[Yassie]
Ano ginagawa ni Kang Taehyun ditooo?
Halos mga 10 seconds din ang nagtagal na magkatinginan lang kame, eye to eye ganon pero umiwas agad ako dahil sa sobrang kaawkwardan ng paligid naming dalawa.
Pekeng umubo naman ako bago magsalita.
"M-m-may..k-kailangan ka ba?" Sinabi ko yon ng hindi tumitingin sa kanya at kunwaring nagmasid masid sa gilid.
"Follow me." Walang emosyong sabi neto, sinuot na nya yung hood nya at naunang maglakad. Nilock ko yung bahay namin at sinundan sya.
Nakatingin lang ako sa sahig habang dahan dahan naglalakad, ayoko kasi dumikit sa kanya. Naiilang at nahihiya talaga ko. Aish! Parang dati lang sinisigawan at inaaway ko pa to tapos wala tong awkward feelings na to. Psh.
Dahil nga sa sahig ako nakatingin e hindi ko namalayan na huminto na pala sa paglalakad to kaya nabangga yung ulo ko sa likod nya.
Ang engot yass!!!
Yung awkward na nararamdaman ko kanina pa ay lalong dumobleTT
Tumingin naman ako dito pero nakatalikod pa din to sakin,
"S-sorry" nahihiya kong sabi at hinimas himas yung noo ko.
Napansin ko namang huminto na pala kami don sa abandoned play ground. Pano nya nalaman na may ganitong playground dito?
Naglakad sya at pumunta sa pinakadulo ng playground kung saan ay malapit na yon sa bangin at tanaw na tanaw mo ang mga building sa city.
Naupo naman sya sa bench don habang ako nakatayo lang sa likod nya, ayoko umupo don! Baka himatayin nako sa awkward pag kasama syaaa~
"Di mo naman sinabi, gusto mo palang mangawit kakatayo jan" sinabi nya yon sakin nang hindi pa din tumitingin sakin.
Wala naman na kong nagawa at dahan dahang naupo sa tabi nya pero nasa magkabilang dulo kami ng bench.
Siguro after 1min ay nagsalita ulit ito, o diba bilang ko haha.
"I'm sorry, yass"
Napatingin naman ako sa gawi neto at tinignan syang napakalalim ng tingin sa view dito.
"H-hindi, sorry kasi pinakialaman ko yung gamit mo tapos nasira ko pa" mahina ko namang sabi.
"Kahit na, its just a thing. Mali ako na sinigawan kita" this time tumingin na sya sakin pero umiwas nanaman ulit to.
"Pero importante kasi sayo yon, kung ako din nasa kalagayan mo sisigawan ko din yung nakasira ng gamit ko e"
Sabi ko naman at mahinang tumawa para di naman masyado nakakailang ang pagsasalita ko.
May kinuha naman ito sa bulsa nya at binuklat ang nakatuping lumang picture, yan yung picture na pinakialaman ko sa kwarto nya.
"Sa totoo lang, this is one of the nonsense things na tinatago tago ko pa na dapat matagal ko nang tinapon." Napatingin ulit ako don sa picture.
"Dalawang beses kitang nakita na hawak to, siguro nagtataka ka kung sino tong kasama ko dito."
Sabi naman ni taehyun habang nakatingin dun sa lumang picture.
"Sya yung una ko sa lahat, first ever friend, first crush, tapos first girlfriend"
Nanlaki naman ang mata ko, so naging gilfriend nya yan? Ex nya yan??
BINABASA MO ANG
Txt Next Door ✓
Fanfiction[COMPLETED] "Anong sikat yung kapitbahay naten e hindi ko nga kilala yang txt na yan" Oo tama kayo ng basa, txt is in the next door !! ________________ TomorrowxTogether series: #4 Highest rank: #2 COMPLETED✔ | TomorrowxTogether fanfiction | TXT...