Nagising ako nang may narinig akog nagri-ring na phone kaya napabalikwas ako nang bangon. Nang tumingin ako sa tabi ko ay wala na do'n si Lance. Nakita ko na nasa bedside table lang ang phone ko kaya sinagot ko na agad ito."Gaga, nasaan ka?" pambungad sa'kin ng tumawag.
Luminga-linga muna ako sa paligid bago sumagot. "Unit ni Lance." maikling sagot ko.
"ANO?!" dahil sa lakas ng boses ng kausap ko ay nailayo ko nang bahagya ang phone ko sa tainga ko. "Ano ba, Maureen? Nakakabingi!" suway ko sa kanya.
"Don't tell me, sinuko mo ang perlas ng silanganan kay Lance." nabigla ako sa sinabi niya kaya hindi ako nakasagot agad. "Ano... kasi..." I was cut off nang biglang may bumukas ng pinto ng kwarto. It was Lance. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging gray na sweat pants lang ang suot niya.
"Breakkfast is ready." he said and gave me his boxy smile. He looked hot but at the same time, he's adorable because of his smile.
"Is that Lance?! Gosh! So, nasuko mo nga ang perlas?!" dinig kong sigaw ni Maureen sa kabilang linya. Napansin ko rin si Lance na bahagyang tumingin sa phone na hawak ko at sumenyas na hihintayin niya na lang ako sa labas na siyang kinatango ko.
"Bunganga mo naman, Maureen. Mamaya na lang tayo mag-usap." hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at binabaaan ko na siya. Pagkatayo ko ay nakaramdam ako ng sakit sa pagitan ng hita ko. Bwiset, ganito pala kasakit 'yon?
Hinahanap ko ang suot ko kagabi pero ang tanging nakita ko lang ay ang undies ko at ang puting shirt ni Lance na hindi ko alam kung gamit na ba o hindi. Habang nagbibihis ako ay napatingin ako sa kama. Makikita pa do'n ang bakas nang nangyari kagabi. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi sa naalala.
Nang makabihis na ako ay lumabas na ako ng kwarto ni Lance. Dumiretso ako sa dining area at nakita ko siyang nakanguso habang nakapalumbaba sa lamesa. Lumapit na ako papunta sa kanya at umupo sa harap niya. Biglang lumiwanag ang kanyang mukha at nginitian ako.
Tahimik lang akong nakatitig sa kanya samantalang nakangiti pa rin siya. Sinimangutan ko na lang siya at pinagmasdan ang mga nakahaing pagkain. May toast, ham, scrambled egg, bacon at fried rice. Natatakam ako pero nahihiya naman akong kumuha na lang bigla, kaya tinignan ko siya ulit at muling sinimangutan.
"Why, baby?" he asked with his worried tone. "Are you hungry?" I nodded as answer.
"Would you eat me instead?" he asked, with his signature smirk plastered on his face. Agad ko namang binato sa kanya ang table napkin na andito sa mesa. "Gutom na sabi ako." iritable kong sabi sa kanya. "Oo na, alam ko naman. Naglalaway ka na nga." binigyan ko siya ng masamang tingin bago sumimangot ulit.
Kinuha niya ag plato na nasa harap ko at nilagyan niya 'yon ng pagkain. Pinalo ko agad ang kamay niya nang nakita ko na medyo marami ang rice na nilalagay niya. "Ang dami naman nyan." saway ko sa kanya.
"Para magkaenergy ka na ulit. Napagod ka kagabi." naramdaman ko ang muling pag-init ng aking pisngi nang maalala 'yon. Hindi nakaligtas as paningin ko ang pagngisi niya sa naging reaksyon ko.
Tahimik lang kaming dalawa habang kumakahain hanggang sa natapos kami. Nagpresinta ako na ako na lang maghugas ng mga pinagkainan dahil siya naman ang ngaluto. Kalaunan ay hindi siya pumayag dahil sa reason na bisita raw ako at hindi raw dapat pinaghuhugas ang bisita, pero napapayag ko na rin siya dahil sa pananakot ko na hindi ko siya kakausapin kahit kailan.
Matapos akong maghugas ay natagpuan ko siyang nakahiga sa sofa habang nanunuod ng tv. Wala pa rin siyang suot na pang itaas kahit na medyo malamig dito sa unit niya.
