15

29 6 0
                                    


Lance's currently driving patungo sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya ni Creed. Kasabay namin sa kotse sina Luke at Maverick, samantalang ang iba naman nilang kaibigan ay nasa kotse ni Elliot.

Nagulat pa nga ako kanina nang nakita ko ang kotse ni Elliot. It was a freakin' Maserati. Maserati Levante, to be specific. Damn, Hidalgo Family are really rich. I mean, really. Ilang beses ko pa ngang nakita na nagpapalit-palit ng kotse si Riz. Makikita naman sa way ng pananamit nila na mayaman sila, pero kung kumilos sila ay para bang simple lang sila.

Medyo nahirapan pa kami sa paglabas ng agency nila dahil meron pa ring iilang reporters na nasa labas ng agency nila, mabuti na lang talaga at may mga guard do'n kaya nakadaan kami.

I was quiet sa buong byahe dahil hindi naman ako makarelate sa pinag-uusapan nilang tatlo. It was about the event na magpeperform sila, sabi nila isa 'tong charity event. Ang malilikom nilang pera do'n sa event na 'yon ay mapupunta sa isang bahay-ampunan na sino-sponsoran nila.

"May joke ako about pangit." rinig kong sabi ni Maverick kay Luke sa likod. Diretso lang ang tingin ko sa kalsada samantalang si Lance ay sumusulyap-sulyap sa rear-view mirror para makita sila.

"Kaso baka ma-offend ka." Maverick laughed. His laugh was so contagious kaya napatawa na rin kami ni Lance. Pagkalingon ko sa kanila ay nakita kong nakakunot noo lang si Luke kay Maverick habang pinapalo-palo pa siya na tumatawa pa rin.

"Gago." I heard Luke cursed. Umiiling-iling ako habang tumatawa at binalik ang tingin sa kalsada. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang ngiti ni Lance. He has a boxy smile na sobrang unique dahil ngayon ko lang talaga nakita na may tao pala na may gano'ng ngiti.

Sobrang opposite ang pinapakita sa'kin ni Lance ngayong araw. Kung dati ay puro ngisi o seryosong mukha lang ang nakikita ko, ngayon ay ibang-iba siya dahil sa pagngiti niya at sa way ng pagning-ning ng mata niya.

Nang makarating kami sa restaurant ng pamilya ni Creed ay ando'n na rin ang iba nilang kaibigan na prenteng nakaupo at nagkwekwentuhan. Pinaghila ako ng upuan ni Lance, nakita ko pang pinapanuod kami ng mga kaibigan niya na para bang nanunuod sila ng teleserye sa harap nila.

Umupo naman ako agad, at tumabi naman ito sa'kin. Ang katabi ko naman sa kanan ay si Luke, ang nasa harap ko ay si Storm na mukhang inaantok dahil sa pagod.

"Sa'n si Creed?" tanong ni Luke sa mga naunang makarating dito. "Kitchen. Gusto niya daw lutuan tayo." sagot ni Storm. His eyes looked so sleepy, parang kaunti na lang ay babagsak na ito.

"Lance, did you gave her a ticket para sa event?" tanong ni Oliver kay Lance. Umiling si Lance bago sumagot.

"Hindi pa. Ayaw ibigay sa'kin ng katabi mo yung mga natitirang ticket." he chuckled. Tumingin naman si Oliver sa katabi nito na si Storm na nagkibit balikat lang.

"Na kay Elliot kaya." maikling sagot ni Storm at tumingin naman kay Elliot na katabi niya.

Lahat kami ay nakatingin kay Elliot at naghihintay ng sasabihin niya pero tahimik lang siya na nakatulala.

"Hoy!" pagkuha ng atensyon ni Luke kay Elliot. "Kanina ka pa tahimik, may problema ka ba? At saka nasa'n yung mga ticket na natitira?" tanong nito. Bumalik naman sa ulirat si Elliot at umayos nang pagkakaupo.

"Ah, wala. May iniisip lang." tumigil siya saglit sa pagsasalita at tumingin sa'kin ng walang kaemo-emosyon sa kanya mga mata. Sobrang nakakapanibago. Binaling niya naman ang tingin kay Luke.

"Naiwan ko sa bahay, iaabot ko na lang kay Riz para maibigay kay Kiara kung magkita man sila." seryoso niyang saad. What's going on with you, Elliot? Why are you like that?

INTO YOUWhere stories live. Discover now