Sabado ngayon ng umaga at kasalukuyan akong nakatulala dito sa kwarto ko at iniisip ang sinabi ni Lance sa'kin no'ng nakaraang linggo. Last week pa simula no'ng huli naming kita. Sa sobrang awkward at hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya ay napauwi agad ako ng 'di oras. Napanguso na lang ako, sa lahat ng manliligaw siya yung nanliligaw na hindi nagparamdam ng isang linggo. Hindi sa ineexpect ko na manliligaw siya, dahil iniisip ko na biro lang 'yon. But, hello? Ni- hi o hello wala man lang.Hindi ko alam kung tama ba na ganito ang nararamdaman ko sa tuwing naalala ko siya. Sobrang bilis lagi ng tibok ng puso ko, mas mabilis pa ata sa mga kabayo na sinasali do'n sa paligsahan. I admit na siguro may nararamdaman akong paghanga kay Lance. Simula no'ng huli naming kita ay napagpasyahan ko na mag-research tungkol sa kanya dahil hindi ko naman talaga siya kilala ng sobra pero nakikipaghalikan na ako. Ang weird ko 'di ba?
Napag-alaman ko na anak siya ng isang sikat na business man at modelo dito sa Pilipinas. Kaya siguro likas na rin sa kanya na modelo siya, kamukhang-kamukha niya ang tatay niya, nakita ko pa na pareho silang dalawa ng ngiti kaso makikita sa mukha ni Lance na may pagkapilyo ito.
Nakakita rin ako ng mga article tungkol sa kanya. Sobrang sikat niya niya dahil isa siya sa mga kinikilalang youngest bachelor. Dahil sa edad na 20 ay may sarili na rin siyang hotel sa iba't ibang part ng Pilipinas at isa pa siyang sikat na modelo rito at sa California.
Nabalik ako sa ulirat nang may kumatok sa kwarto ko na agad ko namang pinagbuksan. "Ma'am, nasa baba po si ma'am Maureen." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ng katulong namin. Bakit naman pupunta dito si Maureen? Wala naman kaming napag-usapan na pupunta siya ngayon. "Paki sabi na lang na pababa na ako, mag-aayos lang ako saglit."
Agad akong nag-palit ng damit ko dahil naka pantulog pa ako. Nang matapos ako ay bumaba na ako sa sala at nakita ko na andoon si Maureen na prenteng nakaupo sa sofa habang nagce-cellphone. "Anong ginagawa mo dito?" bungad kong tanong sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sa'kin at tumayo para bumeso sa'kin. "Sungit mo, sweetie." umirap na lang ako sa kanya at sabay kaming umupo sa sofa.
"Bakit ka nga andito?" tanong ko sa kanya. Tinabi niya ang phone niya sa bag niya at humarap sa'kin na may malaking ngiti sa mukha. "Tatambay tayo sa condo ni Riz mamaya." excited niyang saad. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. " 'Yon lang ang pinunta mo?" ngumuso naman siya na agad kong pinitik kaya napahawak siya sa labi niya. "Aray ko! E sa sabi ni Riz puntahan kita. Parang ayaw mo naman na andito ako. Grabe ka sa'kin." nakanguso niyang saad.
"Pwede naman kasi akong i-message na lang 'di ba?" nakita ko naman na parang nalinawan yung mukha niya na para bang ngayon lang naisip 'yon. I sighed. Minsan napapaisip ako bakit kaibigan ko 'tong babaeng 'to. Kung anong kinatalino, 'yon rin kinawala ng common sense. "Oo nga noh? But anyway, samahan mo na lang ako mag-grocery para naman hindi masayang ang pagpunta ko dito atsaka sabay na tayong pumunta sa condo ni Riz." tumango na lang ako sa kanya at nag-paalam na mag-aasikaso muna dahil unang-una kakagising ko lang rin halos at hindi pa ako naliligo pati ang aga pa hindi man lang ako na inform na pupunta si Maureen.
"Let's cook carbonara ha? Namimiss ko na yung luto mo ng carbonara. Oh! Let's buy alcoholic drinks pala sabi ni Riz." nasa grocery na kami ngayon ni Maureen. Tulak-tulak ko ang cart habang si Maureen naman ay nagse-search ng recipe ng carbonara. I'm currently wearing a cream colored silky button-up, the sleeves were rolled up to my elbow. I partnered it with a high waist denim shorts and classy nude suede lace up court heels. Also, I have my cream colored Chanel bag with me. I wore a simple make-up lang and curl the ends of my hair kaya nakalugay lang ang itim kong buhok. Kanina pa nga ako inaasar ni Maureen sa kotse pa lang kung saan raw ang photoshoot ko. Like, who's talking? She's wearing a light blue plaid smoked crop top and mini skirt. Take note, terno pa. Also, she's wearing a denim jacket and partnered her look with an ivory satin ankle strap heels.
Nang matapos kami mag-grocery ay nag-aya pa si Maureen kumain sa isang restaurant. But since, marami kami masyadong napamili ay binaba muna namin sa sasakyan ang mga pinamili namin bago kami pumunta sa restaurant.
Habang kumakain kami ay napansin ko na parang hindi mapakali si Maureen sa kinakauupuan niya. Kanina pa siya palinga-linga sa likod ko pero paglilingon na rin ako kung saan siya nakatingin ay bigla niya akong dadaldalin out of nowhere. Pero ngayon, mas hindi siya mapakali at nakita ko ilang beses na siyang tumitingin sa may likod ko kaya tumingin na rin ako kahit pipigilan pa sana ako ni Maureen.
It's Lance with a girl. He was sitting beside a girl na kung makakapit sa braso niya ay parang linta at sinubuan niya pa.Napairap na lang ako at binalik na lang ang tingin sa kinakain ko. Kaya naman pala walang paramdam ng isang linggo, busy sa pagpapakain sa linta.
"Are you okay?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Maureen na siyang kinakunot ko ng noo at napatingin ako sa kanya. "Bakit naman hindi?" balik kong tanong sa kanya.
"Hindi ba may something sa inyo?" napangiwi ako sa tanong niya. "Wala ah. As if naman na meron." I scoffed. Napakibit balikat na lang si Maureen at pinapagpatuloy na lang ang pagkain.
Nang matapos ako kumain ay nag-paalam ako kay Maureen na pupunta lang ako sa restroom. Pagkatayo ko ay tumingin muna ako sa table kanina nila Lance pero wala siya doon at tanging yung babae lang 'yung ando'n. Ano bang pake ko nga pala?
Pagkaliko ko papunta sa restroom ay saktong lumabas si Lance mula sa men's room. Nakita ko pa ang bahagyang paglaki ng mata niya sa gulat nang makita ako pero agad na nakabawi at napalitan ito ng ngisi. Lalagpasan ko na sana siya nang bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila paharap sa kanya. "Ano bang problema mo? Bigla-bigla ka na lang nanghihila." Nakatingin lang siya sa mukha ko at pati na rin sa suot. "Bakit ganyan suot mo? Saan ka galing?" nakakunot noo niyang tanong. "Ano bang pake mo?" balik kong tanong at tinaggal na ang pagkahawak niya sa braso ko. Lalagpasan ko na sana siya ulit pero hinila na naman niya ako paharap sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito? Huwag mo sabihing sinusundan mo ako?" napangisi pa siya pagkatapos niya sabihin 'yon. Tinanggal ko ulit ang pagkahawak niya sa braso. "Ang kapal naman ng mukha mo para isipin na sinusundan kita. Pagkatapos mong hindi magparamdam ng isang linggo pagkasabi mo na liligawan mo ako. Makikita na lang kita na may kasamang ibang babae?" nakita ko ang gulat sa mukha niya pagkasabi ko no'n. "Nakita mo kami ni —," napatigil siya sa pagsasalita nang inirapan ko siya. "Wala akong pake sa kung ano mang sasabihin mo. Pare-pareho lang naman kayong mga lalaki." pagkasabi ko no'n ay agad ko na siyang nilagpasan at pumasok sa women's room.
Bakit sumakit bigla dibdib ko? Ano ba 'tong nararamdaman ko? Ano ba talaga?
![](https://img.wattpad.com/cover/219418436-288-k471104.jpg)
YOU ARE READING
INTO YOU
RomanceBANGTAN SERIES #1 Kiara Dela Cruz, a lead vocalist of a famous band in Metro Manila got cheated by her lead guitarist boyfriend. She was so wrecked and didn't have any inspiration to pursue her career not until Lance Montenegro, a famous model in Ca...