Maaga natapos ang klase ko ngayon kaya agad kong tinext si Kyle na magkita na kami.
Tahimik lang akong naglalakad papunta sa parking lot. Hanggang ngayon ay nababagabag pa rin ako sa nakita ko kanina. Dapat ko munang pakinggan kung ano mang explanation niya bago ako magdesisyon basta basta.
Nang makarating ako sa parking lot ay nakia ko siya na nakasandal sa kotse niya na katabi ng kotse ko. Walang kibo akong lumapit sa kanya at hinihintay kung anong saabihin niya.
"Babe." he called me using his soft voice.
Tinititigan ko lang siya. Naghihintay sa sasabihin niya. Kahit gustuhin ko man magsalita ay walang lumalabas na salita sa bibig ko.
Nakatitig lang ako sa mata niya. I always enjoyed looking at him sa mga mata niya. Sobrang sarap titigan ng mga mata niya. Kapag nalulungkot ako at napapatitig ako sa kanya, nawawala na lang bigla yung lungkot ko at napapalitan na lang ng ngiti sa aking mukha.
"It's not what you think. I'm not cheating on you." paliwanag niya.
Tahimik pa rin akong nakatitig sa kanya. Ayoko muna magsalita habang hindi pa siya tapos magsalita.
"Pinahatid lang sakin si Adrianna kasi naghiwalay na sila ni Sid kanina. Pinasuyo lang siya sakin ni Sid. Alam mo naman na I can't say no kay Sid 'di ba?" patuloy niya sa pagpapaliwanag.
I sighed and just hugged him. I don't really know what to say. I felt him wrapping his arm around my waist. "I'm sorry kung hindi ko man lang sinabi sa'yo kaninang umaga." he whispered pero naririnig ko naman ng maayos.
Pagkatapos niya magpaliwanag, I told him that I needed to go home since medyo napagod ako ngayong araw. Hindi dapat siya papayag kasi gusto niyang magdinner muna kami pero hindi niya na lang ipinilit dahil alam niyang hindi pa rin ako ayos kahit na nakapagpaliwanag na siya.
Nang makauwi ako sa bahay ay agad akong humiga sa sofa dito sa sala at inisip yung mga nangyari kanina.
Kahit kailan, never nagsinungaling sa akin si Kyle. Sa tatlong taon naming magkarelasyon, ngayon lang siya hindi nakapagsabi sa akin tungkol sa mga ginagawa niya. Madaldal si Kyle kaya lagi akong niya akong nau-update kung may gagawin man siya.
Napapraning lang siguro ako. Alam ko namang hindi 'yon magsisinungaling sa akin. Sobrang honest si Kyle at walang wala sa vocabulary niya ang magsinungaling. I just can't help but to sigh sa lalim ng iniisip ko.
I felt like I want to be wasted tonight.
I was surprised when my phone rang. Tinignan ko muna kung sino yung tumawag bago ko ito sinagot. It's Riz. Bestfriend namin ni Maureen and our band manager. I was not really in the mood to answer the call but it might be important so I answered it.
"What is it?" halata sa boses ko ang pagkairita.
"Gosh. You seem grumpy, dear. May period ka ba?" tumatawa pa si Riz habang sinasabi 'yon. "But anyway, I don't care if may period ka. You should go here sa bar namin! It's my brother's birthday." she excitedly said.
"I'm tired, dear. And Monday ngayon, like seriously?"
"Lunes tumapat birthday ng kapatid ko, anong gusto mong gawin ko? I-adjust ko yung calendar? Besides, Elliot wants you here."
"Who's Elliot?" I asked. "Lalaki mo?" I chuckled after. Riz really likes to party. Kaya hindi na bago kung may kalandian siya na nakilala niya sa bar nila.
"Gaga! Kapatid ko! Bestfriend ba talaga kita? Buti pa si Maureen, naalala kapatid ko." nagtatampo niyang saad.
"Ohh. May kapatid ka pala?" pang-asar kong tanong sa kanya. Honestly, nakalimutan ko talaga na may kapatid siya since hindi naman kami tumatambay ni Maureen sa bahay nila at lagi ko lang nakakasama si Riz kapag may gig kami or practice.

YOU ARE READING
INTO YOU
RomanceBANGTAN SERIES #1 Kiara Dela Cruz, a lead vocalist of a famous band in Metro Manila got cheated by her lead guitarist boyfriend. She was so wrecked and didn't have any inspiration to pursue her career not until Lance Montenegro, a famous model in Ca...