c h a p t e r 13

155 14 0
                                    

[Yassie's]





Naalimpungatan naman ako sa tunog ng alarm clock ko.


Aish 7am pa lang ah! Sino ba nagpalit ng alarmclock ko?!


Pinilit ko naman bumalik sa tulog ko pero wala, nagulo na talaga yung gising ko kaya wala nakong nagawa kundi bumangon nalang.


Bumaba naman ako at naabutan ko si mama na kumakain sa baba.



"Yan ayos yan, pinalitan ko pala ang alarm mo. Napansin ko masyadong late ang 9am"  aish! So si mama pala talaga nagpalit non.



"Tsk. Ma sabi sayo gisingin moko kagabi pag may pagkain naaa, gutom na gutom nakoooo" 



Reklamo ko naman at tsaka nakisabay sa kanya kumain.





Pagkatapos ko kumain ay naligo muna ko shempre bago magpunta sa apartment.



Pagpasok ko don ay tahimik pa ang buong bahay. Panigurado mga tulog pa yung mga yon.



Maya maya naman ay biglang pumasok si huening galing sa labas ng apartment, na ikinagulat ko naman.



Omg. Ang awkward.



"Ah, Aga mo ata yassie"  sabi neto sakin.


"Maaga lang nagising hahaha, san ka galing?"  Tanong ko naman sa kanya.



"Naglakad lakad, sige akyat lang ako" Ngumiti lang to sakin at umakyat na ng di manlang iniintay ang sagot ko.





Dahil wala akong magawa ay binuksan ko muna yung tv para manood.

Lumipas lang ng oras konte bigla namang lumabas si Taehyun mula sa kwarto nya.



Naguunat pa to habang nakasuot ng pantulog at gulo gulo pa yung buhok, nagulat naman sya na makita ako sa baba kaya pumasok ulit to sa kwarto nya.


Ano nanamang iniinarte ng Kangkong na yon.




Mga 3mins lang lumipas at lumabas na ulit to sa kwarto nya at bumaba na. Nagpalit lang pala sya ng damit.



Naupo din ito sa sofa pero nasa nagkabilang dulo kami ng sofa gaya ng ginawa namin nung nasa playground kami. Ganon.



Di naman kami nagsasalita at tahimik na nanood lang, ng bigla namang nagreklamo to.



"Ano ba yang pinapanood mo, kasing corny mo. Akin na nga yan"  Hinablot naman nya yung remote at nilipat yon sa sports channel.



Masama naman akong nakatingin dito na sayang saya pa habang nanonood.



Pwersa kong hinablot yung remote sa maliit na table dito sa harap namin at nilipat yon sa drama na pinapanood ko. Sya naman ngayon ang natahimik sa ginawa ko.


Napabuga naman tong si Taehyun sa hangin bago magsalita.



"Nagpapapansin ka ba?" 

Inis namang sabi ni Taehyun habang nakatingin sakin kaya tinignan ko din ito at tinaasan ng kilay.


"Sino kaya naunang umupo dito, at yung kakadating lang na nakikiepal. Nanonood ako."  Sabi ko dito.


Kinuha nya ulit yung remote at nilipat ulit sa pinapanood nya at niyakap yung remote.



Aangal pa sana ko pero pinigilan ako neto.


Txt Next Door ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon