Nang magwalk-out si Elliot ay nanatili kami saglit sa restaurant ni Creed, lahat sila ay nagtaka sa inaakto ni Elliot. Makalipas ang ilang minuto ay nagkayayaan na sila umuwi. Dapat ay ihahatid pa ako ni Lance sa bahay nang maalala niyang nag-grab lang siya no'ng sinundo niya ako kaya ako na lang umuwi mag-isa. Sumabay siya pauwi sa sumundong driver kay Luke dahil madadaanan naman daw ang condo niya.Weeks have passed, naging malapit kami lalo ni Lance sa isa't-isa. Minsan ay sinusundo niya ako at kumakain kami sa labas. 'Pag weekend naman ay nagkikita naman kami sa bar nila Riz.
Hindi pa rin daw nagkakaayos si Creed at Elliot. Kahit kay Riz ay medyo umiiwas daw si Elliot. Kahit siya mismo ay nagtaka sa kilos ni Elliot. Tina-try niya naman daw itong kausapin kaso kusa itong umiiwas.
Kasalukuyan akong pauwi galing klase. Ang plano ko sana ay magpahinga muna pagkauwi dahil Friday naman, pero biglang nag-aya si Maureen na pumunta ng bar nila Riz kaya pumayag na lang ako.
Pagkauwi na pagkauwi ko ay umidlip muna ako saglit. Nagising ako ng mga seven o'clock kaya agad akong naligo. Nang matapos ako maligo ay nagpatuyo agad ako ng buhok at naghanap ng masusuot. I decided to wear a black silk dress with wrap front v-neck and side slit, partnered it with a black fab faux suede island heels.
I curled my hair and tied in a half ponytail. Nag-light makeup lang ako at red na lipstick. When I got satisfied with how I looked ay narinig ko na may nagmessage sa phone ko kaya agad ko 'tong kinuha. Napangiti ako nang nabasa ko 'yon.
[@lance.m] where are you, baby?
[@lance.m] i miss you[@kr.delacruz] At home. I miss you too.
[@kr.delacruz] Aalis ako.Inayos ko na ang pouch na gagamitin ko at bumaba na papunta sa garahe. Nang nakarating ako sa garahe ay nagring ang phone ko. Sinagot ko naman ito agad nang nabasa ko kung sino ang tumatawag.
"Where are you going?" I smiled when I heard his deep voice.
"Bar nila Riz." maikli kong sagot at pumasok na sa loob ng kotse ko. I heard him chuckled that made me frown.
"Sakto, papunta kami ni Luke."
"Oh, great. I'll see you there. I'll hang up na, magmamaneho pa ako." I said. Nagseatbelt na ako at started the engine. "See you, baby." he said. Magsasalita pa sana ako nang siya na mismo ang kusang nagbaba ng tawag.
Nagkasalubong kami ni Maureen nang makarating ako sa bar nila Riz. She's wearing a black tube top and a checkered skirt. She's wearing a heels also. Nagmumukha siyang modelo na may maamong mukha. Akala mo hindi makabasag pinggan ang mukha niya pero ibang-iba yung katawan niya.
Pumunta kami sa bar counter dahil ando'n si Riz na may kausap na lalaki. Nginitian niya lang kami nang nakita niya kami pero nakatuon ang atensyon niya sa lalaking kausap niya. Hindi mapagkakaila na gwapo ang lalaking 'yon at halata naman na may gusto 'yon kay Riz base palang sa pagtingin niya sa kaibigan namin.
Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? She has a long jet black straight hair na abot hanggang ibaba ng dibdib niya. Kapansin-pansin pa ang nunal niya sa may baba ng kanang mata niya. She's wearing a red dress that reveals her cleavage. Kahit maliit ang pangangatawan niya ay malaki ang kanyang hinaharap. Bagay rin siyang maging modelo pero mas pinili niya na lang tumulong sa pagmamanage ng company nila.
Binigyan kami ng bartender ng whiskey, na agad naman nilagok ng katabi ko. Kinunotan ko siya ng noo na napansin niya naman agad.

YOU ARE READING
INTO YOU
RomantizmBANGTAN SERIES #1 Kiara Dela Cruz, a lead vocalist of a famous band in Metro Manila got cheated by her lead guitarist boyfriend. She was so wrecked and didn't have any inspiration to pursue her career not until Lance Montenegro, a famous model in Ca...