Dumako ang tingin ko sa orasan, it's already 11:15 am. Bumuntong hininga ako bago magsalita. "Kailangan ko na umuwi." nakuha ko naman ang atensyon niya kaya bumangon siya at ngumuso. Hinila niya ako palapit sa kanya at pinaupo sa kandungan niya. Inayos niya pa ang legs ko at pinatong na rin sa hita niya.
"Ayoko pa." bulong niya at niyakap ako nang mahigpit. Siniksik niya pa ang mukha niya sa leeg ko na nagdulot ng aking mahinang patawa dahil nakikiliti ako. "Pero anong oras na, baka hinahanap ako nila mommy." pagsisinungaling ko. Sigurado naman akong hindi ako hinahanap ng parents ko dahil ayon nga, wala naman sila lagi.
Nanlaki ang mga mata ko nang naramdaman ko ang paghalik ni Lance sa leeg ko. "Baby. Call me "baby"." utos niya at nagpatuloy lang siya sa paghahalik sa leeg ko. "L-lance naman." uutal utal kong sabi.
"Hmm?" hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa ginagawa niya. Nararamdaman ko na rin na parang sinispsip niya na ang balat ko at alam kong maaari 'yon mag-iwan ng marka kaya umiwas ako ng bahagya sa kanya. Nagkatinginan kami at kitang kita na ang pamumungay ng kanyang mga mata.
"Kailangan ko nang umuwi." tatayo na sana ako nang hinila na naman niya ako at napaupo na naman ako sa kanyang kandungan nang patalikod, bale nakatalikod ako sa kanya. Lagi na lang akong hinihila nang lalaking 'to.
"Later. Hahatid kita." he wrapped his arms around my waist at mas lalong nilapit ang katawan niya sa'kin. May nararamdaman akong matigas na nauupuan ko kaya hindi ako mapakali.
"Stop moving, for pete's sake." napapaos niyang saad. Rinig na rinig ko bahagyang pagbilis ng kanyang paghinga kaya hindi na ako naglikot pa.
Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at bumuntong hininga. "When are you going to be my girlfriend, baby?" Hindi ako makasagot dahil hindi ko naman talaga alam kung kailan ko siya sasagutin. Medyo matagal na siyang nanliligaw sa'kin. May nangyari na sa amin pero hindi ko pa siya sinasagot.
Alam ko sa sarili ko na nahuhulog na ako sa kanya pero gustong-gusto ko muna siguraduhin ito dahil ayoko naman na magpadalos-dalos ng desisyon.
"Nagseselos ako kay Sid." mahinang pag-amin niya. Ngumiti ako nang matipid at hinawakan ang kamay niya. Hinaplos haplos ko lang ito habang nakangiti. Naramdaman ko ang pag-angat niya ng kanyang ulo pero hindi ko na lang 'yon pinansin at pinagpatuloy lang ang paghaplos sa kamay niya.
"Don't be." I chuckled. "Kahit na hindi kami gano'n kaclose ni Sid, kapatid ang turing ko sa kanya. Wala kang dapat ikaselos." binatawan ko ang kanyang kamay at humarap sa kanya.
Napakunot noo siya pagkaharap ko sa kanya. I cupped his cheeks and gave him a peck on his lips that made him smile. "Kasi ikaw ang gusto ko." pag-amin ko sa kanya. Lalong lumapad ang kanyang ngiti kaya napangiti na rin ako sa kanya.
Tumingin ako sa mata niya. I love how his eyes twinkle whenever he's looking at me. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig lang sa kanya. Damn, I guess I'm really falling in love to this man in front of me.
"No, scratch that. I love you, Lance. I really do." agad kong nilapit ang mukha ko sa kanya at siniil siya ng halik. Nang una ay hindi siya gumagalaw pero nang matauhan siya ay agad siyang tumugon sa halikna binigay ko.
After our lips parted ways, he smiled at me. His genuine boxy smile. "Inunahan mo ko. But, I'm glad that I'm not the only one who's in love. I love you, Kiarra Lorainne Dela Cruz. I love you so much."

YOU ARE READING
INTO YOU
Roman d'amourBANGTAN SERIES #1 Kiara Dela Cruz, a lead vocalist of a famous band in Metro Manila got cheated by her lead guitarist boyfriend. She was so wrecked and didn't have any inspiration to pursue her career not until Lance Montenegro, a famous model in Ca...