agad niyong pinaikot ang bote. Tumapat yung nguso kay Maureen, kay Elliot naman tumapat yung pwetan.

"Truth or dare?" tanong sa kanya ni Elliot.

"Truth!" masiglang sagot ni Maureen sa kanya. "Totoo bang may gusto ka kay Luke?" nakita ko naman na medyo namula si Maureen, hindi ko alam kung epekto lang ba 'yon ng alak o namumula. Agad siyang kinantyawan ng magkapatid habang si Lance ay nakangiti lang. "Hala! Hindi ah! Saan mo naman nakuha 'yan?" depensa ni Maureen. "Weh? Maniwala sa'yo. Yung totoo kasi." halatang hindi naniniwala si Elliot. "Oo na! Pero crush ko lang naman si Luke!" pag-amin ni Maureen. Lalong namula ang mukha niya kaya napatawa na lang kami. Si Maureen na ang sunod na nagpaikot. Hindi kami gano'n katabi-tabi masyado kasi hindi naman kami even kaya ang nangyari ay kung kanino lang siya pinakamalapit talaga na tatapat. Tumapat yung nguso sakin samantalang yung pwetan naman ay kay Riz.

"Truth or Dare?" malokong tanong niya sa'kin.

"Dare." lalong siyang ngumiti ng nakakaloko. "I dare you to do what I'll say." tumango na lang ako sa kanya. Hindi naman gano'n kaloka-loka si Riz, matino naman yan. Hindi lang halata minsan.

"Ayon oh! Bawal ka uminom ah, pili ka sa kanilang dalawa." tinuro niya pa ang kapatid niya at si Lance. "Tapos kiss mo sa cheek." kumunot na lang noo ko sa kanya. I take it back. Loka-loka talaga si Riz, kahit anong mangyari. Hindi siya matino. Parehong ngiting-ngiti yung dalawa kong kaibigan samantalang yung dalawang lalaki naman ay nakatingin lang sa'kin. Hindi na lang ako umangal at umusodnng kaunti sa tabi ni Elliot. Magkaibigan naman na kami ng matagal, atsaka kapatid na rin turing namin sa isa't isa kaya hinalikan ko siya sa pisngi. Nakita ko ang pagpula ng tenga niya pero hindi na lang ako kumibo tungkol do'n. Parehong nakanguso si Maureen at Riz sa hindi ko malamang dahilan at nakita ko ang pag-igting ng panga ni Lance na kinabahala ko. Bakit gano'n reaksyon niya?

Ako na ang sumunod na nag-ikot ng bote. Si Maureen ang magtatanong, si Lance ang gagawa ng dare o ang sasagot sa tanong niya. "Dare." diretsong sabi ni Lance kahit hindi pa siya tinatanong ni Maureen. "Kiss anyone in this room. Kahit sino." tinignan ko si Maureen at ang gaga, ang laki ng ngiti habang nakatingin sa'kin.

Walang kibo si Lance na tumayo at pumunta sa likuran ko. Hinarap niya ako sa kanya habang nakaluhod siya ng bahagya. Tumingin siya sa aking mata pababa sa labi ko. Napalunok na lang ako dahil sa ginagawa niya. Bakit parang ang perpekto naman ata nitong lalaking 'to? Napatingin na rin ako sa labi niya nang napansin ko na ngumisi siya. Hinawakan niya ang batok ko gamit ang kanang kamay niya at dahan-dahan na inilapit ang mukha niya sa'kin hanggang sa naramdaman ko na lang na nakalapat na yung labi niya sa'kin.

Napapikit na lang ako nang naramdaman ko na gumalaw ang labi niya at tumugon ako sa halik niya. Bigla akong nanghina. Nakalimutan ko bigla na may kasama siyang babae kanina. Nakalimutan ko na may kasama pa kami dito. Nadadala ako sa halik niya. Kinagat niya muna ang pang-ibabang labi ko bago tumigil.

Tinignan niya ako ng seryoso. "Gusto kita. Seryoso ako sa'yo. Hindi ako katulad ng ex mong niloko ka. Hindi ko kayang gawin 'yon sa katulad mo na dapat iniingatan."

INTO YOUWhere stories live. Discover now