c h a p t e r 20

125 11 0
                                    

[Yassie]





"Hoy babae gising!"







Naalimpungatan naman ako sa napakagaling kong mama, umagang umaga sinisigawan nanaman akooo.




"8am na ho iha, dapat 7 naglilinis ka na don!" 





Saway naman sakin ni mama dahil hindi pa din ako bumabangon sa pagkakahiga ko aish!!!!





"Tch. Ma, 10am ako nagpupunta don! Ang aga paaaa" 





Reklamo ko habang naggulong gulong dito sa higaan ko dahil sa inis.






"Aba hoy. Binago ko pagalarm neto ah! Pinakialaman mo nanaman?" 






Sabi naman ni mama habang inilalapit yung alarmclock sakin.






"Tss, ikaw kaya nakialam"




 

Bulong ko naman shempre bulong lang, hirap na baka mapalayas ako.





Dahil wala na akong magagawa pa at talagang naistorbo na yung tulog ko ay bumangon nalang ako sa higaan at naligo.

















"Oh ano di ka magaalmusal?" 




Pagpepreno naman sakin ni mama ng akmang lalabas na ako dapat ng bahay namin.





"Di na, di ako gutom"






Wew, totoo naman kasi di pa ko gutom.





Tsaka naeexcite din ako pumunta don sa apartment kasi napanaginipan ko si taehyuuuun! Kaya namiss ko sya bigla. Ako kaya napanaginipan nya?><





Pagpasok ko sa loob ay nadatnan ko silang apat sa sala na nanonood ng t.v, si taehyun waley dito. Panigurado namang tulog pa yon.




"Anong meron?bat ang aga mo?"  Nagtataka namang tanong ni Yeonjun sakin.





"Tss. Ginising ba naman ako ng napakagaling kong mama kaya ayun napaaga punta ko dito, ayaw nyo ba?"






Sagot ko naman at tinaasan sila ng kilay.






"N-nagtatanong lang naman ako yass" 






Sagot ni yeonjun at prankang ngumiti sakin, at ibinaling na ulit ang sarili sa panonood ng t.v






Lumipas ang 20mins nang lumabas si Taehyun sa kwarto nya, napatingin naman to sakin kaya napatingin ako sa mga members nya kung nga nakatingin sakin at buti naman ay nakatutok sa lang sa pinapanood nila.






Napatingin ulit ako kay Taehyun at binigyan sya ng napakagandang ngitiiii hahaha tignan natin kung di pa mabuo araw mo nyan dejoke HAHAHA.








Pero nagulat naman ako sa inakto nya pagkatapos ko syang ngitian, para bang wala lang sa kanya yon at dumiretso na ng kusina. Ano ba problema non?







Tutal eh etong apat na to e di maistorbo sa panonood at halatang di nila napansin na bumaba na si Taehyun at pumunta ng kusina ay napagdesisyunan kong sundan yon ng di nila namamalayan.


Habang naglalakad palapit kay taehyun ay tumingin tingin muna ko ulit sa salla kung nakatingin sila dito at buti naman ay hindi.


Nakita ko namang nakaupo si Taehyun sa lamesa habang kinakalikot yung phone nya habang kumakain.


Txt Next Door ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon