14

32 7 1
                                    


I was still in dazed habang nakikipag-usap si Lance sa manager nila dito sa practice room ng agency nila. Kaming tatlo pa lang andito dahil may dinaanan pa raw ang ibang mga kaibigan ni Lance at yung iba naman daw ay hindi makadaan sa entrance ng agency dahil sa mga reporters na mga nasa labas pa rin.

"Ano ba naman, Lance? Nakita mong may lumabas na issue sana hindi mo na dinagdagan!" pangangaral ng manager nila. Tahimik lang akong naka-upo dito sa isang gilid habang si Lance ay nakatayo sa harap ng manager nila na para bang bored na bored pa.

"What do you want me to do then? Hayaan lang 'yon? Hintayin na humupa yung issue? Wala namang mali sa sinabi ko ah? I'm really courting her, mas mabuti nang alam ng lahat kesa madawit pa ako kay Althea." kita ko ang pagka-inis sa mukha ni Lance pero galit pa rin ang ekspresyon ng mukha ng manager nila.

"Gusto mo ba matanggal, Lance?!" nanlaki ang mata ko sa sinabi ng manager. Tanggal? Dahil sa'kin? Dahil sa'kin baka matanggal siya. I sighed. Napasandal na lang ako at pumikit. Ano ba naman 'to? May madadamay pang tao dahil sa'kin?

"You can't fire me, alam mo 'yan." I opened my eyes and saw his signature smirk plastered on his face.

"HOY! INA KA, LANCE! ALAM KO NAMANG GWAPO AKO PERO GRABE NAGDALA KA PA NG SANDAMAKMAK NA REPORTERS! ANG HIRAP DUMAAN SA ENTRANCE!" nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto at iniluwa no'n si Creed na halatang inis dahil sa kaganapan sa labas. Tinignan lang siya ni Lance at ng manager nila.

He's wearing a plain pink shirt and black ripped jeans. He partnered it with an pink ball cap and black sneakers. He was suprised when he saw me pero agad na nakabawi at nginitian ako.

"Oh! It's you!" lalapit na sana siya sa'kin nang bigla siyang hawakan ni Lance sa braso para pigilan. Kinunotan siya ng noo ni Lance, pero parang alam naman ni Creed kung anong ibig sabihin no'n at ngumiti na lang. "I won't steal her away from you, Lance." he chuckled. Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Lance sa braso niya at tinabihan ako.

"Hi. You remember me, right?" I nodded as an answer and gave him a small smile. He smiled back at tahimik na kinalikot ang phone niya.

Tinignan ko ulit si Lance, naglalakad na siya palapit sa kinauupuan ko at napansin ko na lumabas na yung manager nila.

"I'm sorry." mahina kong wika pagka-upo niya sa tabi ko. He ruffled my hair and smiled at me. "Silly, baby. It's not your fault."

"Tsk." napatingin kami kay Creed. He looked at us with disgust plastered on his face. "Lumayo nga kayo kung maglalandian kayo." I chuckled with what he said. Nakangiting umiiling-iling naman si Lance.

"Kung pinormahan mo na kasi yung kapatid ni Elliot, e 'di sana hindi ka nag-iisa ngayon." I frowned at Lance. "Is it Riz?" he nodded.

"Hoy! Hindi ah!" kontra ni Creed. Magsasalita pa sana si Lance nang biglang bumukas ulit ang pinto at iniluwa no'n ang lima pang kaibigan nina Lance. They casually went inside. Some of them are frowning while Luke and Maverick were grinning.

"Oh. Nandito pala yung nililigawan mo, Lance." Maverick said. He has this big smile on his face again katulad no'ng unang beses ko silang nakilala. He's wearing a white longsleeved sweatshirt and faded denim pants. He looked cute with his mustard yellow sneakers and black bucket hat.

"Ngayon ka lang nagdala ng babae dito, himala ah." Luke said while still grinning. He's wearing a plain black shirt and black pants. He partnered it with an Air Max Giodame Boots. He looked really manly that was really the opposite sa mukha niya. Para siyang si Maureen.

"You should have told us beforehand na isasama mo siya, para naman inagahan namin." Oliver said. He was frowning while putting his bag down sa isang upuan. He's wearing a white hoodie, black pants and a black sneakers.

INTO YOUWhere stories live. Discover now