c h a p t e r 7

216 17 1
                                    

[Yassie]



Dahil  naman sa sinabi ni taehyun ay parehong nanlaki ang mata namin ni Yeonjun


"Joke. Hyung may makakain ba jan?" biglang sabi namana ni Taehyun at inabot kay yeonjun yung bag ng mga damit at dumiretso na ng kusina at naiwan naman kami ni yeonjun don na tulala.

"Sa laundry shop kami galing kaya kami nagtagal, at tsaka tigilan mo na yang kakatingin sakin. Naiirita ako" hinablot ko naman sa kanya yung bag at umakyat na sa taas kung san matatagpuan mo ay walking closet nila.

Sinara ko na yung pinto at sinimulang magsampay ng mga damit nila.


Sa kalagitnaan ng aking pagtutupi ay bigla namang pumasok si huening.

"Oh ning may kailangan ka ba?" Pagtatanong sa kanya. Nagmamadali ako magtupi at gusto ko nang umuwiii

"Ah wala haha bukas nga pala magpophotoshoot ulit kami sa studio kaya wala ulit kami bukas" nakangiti namang sabi neto sakin.

"Ah sige, maglilinis nalang ako bukas" sagot ko.

"Ahm wag na yass, mamahinga ka nalang bukas hehe" nahihiya namang sabi neto. Hmm parang gusto ko yong pahinga na yun ah.

Kaso di naman papayag si mader na magpahinga koTT

"Ah haha hindi maglilinis ako bukas. Chance ko na yon para walang magulo HAHAHA" natawa naman sya sa sinabi ko.

"Haha s-sige labas muna ko" nagbow pa to sakin bago nang tuluyan lumabas. Tsk gwapo talagaaa











Nang matapos ako magtupi ay lumabas nako. Pagbaba ko naman ay nadatnan ko silang kumakain.



"Oh yassie! Kumain ka muna!" Pag pigil naman sakin ni beomgyu nang akmang lalabas na ako.

"Ah wag na haha inaantay na din kasi ako ni mama" napatingin naman ako kay Taehyun na nakatingin sa jacket ko. Malamang titingin sya, napanalunan nya to e ano ba.

"Ganon ba?? Sige goodnight nalang" nginitian ko muna sila bago lumabas at pumasok na sa bahay namin.


"Oy anak kamusta?" Ay wow ano naman nakain nito nanay ko?

"Okay lang may sakit ka mama noh" sabay tinawanan ko sya at inirapan naman nya ko.

"Pag may freetime ka mag-aral aral ka ha, tandaan mo mageexam ka pa sa isa mong binagsak na subject malapit nanaman magpasukan"

oo nga pala may binagsak akong isang subject kasi napakahigpit sa school namin. Di kasi ako nakapagexam sa subject na yon at tumakas ako. Psh.





Tumango nalang ako at umakyat na sa kwarto ko. Bago ako matulog ay nanood muna ako ng anime><




















[8:00 a.m]

Nagising naman ako sa tunog ng alarmclock ko. Nga pala photoshoot ng txt ngayon so, linis chorba nanaman pala ako ngayon.


Pumasok nako sa banyo ko para maligo. Pagkatapos naman ay nagbihis nako at bumaba para kumain.


Napasilip naman ako sa bintana dahil sa ingay ng mga sasakyan.


May isang malaking black na van ang huminto sa apartment. Nakita ko namang nagmamadali yung lima pumasok sa van, nagiingat siguro baka may makakita sa kanila.

Txt Next Door ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon