7

42 6 0
                                    

Kasalukuyan kaming nakaupo sa VVIP room dito sa bar nila Riz. Pinalipat kami ni Riz dahil sa kapatid niya at kay Lance.

Nandito na si Maureen, Riz at Elliot na pare-parehong nakangiti ng nakakaloko sa'ming dalawa ni Lance. 

While we were making out, I don't know if that's making out though, biglang dumating si Maureen na may hawak pang bote ng alak at nabitawan kaya 'yon nabasag. Nakakuha pa tuloy kami ng atensyon galing sa ibang tao dito sa bar kaya dinala kami ni Riz dito sa VVIP room ng bar nila. This room is only exclusive sa pamilyang Hidalgo.

"So, anong ganap sa inyong dalawa?" nakangisi pa si Riz habang tinanong 'yon. Napansin ko namang tahimik lang na nakangiti si Elliot sa nangyayari ngayon. Iba na rin ang kulay ng buhok niya, pink na yung kulay. 

"Wala. / I like her." sabay naming sagot ni Lance. Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "Anong pinagsasabi mo dyan?" napairap na lang ako nang bigla na naman siyang ngumisi.

Kahit kailan talaga hindi na mawawala yung ngisi sa mukha niya. Hindi ko napansin na nakatitig na naman ako sa mukha niya. Bagay sa kanya ang nakasalamin. Mas lalong bumagay pa sa kanya yung buhok niya. Simple lang ang damit na suot niya pero mapapansin mo agad na mayaman siya dahil sa suot niyang hikaw.

Nakita ko ang bahagyang pag-angat ng kaliwang kilay niya nang tinignan niya ako habang nakangisi. "Loving the view, babe?" kumunot ang noo ko sa tanong niya. Oo, gwapo siya. Pero ang yabang naman ata.

Narinig ko ang pagtikhim ng tatlo naming kasama kaya napalingon ako sa kanila. Nakangiti pa rin sila ng nakakaloko. Si Riz at Maureen ay tila kinikilig pa sa pwesto nila samantalang si Elliot ay umiiling-iling pa habang nakangiti.

"Walang namamagitan sa'min, okay?" pagpapaliwanag ko. Wala naman kasi talaga. Halik lang naman 'yon. Wala ba talaga?

"I missed you."

Para akong nabilaukan kahit wala akong iniinom nang maalala ang sinabi niya sa'kin kanina bago kami makita ni Maureen na naghahalikan.

Naramdaman ko ang paghagod ni Lance sa likod ko at inabutan  ako ng tubig na agad kong ininom. Tangina. Anong epekto ba sa'kin ng lalaking 'to?

Nilapag ko sa table na nasa harap namin ang baso na pinag-inuman ko. Naririnig ko pa na nagkekwentuha si Riz at Maureen tungkol sa nakita ni  Maureen kanina do'n sa baba.

"Did you even miss me?" ramdam ko ang mainit niyang hininga dahil sobrang lapit ng mukha niya sa tainga ko. Hinapit niya pa ang bewang ko gamit ang kanang niyang kamay palapit sa kanya kaya sobrang lapit ng katawan namin sa isa't isa. Naamoy ko pa yung hininga niya na amoy mint na may halong alak. 

Nang napatingin ako sa kanya ay tila tumigil ang paligid ko. Na para bang siya lang ang nakikita ko. Na parang kaming dalawa lang ang nasa loob ng VVIP room na 'to. Sobrang lapit ng mukha niya sa'kin. Kaunting pulgada lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Nakita ko naman ang pagbaba ng mata niya mula sa mata ko papunta sa labi ko kaya hindi ko naiwasan na basain ang labi ko na siyang kinalunok niya bigla kaya umiwas ako ng tingin.

"Bakit naman kita mamimiss?" nakita ko na seryosong nakatingin sa'min si Elliot. Kanina lamang ay nakangiti siya ng nakakaloko tapos ngayon ay parang ang dilim ng aura niya. 

"Mukhang magiging balita ka na naman Lance bukas ah?" tumatawa-tawa pa si Riz habang sinasabi 'yon.

Hindi na kumibo ang katabi ko at nagkwentuhan na lang kami tungkol sa kung ano-ano mang bagay. Kaya pala nawala sila Lance ng ilang buwan ay nasa California sila for their photoshoot sa isang magazine at madami pa silang inasikaso. That explains why their hair colors changed. Pinakita pa sa'min ni Elliot yung mga litrato galing sa photoshoot nila.

INTO YOUWhere stories live. Discover now