c h a p t e r 15

153 17 0
                                    

[Yassie]




Inabot na din kami ni huening ng gabi bago ulit makauwi. Dumiretso naman na agad ako sa bahay namin dahil wala naman na akong gagawin don at nalinis ko naman na yung pamamahay na yon.


Pagdating ko sa bahay namin ay naabutan ko naman si mama na nasa salla, mabuti naman at di ako sinuway neto. Kaya naman dumiretso na ako sa kwarto ko para mamahingaaa.

Binabalak ko na talaga matulog para naman makapagpahinga ako dahil bukas maglilinis nanaman ako ng nga kwarto nilaTT

Pero wala, di talaga ako makatulog. Napatingin naman ako sa orasan at 9pm pa lang pala. Talagang di ako makaktulog neto dahil 11 talaga ang oras ng antok ko.

Pinlano kong sumilip sa kwarto ni Taehyun dahil naiwan nyang bukas yung bintana nya, para naman hindi nya ko makita ay pinatay ko lahat ng ilaw sa loob ng kwarto ko hehe.


Maski sarili ko hindi ko alam kung bakit nakasilip ako ngayon sa kwarto ng Taehyun na yon. Hoy! Hindi ako namboboso ha?! Panigurado naman kung magbibihis sya e isasara nya yung bintana nya kaya wag kayong ano jan.

Habang nakasilip ako sa kwarto nya ay nakita ko naman syang lumabas galing sa cr nya at nagpupunas ng buhok nyang basa, mukhang kakatapos lang nya magshower.


Naupo naman sya sa higaan nya at kinalikot yung phone nya, maya maya naman ay napatingin ito sa gawi ko dahilan para kabahan ako kaya yumuko agad ako, malay ko ba! Baka kita pala ako e mapahiya pako sa kanya!

Dahan dahan ko namang iniangat yung ulo ko para tignan kung nakatingin pa din to sa bintana ko at yes, nakatingin pa din syaaa.


Napahawak naman ako sa mukha dahil piling ko napakainit ng buong katawan ko bwiset.


Bigla namang ngumiti to at nagpunta na sa switch ng ilaw nya at pinatay yon dahilan para dumilim ang buong kwarto nya pero di nya sinara yung bintana na, aish! Kahit bukas yung bintana nya e hindi ko makita kung ano na ginagawa nya!




ANO BANG PAKE MO YASSIE!



Dahil sa inis ko at nafefeel ko na nagmumukha na kong stalker ni Taehyun na yon ay napatayo nako sa tinataguan ko at binuksan na ang ilaw ng kwarto ko.


Pati ako naweweirduhan na minsan sa sarili ko e.


Pumasok muna ako sa cr ng kwarto ko para makapagshower din at panigurado makakatulog ako neto.





















Pagkatapos ko gawin ang mga dapat kong gawin ay lumabas na ko sa cr ko para magskin care oh pak inaalagaan ko talaga ang pagmumukha ko noh.


Nagpunta naman ako sa gawi ng bintana ko at napansing hindi nya pa din sinasara yung bintana nya, panigurado nakatulog na yung mata na yon.


Sinara ko na yung bintana ko at nagsimula nang matulog para maging handa ako bukas sa paglilinis -.-



















Mga 9 na ako nagising, binago ko ulet ang oras ng gising ko. AYOKO NGA PUMUNTA NG 7AM DON DUH!

Naglinis na ako ng sarili ko bago bumaba at nagalmusal. Wala naman si mama hay nako san nanaman nagpunta yon?! Wala naman syang iniwan na kahit anong sulat psh.


Dahil wala akong magawa ay naisipan ko naman pumasok sa kwarto ng mama ko, wala langgg matagal na din ako di pumapasok sa kwarto ng mader ko dahil lagi nga akong wala sa bahay.

Txt Next Door ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon