༉‧₊˚✧ long narrations ahead ; lowercase intended
park ysa
i decided to pay yeosang a visit sa dorm niya tutal break naman ngayon. one day nga lang. 'di pa ginawang one week.
i wasn't expecting him to spam me some messages nung time ng hell week. akala ko kung ilalagay ko siya sa ignore messages he'll stop and wala na, pero sige pa rin siya.
maganda rin palang may one day break. my mind can have peace kahit for a day only. ang chaos lang kasi, parang ang daming nangyari kahit na ang konti lang talaga.
my heart was thumping real hard inside my chest habang binabasa ko ang mga messages na iniwan niya para sa akin. hindi ko deserve siya mommy huhu. he keeps on updating kahit hindi ko naman tinatanong.
am i lucky to have him? yes. but is he lucky to have me? i don't know.
liligawan niya ako. tama ba 'yung nabasa ko? he's gonna court me? tapos sinabi pa niya kila mommy and daddy? gago, my heart's going to explode and it is all because of kang fucking yeosang's fault.
walang sinasabi sa akin sila mommy about kay yeosang. baka niloloko lang niya ako? hindi naman ako clown para i-joke. surprise, maybe?
now i'm thinking on what to do if nagkita ulit kami. should i run away ulit? that's kind of immature, pero kung i-hu-hug ko baka naman magmukha akong tanga na desperada. iiyak na lang kaya ako? ay putek bakit naman ako iiyak. iiyak kasi nagkita na ulit kami? kasi na-miss ko siya?
on the way, may nakita akong maliit na store, for gifts gano'n. may nakita akong couple bracelet, ang cute. tinatawag ako ng shining shimmering na bilhin ko. hindi naman masyadong mahal kaya binili ko na. bahala na kung nagastos ko 'yung pera, may natira pa naman.
couple bracelet pero hindi naman kami. so ano kami friends with benefits? puta, pangit naman pakinggan.
may nakita rin akong mcdo kaya bumili ako for breakfast, 'yung bundle na. for sure, tulog pa mga 'yon. hangover pa, jusko, paggising mag-re-reklamo.
mukha na tuloy akong delivery service sa dami kong bitbit. bakit ko ba naisip na puntahan sila. hindi naman ako yaya nila, mga bwisit sila. babayaran nila ako dapat pagdating ko dun.
nakita ako ni kuya guard, 'yung nagbabantay sa baba ng dorm nila. tutulungan sana ako pero sinabi ko namang kaya ko. hindi sana matapon 'to kundi ako ang mapapahiya.
fifth floor nga pala siya.
natigilan ako ng pumasok 'yon sa isip ko. nagpapasalamat na lang talaga ako na may elevator sila dito. mapapagod ako kung maghahagdan, magmumukha pa akong haggard.
nahirapan ako sa pagpindot buti may kasabay ako. tinatawanan ako, buhusan ko kaya 'tong kape sa kanya. ginigigil niya ako.
"thank you, ha." sarcastic kong sabi sa kanya at nagmamadali ng lumabas. aabangan ko 'yan sa kanto at nang bugbugin ko. charot. mabait tayo. hindi basta-basta mang-aaway.
nakarating na ako sa tapat ng room niya. kakatok ba ako o doorbell? baka kung mag-doorbell ako magiging 'yung mga masasarap ang tulog. hindi ko sinasabing si kuya 'to pero parang gano'n na nga.
sa sobrang tagal ko ng tumayo at nag-isip, nagbukas ang pinto, ginulat ako. muntik ko ng mabitawan ang binili ko.
"putangina ka, huwag na huwag kang bubukas bigla ng–" hindi ko na natapos ang sinabi ko nung na-realize ko sino ang nagbukas ng pinto. lintek ka, ysa. nakakahiya ka na talaga. mura ka pa ng mura. "ay y-yeosang... hehe–" at sinarahan ako ng pinto. oo, sa pagmumukha ko.
BINABASA MO ANG
crush | k.yeosang
Fanfic「 COMPLETED 」 ❐ :: wherein park ysa has a crush on her brother's best friend! ↚ epistolary & narration ↚ kqfellaz series #OO1 ↚ kang yeosang x reader