c h a p t e r 21

135 12 0
                                    

[Yassie]



5am pa lang ng maaga ay gumising na ko, gusto ko sana na kahit sa konting oras na lang ay makasama ko pa sila dahil pa nigurado pagalis na pagalis nila ng bahay na yan ay wala nang kasiguraduhan kung kailan ulit kame magkikita kita.




Naligo na ko at nagbabad sa cr ng kwarto ko kaya paglabas ko ay 6 na nang umaga, oo ganyan ako magbabad inaabot ng isang oras wahahaha.


Inayos ko ang sarili ko at lumabas na ng kwarto ko, naabutan ko naman ang mama ko na abalang abala. Mamamalengke siguro.



"Mamaaa, diba aalis ma yung kapitbahay natin mamaya"   sabi ko sa kanya kaya natigilan naman sya sa pagaayos ng buhok nya.

"Oo, baket?"  Sagot sakin ni mama.


"Gawa ka ulet ng homemade pizza, bibigay ko sa kanila pagalis nila"   pagrerequest ko.


"Ay sige sige, good idea alis nakoo"   lumabas naman na si mama kaya naiwan naman ako dito sa bahay namin.




Kinalikot ko muna yung phone ko, haaaay next monday may pasok nanamaaaaan.



7:00 a.m at napagdesisyunan ko nang pumunta sa apartment.




Ang aga nila nagising kasi naabutan ko silang 5 sa salla at mga abalang abala sa kung ano ano. May nagiimpake pa den tapos si soobin abala naman sa phone nya may kausap sya sa phone.




"Hallo yass! Favor pakuha naman ng  jacket ko sa kwarto maiiwan ko pa tenkyu ang ganda mo"   



Luh, kelan pa naging bolero tong si huening.



Gaya nga ng sabi nya ay umakyat nako para pumunta sa kanya at para kunin nga yung jacket nya.




Nakapasok nako don at hays, ang linis na ng kwarto. Wala na yung mga gamit nya at yung jacket na nga lang yung naiwan dito, yung itsura ng kwarto parang bumalik sa dati na wala pang kahit na sinong gumagamit.




Kinuha ko na nga yung jacket nya at bumaba na inabot sa kanya yon.




"Thankyouuu yass"



Naupo naman ako sa sofa habang pinapanood silang busy, sa sobrang abala nila ay di nila ako masyado kinakausap kasi abala sila sa mga phone nila at pagaayos ng nga bag, hay.




Napatingin naman ako kay taehyun at ganon din sya, abala din sa paglalagay ng nga gamit nya sa maleta:(



Omg, feeling ko mawawalan ako ng mga kaibigan:(



Parang dati lang nung mga unang araw ko ng paglilinis at pagninilbi sa kanila, panay pa hiling ko na sana magsialis na agad dito tong nga to pero ngayon. Bakit parang pinagsisisihan ko na hiniling ko yon.




"Hi yass! Sorry ha abala kame masyado, alam mo na. Baka may kung ano kaming maiwan"  




Sabi naman ni soobin at sa wakas ay natapos na sila sa mga inaayos nila.




"Okay lang, gutom na ba kayo?"   Pagtatanong ko sa kanila, baka hindi pa nagsisikain tong mga to at abala nga masyado sa pagaayos.





"Ayon na nga e hahahaha oo di pa kame kumakain"   sabi naman ni yeonjun na natatawa pa.





"Sige, ipaghahanda ko kayo"





Txt Next Door ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon