1

72 8 11
                                    

"Let's go, babe." aya sakin ng kasintahan ko na si Kyle at nilahad ang kamay sakin.

Nginitian ko siya at hinawakan ang kanyang kamay.

Kakatapos lang ng practice ng aming banda. Ako ang lead vocalist sa banda samantalang lead guitarist si Kyle.

Everyone thinks na we're a perfect couple. I wouldn't say we're not since sobrang faithful namin sa isa't isa ni Kyle. Sa loob ng tatlong taon na magkarelasyon kami ay wala pang naiinvolve na third party o kung ano man.

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa parking lot ng record label na may hawak sa banda namin nang makita namin si Adrianna, ang basist namin na umiiyak katabi ang kotse nito.

Nagulat ako nang bumitaw si Kyle sa pagkakahawak sakin at mabilis na pumunta kay Adrianna.

Napatulala ako nang sandali sa nangyari pero sumunod na lang ako kay Kyle. Nakita kong pinapahid ni Kyle ang mga luha ni Adrianna.

I felt a pang of pain on my chest. Ngunit mas pinili kong balewalain 'yon at lumapit na rin sa kanila.

"Hey? Are you okay?" I asked her. She was suprised when she saw me pero mabilis siyang nakabawi sa pagkagulat at iniwas ang kamay ni Kyle sa mukha niya.

"Ah, oo. Ayos lang ako. Nag away lang kami ni Sid."

Kasintahan niya si Sid. Ang drummer ng banda namin. Ngunit hindi mo mahahalata na magkasintahan sila dahil halos palagi silang nag-aaway.

"Sabi ko naman sayo hiwalayan mo na si Sid." seryosong saad ni Kyle.

Napatingin ako kay Kyle. Kailan niya pa sinabi 'yon? Hindi ko naman nakikita na close sila ni Adrianna kahit magkakabanda kami and magkapareho lang naman kami ng university na pinag aaralan ni Adrianna kaya nakakagulat na sinabi niya 'yon kay Adrianna without me knowing.

Nakaramdam ako ng selos nang sandaling 'yon.

"Alam niyo namang mahal ko si Sid." nakita ko ang pag iwas ng tingin ni Adrianna kay Kyle.

Hindi rin nakaiwas sa paningin ko ang pagkuyom ng kamao ni Kyle.

What's happening? Why is he like this?

Tanging pagngiti na lang ng mapait ang nagawa ko bago magsalita.

"I'll support you dyan sa gusto mo. Just make sure na makausap mo nang maayos si Sid. Lagi na lang kayo nag-aaway." agad kong hinawakan ang nakakuyom na kamao ni Kyle.

Napansin ko ang pagkagulat ni Kyle sa ginawa ko pero nginitian ko na lang siya.

"Tara na, babe. Masyadong late na. Kailangan ko na rin umuwi." pag-aya ko sa kanya.

Nagpaalam na kami kay Adrianna at sumukay sa kotse ni Kyle na katabi ng kotse ni Adrianna.

Naging tahimik ang byahe namin ni Kyle kahit kating kati na akong tanungin sa kanya kung kailan niya nakausap si Adrianna.

Nang nakarating kami sa labas ng bahay namin ay hinawakan niya ang kamay ko.

"Why?" I looked at him.

"Nothing, babe. I just want to say I love you."

Napangiti ako sa sinabi niya. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya sa labi.

"Mahal din kita. Mahal na mahal." nginitian niya ako at hinapit ang katawan ko palapit sa kanya. He wrapped his arms around my waist.

"Don't ever leave me." I surely am smiling like a fool right now because of his sweet gestures. God. I love this man.

INTO YOUWhere stories live. Discover now