[Yassie]
"bilis bilisan mo naman kumilos! At baka magsidatingan na yung mga yon!" Umagang umaga etong si mama kung maka utos akala mo naman alila ako dito grrr
"Teka kasi. Bat ka ba nagmamadali? May rerenta lang naman sa kapitbahay. Alam kong sayo pinagkatiwala yang malaking bahay na yan. Napakaswerte naman ng lilipat jan at ipaghahain mo pa ng pagkai---" Di ako pinatapos ni mama magsalita at sinupalpal agad ako ng sagot nya.
"Ang dami mong tanong! Shempre kailangan natin ipaghanda sila ng pagkain at sa wakas ay may rumenta na jaan sa malaking bahay na yaaaan!" Sabi ni mama na abot langit ang ngiti. Hay nako
"Psh"
"Tsaka hoy! Hindi basta basta ang rerenta jaan sa bahay na yan!" Napatigil naman ako sa pagbabalot ng mga pagkain na to. Anong ibig sabihin ni mama na hindi basta basta?
"Paanong hindi basta basta? Bakit alien ba titira jan??" Gosh wag namanTT
Piningot naman ako ni mama sa tenga "araaaay!!!!!" Reklamo ko. Brutal talaga tong si mama!
"Ikaw bata ka tigiltigilan mo na pagbabasa ng mga kabaliwan na yan ha!" Saway naman sakin ni mama
"Artista ang rerenta jaan. Ay mali! Ano ba tawag don? Basta kpop kpop daw. Aywan ko ba! Alam mo naman siguro yon. Hoy ikaw bata ka! Sikreto lang na titira sila jaan! Pansamantala lang at aalis din sila jaan at magpapahinga lang daw"
Dahil sa sinabing yon ni mama ay nalaglag ko naman yung takip ng pagkain na hinahanda ko.
"A-ANO?!? MAY KAPIT BAHAY TAYONG ARTIST???"
Pinalo naman ako ni mama sa braso araaay
"Wag ka magulo! Sikreto nga diba??? Bilisan mo ayusin mo na yan at dalin mo na yan don ayan na ang susi" sabay bato naman sakin ni mama yung susi ng apartment
"Pagkalapag mo nyan umalis ka agad doon at baka maabutan ka pa nila dali dali" sabay tulak naman ni mama sakin palabas at sabay sara naman ng pintuan namin. Tch
Tumawid nako sa tapat ng bahay namin at binuksan yon.
Woww! Sobrang laki ng bahay! Napaka ganda paaaa!
Ginising ko naman ang sarili ko sa katotohanan at hinanap ang kusina ng bahay. Grabe ang laki ng bahay ang hirap hanapin ng kusinaaaa
After 3 mins ay sa wakas nahanap ko din^^
Pinatong ko na itong tatlong box ng pizza na gawa ni mama. Dahil sa hingal ko kakahanap ng kusina ay naghalungkat muna ako sa ref at buti nalang ay may tubig.
Nga pala di ko natanong kay mama kung sinong 'kpop' chorbang group yon. Fyi di ako fan ng nga kpop na yon. Basta alam ko lang may kpop pero ni isang group wala akong kakilala. Bakit ba hahaha di ko lang trip.
Ininom ko agad yung tubig at habang umiinom ay napatingin naman ako sa likod ko nang maramdaman kong may mga nakatayo sa likod ko.
Omo!!!
Napabuka naman yung bibig ko kaya natapon yung tubig sa sahig. Teka kadiri naman ako!
"Sino ka??" Nakakunot na noo namang sabi nung.. basta malaki yung mata tapos napakatangos ng ilong. Korean ba to?
"D-don't tell me. Isa ka sa mga sasaeng na nakasunod samin?" Sabi naman nung lalaking kulay blue yung buhok.
Ha?? Anong sasaeng?
"Ah-eh inutusan lang ako ng tagapamahala ng apartment na to na dalin to sa inyo" sabay turo ko don sa pizza
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming anim. Lima kasi sila tapos ako.
BINABASA MO ANG
Txt Next Door ✓
Fanfiction[COMPLETED] "Anong sikat yung kapitbahay naten e hindi ko nga kilala yang txt na yan" Oo tama kayo ng basa, txt is in the next door !! ________________ TomorrowxTogether series: #4 Highest rank: #2 COMPLETED✔ | TomorrowxTogether fanfiction | TXT...