𝙾𝙾𝟿

86 4 3
                                    

‧₊˚ long narrations ahead ; lowercase intended ! enjoy !

park ysa

magmula ng pumasok ako sa classroom ay wala na ako ibang ginawa kundi gamitin ang cellphone ko at maglaro.

pero kung ma-bored ako maglaro, mag-s-scroll lang naman ako sa instagram or twitter.

"hello!" napalingon ako sa nagsalita. may tumabi pala. "transferee?"

tumango muna ako bago yumuko. nahihiya ako bigla. i prefer being alone right now. i miss my friends.

"shy type ka pala," aniya saka tumawa nang mahina. ang cute niya tumawa. may dimples na lumalabas sa tuwing tatawa siya, ang lalim pa. "my name's kara!"

walang pasabi-sabi niyang kinuha ang kamay ko at nag-shake hands. hindi ko napansin na dala niya pala ang bag niya para lang tumabi sa akin.

grabe, na-touched naman ako. ang alam ko kasi kanina pagpasok ko, nasa harapan siya. as in pinaka-harap!

napaisip ako sa nasabi niya. shy type? nah. maybe at first, i am. i'm just new sa surroundings kaya ako nagkaka-ganito.

mas gugustuhin ko pa rin sa school life. tahimik lang buhay ko — well, not really. siguro kung hindi ko naging kaibigan sila jisung baka tahimik lang.

speaking of them...

kamusta naman kaya sila? swerte at wala pa silang pasok. next week pa. siguro kung hindi ako nilipat ni daddy dito sa horizon uni ay nagpapahinga pa ako gaya nila. nagpapakasaya pa kasama sila.

nakakalungkot lang.

"ang lalim yata ng iniisip mo," i snapped my attention back to kara as she tilted her head to the side and look at me. nag-pout na rin siya. "i was asking lang naman if na-tour ka na ba around the campus kasi willing naman ako kung hindi pa."

i waved my hands in front of her and quickly shook my head. nakakahiya naman kung gano'n. kaya ko naman ng sarili ko, eh. or maybe i'll ask my brother.

... pero naalala ko nga palang sinabihan ko siya kanina.

then i'll tour around the campus myself.

"are you sure?" nag-aalala niyang tanong. "malaki-laki ang campus baka maligaw ka..."

naramdaman kong nasisimula ng namula ang magkabilang tainga ko. masyado na talaga 'to. hindi ako nababakla kay kara. sadyang nakakahiya lang talaga.

"k-kaya ko naman," maikling sagot ko at umiwas ng tingin.

her eyes widened as she covered her mouth to gasped softly. bakit, may nasabi ba akong mali?

"you talked!" she squealed. my brows furrowed at what she said. akala ba niya hindi ako makapagsalita? "sasamahan kita kahit kaya mo!"

masyado siyang mapilit kaya sa huli ay pumayag na rin ako. i can't reject her. mukha naman siyang mabait, eh.

she dragged me up to stand kaya nabitawan ang hawak kong cellphone. bago pa ako makapagsalita ay hinila na niya ako palabas ng classroom.

cellphone ko! wala naman sigurong magnanakaw sa classroom, ano? mukhang masusungit pero feel ko naman na ang bait nila. feel lang naman.

"wala tayong first period tuwing monday, okay? pumapasok lang talaga kami nang maaga para makipag-chikahan." tumawa na naman siya.

"pero bakit may nagmamadali kanina?" nagtataka ako. sabi niya wala kaming first period baka niloloko lang niya ako?

"ay si jongho!" nag-snap pa siya ng fingers. familiar ng name. "balita ko nag-inuman daw silang mag-to-tropa."

crush | k.yeosangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon