"Wake up, kanina ka pa tinatawagan ni Tita Kira." napadilat ako nang hindi oras nang banggitin ni Riz ang pangalan ni mommy.
Nakita ko naman na hawak ni Riz ang nagriring na telepono ko at sinagot ito.
"Nasaan ka?" bungad sakin ni mommy.
"Nasa condo ako ni Riz, mom. Masama kasi pakiramdam ko kagabi kaya hindi na ako nakauwi." pagsisinungaling ko. Agad namang binaba ni mommy ang tawag na siyang kinabuntong hininga ko.
Naalala ko yung mga nangyari kagabi. Hay. Bakit ba kasi ang tanga ko? Sa sobrang ayaw ko umuwi kakaiyak ay napagdesisyunan nila Riz na dito muna ako sa condo niya magpalipas ng gabi.
Mukhang pumasok si Maureen ngayon dahil walang ano mang bakas ng mga gamit niya dito sa guest room ni Riz.
"Ayos ka lang?" tanong ni Riz. Umupo siya sa tabi ko, at tumititig sakin.
"I don't know. I felt like I cheated." she hugged me while rubbing my back. "I'm sorry. Sana hindi na lang kita inaya kagabi." she said.
I decided to talk to Kyle about what happened last night. Gusto ko magsabi sa kanya at ayaw kong itago sa kanya 'yon. Nanghiram muna ako ng damit kay Riz dahil ayaw ko nang umuwi mo na, mas gusto ko na ayusin muna itong problema na pinasok ko bago umuwi.
It's 4 pm. Nasa labas ako ng condo unit ni Kyle. Pag tuesday, maaga siya nakakauwi kaya alam kong andito na siya ngayon. Kinuha ko yung key card ng condo ni Kyle sa wallet ko at ini-swipe ito.
Pagkapasok ko ng condo unit niya ay naamoy ko agad ang amoy ng sigarilyo niya. Napansin ko naman na nakalapag yung jacket niya sa sofa at may isa pang jacket do'n. Binalewala ko na lang 'yon at hinanap si Kyle.
Malapit na ako sa labas ng kwarto ni Kyle nang may narinig ako na impit na ungol.
"Ah. Fuck." that was Kyle's voice and it sounds like he's doing something that caused him to moan like that.
Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Pagkarating ko sa labas ng kwarto ni Kyle ay nakita ko na medyo nakabukas ang pinto ng kwarto niya.
And there I saw Adrianna on top of Kyle. They're both naked. Dahil sa gulat ko ay nabitawan ko ang clutch bag ko. Nakita ko naman na agad na nataranta sila Kyle nang nakita nila ako sa may pinto.
Agad kong pinulot ang bag ko at dire-diretsong umalis sa unit ni Kyle. My eyes were probably bloodshot and tears were beginning to blur my vision as I walk to the elevator.
Nang bumukas ang pinto ng elevator ay iniluwa no'n ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon.
"Lance." I murmured. He was surprised nang makita niya ang itsura ko kaya agad siyang lumapit sa akin.
"What happened? Are you okay" hinawakan niya ang pisngi ko at pinilit iharap sa kanya ang mukha ko. Dahil matangkad siya ay nakatingala ako sa kanya ng bahagya.
Bago pa ako makasagot ay narinig ko ang boses ni Kyle na tinawag ang pangalan ko.
"Kiara!" napatingin ako kung saan nagmula ang boses na 'yon. Nakasuot na ng shirt at pants si Kyle pero magulo pa rin ang buhok niya. Nakita ko naman ang pagdilim ng mukha ni Kyle nang nakita niya ang kamay ni Lance sa pisngi ko.
Lumapit siya sa amin at tinabig ang kamay ni Lance. "Sino ka? Bakit nakahawak ka sa girlfriend ko?" maangas na tanong ni Kyle kay Lance.
"Girlfriend? Sa tingin mo tayo pa rin? Sa tingin mo ba mapapatawad pa kita pagkatapos nang nakita ko? Just leave me alone, Kyle." panunumbat ko kay Kyle.
"Look, babe. Let me explain." hahawakan sana ni Kyle ang kamay ko nang biglang naramdaman ko na hinila ako ni Lance palapit sa kanya.
"She already told you to leave her alone." I looked at Lance, he was dead serious. Walang kaemo-emosyon sa mukha niya. Parang ibang tao siya. Ibang-iba kumpara sa lalaking nakilala ko kagabi.
YOU ARE READING
INTO YOU
Storie d'amoreBANGTAN SERIES #1 Kiara Dela Cruz, a lead vocalist of a famous band in Metro Manila got cheated by her lead guitarist boyfriend. She was so wrecked and didn't have any inspiration to pursue her career not until Lance Montenegro, a famous model in Ca...
