"You're here." I said while smiling at him. He frowned at me but eventually, his lips formed into a boxy smile. "Yeah. I'm here." he hugged me tightly.
Nang bumitaw na siya sa pagkakayakap ay bumalik ang tingin niya kay Sid na prenteng umiinom habang tinitignan kaming dalawa.
Bakas sa mukha niya ang malolokong ngiti na hindi niya na maitago.
"May boyfriend ka na pala, Kiara. Kaya naman pala hindi ka na bumabalik sa banda." he chuckled.
"He's Lance, and no. Hindi siya ang dahilan kung bakit hindi pa ako bumabalik sa banda. Sadyang hindi ko pa kaya. 'Wag ka nga, Sid." inirapan ko siya pagkatapos ko magsalita na siyang kinatawa niya na naman ng mahina.
"Sid nga pala, 'pre. Kabanda ng babaeng katabi mo. 'Wag ka mag-alala. Hindi ako pabor sa exchange gift." he chuckled again. Napailing na lang ako sa sinabi niya samantalang pagkatingin ko naman kay Lance ay para bang hindi niya naiintindihan ang sinabi ni Sid.
"Ex niya si Adrianna." tumingin sa'kin si Lance na mas lalong kumunot ang noo. Hindi nga pala niya kilala si Adrianna. Kahit kailan ay hindi ko pa nababanggit sa kanya ang pangalan ni Adrianna.
"Kabit ng ex ni Kiara." si Sid na ang sumagot. Mukha namang nalinawan na si Lance dahil tumango-tango siya.
Nag-aya si Lance na do'n na lang kami sa usual na inuupuan namin. Hihilain ko na sana si Maureen nang nakita kong nasa tabi niya pala si Luke na seryosong nakatingin sa kanya.
Siya kaya yung tinutukoy ni Maureen?
Bwisit kasi si Sid, kung hindi siguro siya dumating baka nasabi na sa'kin si Maureen kung sino yung nagugustuhan niya na.
Hinawakan ni Lance ang kamay ko at tinignan muna si Luke na nakatingin rin samin saka niya ito tinanguan na para bang sinasabi na sumunod na lang sila sa'min. Hinila na ako ni Lance patungo do'n sa usual na inuupuan namin habang nakasunod lang sa'min si Sid na mukhang walang ibang kasama.
Nang makaupo kami ay agad akong inakbayan ni Lance para mas lalong malapit ako sa kanya. Napansin ko na lang na ngumiwi si Sid nang makita kami at umiiling-iling na uminom sa hawak niyang baso.
Tinignan ko si Maureen do'n sa pwesto namin kanina. Inaalalayan na siya ngayon ni Luke sa paglalakad papunta dito dahil pagewang-gewang na ito. Halata ang pagkairita sa mukha ni Luke dahil nakakunot ang noo niya habang si Maureen naman ay mukhang may sinasabi na kung ano-ano sa kanya.
Nang makarating sila dito ay tahimik lang na inupo ni Luke si Maureen sa tabi ko at umupo na siya sa harap ni Maureen, which is sa tabi ni Sid.
I flinched nang biglang sumandal sa'kin si Maureen na tumatawa-tawa pa.
"Kiara, alam mo ba?" tanong niya habang tumatawa pa rin.
"Hindi pa." pangbabara ko. Narinig ko na tumawa si Lance at Sid sa ginawa kong pangbabara habang si Luke ay seryoso pa ring nakatingin kay Maureen.
"Ni-reject ako. May girlfriend siya e." inayos ko ang pagkakaupo ko at hinarap sa'kin si Maureen. Nakikita ko na may namumuong mga luha sa kanyang mata pero tumatawa pa rin siya.
"Ang sakit, Kiara." tumatawa lang siya hanggang sa napalitan na ito ng hagulgol. Wala akong ibang nagawa at niyakap ko na lang siya habang tinatapik-tapik ang likod niya.
"Tss." napatingin ako kay Luke. He put his tongue on the insides of his cheek at umiwas ng tingin sa'min.
Siya nga? Siya ba? Siya kaya?
Patuloy lang sa paghagulgol si Maureen sa balikat ko. Nagu-usap na rin si Lance at Sid tungkol sa paano kami nagkakilala ni Lance pati na rin do'n sa issue na kumalat na nilalagawan niya ako dahil nabalitaan din pala ni Sid 'yon.
YOU ARE READING
INTO YOU
RomansBANGTAN SERIES #1 Kiara Dela Cruz, a lead vocalist of a famous band in Metro Manila got cheated by her lead guitarist boyfriend. She was so wrecked and didn't have any inspiration to pursue her career not until Lance Montenegro, a famous model in Ca...
