c h a p t e r 12

156 16 0
                                    

[Yassie's]



Naligo lang ako at nagbihis na para makabalik na agad ako sa apartment.

Wala naman kasi akong balak tumambay dito sa bahay dahil boring at panigurado e hindi papayag yang mama ko.


Pagpasok ko ng apartment ay naabutan ko naman sila yeonjun, soobin, beomgyu at si huening!!


Para naman akong nabuhayan ng makita ko sya kaya agad akong lumapit sa kanila.



"Yah! Huening!"  Naupo naman ako sa tabi neto pero nagulat naman ako sa reaksyon neto na para bang naiilang sya at parang di ako kilala.


"Ayos ka lang?"  Tanong ko sa kanya.


Nakatingin lang sya kila soobin bago tumingin sakin at ngumiti, pero mukhang pilit na ngiti lang.


"Oo naman, bakit?"  Sagot neto sakin, kanina pa tong umaga ha. Di na nya ko pinapansin.



"Weh? Hahahaha hoy pinaprank mo ba ko? Na kunwari kaaway moko?HAHA!"



Sagot ko naman, baka naman kasi joke lang nya yan alam nyo yun? Mga 24hrs snob challenge, hehe.




" di ah, hyung akyat lang ako hehe" 



Tumingin to sakin at naglakad na paakyat ng kwarto nya, pati sila soobin nagulat sa inakto neto kasi di naman ganto tong si ning saken.



"Ayos lang ba kayo? Bakit di ka nanaman pinapansin non?"  Tanong naman sakin ni beomgyu .




"Hay nung isang araw kayo ni taehyun, ngayon naman kayong dalawa ni ningning. Ikaw yass ano ba pinagagagawa mo sa member ko ha?!" 


Mapanura namang sabi sakin ni yeonjun kaya di nako nakapagpigil at sinabunutan ko sya, wag nya sabihing maganda buhok nya wala akong pake hmp!



Inawat naman ako ni soobin habang si beomgyu ay nakakapit pa sa tyan niya habang tawa ng tawaTT




"YAH!! Napakaganda ng buhok ko tapos sisirain mo lang?!"  Pagrereklamo neto habang inaayos yung buhok nyang blue na blue.




"At sinisigawan mo pa talaga ako"  akmang sasabunutan ko na ulit talaga dapat sya bg awatin nako nila soobin kaya nagpaawat naman ako.




"Tss"















Sa bilis ng takbo ng oras ay 3 na pala ng hapon. Puro kasi harutan pinaggagagawa ng tatlong to dinamay pa ko kaya nalibang ako. Shempre si taehyun nasa kwarto nanaman nya di naman naglalallabas yon. Then si ning tulog pa siguro.






Habang pinapanood ko silang tatlo magharutan ay bigla namang bumaba ng hagdan si ning kaya lumapit ako dito. At iniwan yung tatlo maglandian don.




"Yaaah! May kailangan ka?"  Nakangiti ko namang sabi dito.




Tumingin naman to sakin pero umiwas din agad at nagpunta na don sa lamesa.



"A-ano ba pwede kainin jan"  sabi naman neto habang nagcecellphone.




"Ah yung kinain nila kanina wait hahanda ko lang hihi!"  Masaya ko naman sinerve sa kanya yung pagkain.



"Thankyou"  sagot neto habang kumakain at nakaharap sa cellphone. Di naman ako tinatapunan neto ng tingin.




"oy wag mo sabihing ayos ka, di ka naman ganyan"  napatigil naman to sa pagkain at pagcecellphone pero di pa din to nakatingin sakin.





Txt Next Door ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon