[Yassie]
Nilock ko agad yung bahay namin at pumunta sa apartment. Tsk yari ako neto kay mamaaa
Agad naman akong sinalubong ni yeonjun na alalang alala.
"Yassiiieee! Buti dumating ka naaaa ayaw kasi bumaba ng lagnat ni taehyun! Baka di lang basta lagnat yuuun" sabi sakin ni yeonjun habang niyuyugyog ang braso ko.
Tinanggal ko naman yung kamay nya sa braso ko. Ang oa naman neto.
"Hay nako. Teka nga pinainom nyo na ba ng gamot yung mata na yon?"
"Oo pero kanina pa kasi yun eh"
"Teka ichecheck ko lang tsaka hoy. Wag na wag nyo ipagsasabi kahit kaninooo lalo na kay mama ha lagot ako don. Ako na bahala sa taehyun na yon"
Tumango naman sila at parang mga nakahinga ng maluwag at bumalik na sa nga kung ano ginagawa nila.
Dahan dahan naman akong lumapit sa kuwarto ni taehyun. Naiwan akong nakatayo don, teka bat ba pinagpapawisan ako? Nakabukas naman ang aircon dito ah
Kumatok ako ng dalawang beses pero walang sumagot. Tinry ko naman buksan yung pinto at buti di ito nakalock.
Nakita ko syang mahimbing na natutulog habang naka yakap sa unan nya at nakakumot
Dahan dahan naman ako lumapit para tignan kung nagtutulugtulugan lang to. Baka bigla kasi ako sigawan pag hinawakan ko sya.Chineck ko naman yung noo nya pero agad kong binawi yung kamay ko. Omg ano gagawin kooo napaka init nyaaaa
Pumunta naman ako sa cr nya at binasa yung bimpo na nakita ko don.
Di ako sure pero ganto kasi ginagawa ni mama pag mataas ang lagnat kooo
Dahan dahan ulit akong lumapit sa kanya na nakakunot ang noo. Psh yassie ipangisantabi mo muna yang katarayan mo kay taehyun ha.
Dahan dahan ko naman pinunasan yung noo nya at buti nalang kumalma na din sya.
Di ko maiwasan mapatitig sa taehyun na to.
Ang tangos ng ilong nyaaa sobrang kinis pa ng mukha nya, di talaga maitatangging may tinatagong kagwapuhan tong isang to.
Pinunasan ko lang ng pinunasan yung mukha nya at ng matapos ako sa mukha nya ay sinunod ko nang punasan yung kamay nya.
Naaawkwardan ako. Firsttime ako nakalapit dito kay taehyun na ganto kalapit tapos hawak ko pa yung kamay nyaaaa
BINABASA MO ANG
Txt Next Door ✓
Fanfiction[COMPLETED] "Anong sikat yung kapitbahay naten e hindi ko nga kilala yang txt na yan" Oo tama kayo ng basa, txt is in the next door !! ________________ TomorrowxTogether series: #4 Highest rank: #2 COMPLETED✔ | TomorrowxTogether fanfiction | TXT...