It was around 6 nang nakarating kami sa bar nila Riz. Tama nga si Lance, andito na nga ang magkapatid. Niyakap ko agad si Riz nang nakita niya ako. Si Lance naman ay dumiretso sa bar counter dahil ando'n si Elliot. Nakita ko naman na napatingin si Elliot sa'kin nang niyakap ko si Riz. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Hey, how was it?" she asked as she hugged me back.
"I broke up with him." kumalas sa pagkayapa sa akin at hinawakan ang magkabilaang balikat ko. "What do you mean?" she worriedly asked.
"I caught him cheating on me. Nasa condo niya si Adrianna and they were having sex." I don't know how I managed to talk straight but I can't help to burst into tears. Riz hugged me again while caressing my back.
"It's okay. Everything's going to be okay." I'm just crying on her shoulder as she kept on caressing my back. "I'm sorry if hindi ako aware sa mga nangyayari. Manager niyo ako. Dapat alam ko ang nangayayari. I'm really sorry, dear." I heard her sobs as she was saying sorry.
I hugged her tightly. "No, it's not your fault. Wala kang kasalanan do'n. Personal matters na namin 'yon. You're a great manager. You're the best. Don't blame yourself, Riz. Kami ang may problema do'n." I ensured her. Kumalas siya ulit sa pagkakayakap sa'kin at tinignan ako. "I think you should take a break for a while. One to two weeks are enough right? Focus ka na lang muna sa studies mo. I'll talk to the company na lang about what happened." I nodded and smiled at her.
Ever since nagsisimula pa lang ang banda namin, si Riz na ang nagma-manage sa'min. She's older than me. 20 years old na kaming dalawa ni Maureen while Riz is already 24 years old. She already graduated college with a bachelor of science with business administration kaya siya rin ang nagma-manage ng bar nila. Actually, sa kanila rin ang kompanya na may hawak ng banda namin but their parents are the one whose managing it.
I met her when I was 17 years old sa isang event na kumanta ako dati noong nasa Senior High school pa lang ako. She told me na I have a great voice and may company sila na naghahanap ng lead vocalist for a band. Simula noon, naging malapit ako kay Riz. I have met her brother, Elliot, sa company rin nila. He was dancing sa isang practice room noon. I must say na sobrang galing sumayaw ni Elliot, pero hindi ang company nila ang may hawak sa kanya kasi ayaw niya na umasa siya sa company nila.
Naging close ko rin si Elliot dati kaso bigla siyang umalis noong 18 years old ako. Ngayon ko na lang ulit siya nakita kaya nakalimutan ko siya. Iba na rin kasi ang itsura niya noon kumpara ngayon. Kung dati ay sobrang simple niya lang manamit at medyo malaman pa ang pisngi niya, ngayon ay sobrang ganda ng katawan niya. Ibang-iba rin na ang style niya sa pananamit.
Nakaupo ako sa kung saan kami nakaupo kagabi. Katabi ko si Lance na kausap pa rin si Elliot. Hindi ko maintindihan masyado ang pinaguusapan nila kaya tahimik lang akong umiinom ng cocktail sa tabi nila.
"Kiara!" I saw Maureen running towards me. As soon as nakalapit na siya sa akin ay agad niya akong niyakap. "Riz called me. I heard what happened. Gosh, I didn't know na kayang gawin sayo 'yon ni Kyle." I just hugged her back and remained silent as my tears began to fall again.
"We're here for you, sweetie." tanging hikbi lang ang maririnig dito sa kinauupuan namin. Napansin ko rin na natahimik yung dalawang lalaki na katabi ko kaya kumalas na ako sa pagkakayakap kay Maureen at pinahid ang mga luha ko.
Through out the night, tanging pagcocomfort ang ginawa ni Maureen at Riz sa akin. Ilang beses akong umiyak sa harap nila sa sobrang sakit ng nangyari.
Umuwi rin agad si Maureen pagkalipas ng ilang oras, si Riz naman ay inasikaso ulit ang mga customers ng bar nila. Elliot was busy sa bar counter. Samantalang si Lance naman ay tahimik lang sa tabi ko na umiinom. He never left my side kahit no'ng nandito si Maureen at Riz. He stayed beside me kahit na may mga babaeng lumalapit sa kanya.
YOU ARE READING
INTO YOU
RomanceBANGTAN SERIES #1 Kiara Dela Cruz, a lead vocalist of a famous band in Metro Manila got cheated by her lead guitarist boyfriend. She was so wrecked and didn't have any inspiration to pursue her career not until Lance Montenegro, a famous model in Ca...