𝙾𝟸𝟿

50 6 3
                                    

‧₊˚ long narration ahead ; lowercase intended

park ysa

naupo na agad kaming dalawa nang may mahanap na kaming vacant seats. halos punuan na rin ang café dahil sa daming students na pumupunta.

"i'll go order, what do you want?" kara, who was sitting across me, asked in an energetic tone. ang saya niya bigla na ewan.

"kung ano na lang sa'yo," nag-aalangan ko pang sagot.

hindi ko pa alam kung ano ang kakainin ko. habang nasa labas kami kanina ng café tumitingin sa menu, 'di ako makapili. ang daming masasarap. just by reading it makes my mouth water.

"i'll order omelette for us then, i swear, it tastes heavenly," aniya at saka pumunta na sa counter para mag-order. mahaba ang pila. karamihan na rin sa iba ay nag-take out na lang dahil wala na silang mauupuan.

inilibot ko ang tingin sa loob ng café. not quite big, but not too small naman. the walls are painted in black and white, minimalist gano'n. there were painting of foods and drinks also that are hanging.

nakaka-amaze lang din kasi 'yung window nila is one way lang. bad thing is that hindi namin makikita kung sino-sino ang mga tao sa labas, mamaya pinagtatawanan na pala kami. pero good thing, makakapag-take ka ng picture.

the aroma of coffee suddenly hits my nose. oh man, dapat pala nag-order din ako ng coffee. napapikit na lang ako sa amoy, ang bango. next time, i will definitely order!

nasabi rin ni kara na dito kakain sila jongho pero hindi ko pa sila nakikita. nauna na kaya sila? sayang, gusto ko pa naman makilala kung sino-sino ang tropa niya.

i fished out for my phone from my pocket. gusto ko sana mag-instagram pero nakakalungkot lang ng mapagtanto ko na walang signal dito. magpalit na kaya ako ng sim?

"hey, what's up, babe." nakabalik na rin si kara. "sorry natagalan, mahaba ang pila, eh. tsaka 'yung mas nauna sa akin maraming na-order, pero nag-take out naman."

"no worries, 'di pa naman ako masyadong gutom. baka nakalimutan mong kumain ako sa classroom?"

natawa kaming pareho sa nasabi ko. hindi ako nakapag-breakfast sa bahay kasi late na akong nagising. iniwan na rin ako ni kuya kasi maaga pa pasok nun kaya nag-commute na lang ako papasok.

bumili na lang ako sa canteen ng burger at juice. pati na rin pala 'yung tubig ni jongho. langya, 'di pa niya ako nababayaran.

but yeah, paakyat na ako ng dumaan si yeosang sa harap ko. like, he really walked in front of me! he looked like a prince that minute, and i swear to god, halos lamunin na ako ng lupa that time.

tangjna, 'di ako makagalaw bigla no'n. it was magical. buti nga 'di siya tumingin sa akin kundi rest-in-peace, ysa.

"ysa!" i snapped out of my reverie as kara waved her hands in front of me. napatingin na lang ako sa mesa at... andito na pala ang order namin.

seriously, kapag ba si yeosang ang iniisip ko, nags-space out ako ng matagal? sa sobrang spaced out ko, 'di ko na alam ano nangyayari sa palagid ko?

"i-i'm sorry," i mumbled and went to grab the spoon and fork. time to taste this yummy omelette. naglalaway na ako na nakikita ko pa lang.

mukhang tama nga si kara tungkol sa the best ang omelette dito sa star 1117 café, now ko lang din na-realize na marami-rami rin ang nag-order ng omelette.

i take a bite of the omelette and slightly moaned the moment my tongue met the taste of the food. damn, ang sarap! ito na ang o-order ko 'pag pupunta kami dito!

i glanced at kara to see her looking at me, her brows were wiggling up and down at me. natutuwa siya habang tinitingnan ako kumain?!

"what do you think?" she asked and put a spoonful too inside her mouth. nag-order din pala siya ng extra rice. in fairness, hindi halata na matakaw siyang kumain. ang payat niya hindi kagaya ko na may kinain lang ay tataba na agad.

i covered my mouth in awe, "it's... amazing. dito ulit tayo kumain, please!"

she giggled and nodded. nakakabakla si kara, huhu. nalaman ko din na sumasali siya sa mga pageants pageants.

didn't know na may pa-gano'n ang horizon uni. akala ko puro acads lang sila. horizon uni ang top 1 uni's dito sunod ang school life. kaya siguro pinapalipat din ako ni daddy.

"sila jongho?"

she shrugged, "hindi ko alam, eh. basta ang sabi niya dito rin sila kakain."

"may utang ka sa akin na kwento!" she added as she squinted her eyes at me and then pouted.

i sighed, here we go, ysa. wala na akong takas. malalaman na rin niya kung sino ang crus ko. hopefully, she won't spread it naman once na malaman niya kung sino ang gusto ko. she's a trustworthy person naman.

i bit the insides of my cheek. i'm scared. bukod kasi kay jisung ay wala na akong sinasabihan na kahit sino kung may crush man ako. naalala ko pa dati, may naging chismosa akong kaklase, nalaman ang crush ko.

aba, pinakalat ng gaga'ng 'yon! nagpapasalamat na lang ako kasi nu'ng time na pinakalat niya ay na-uncrush ko na.

i motioned kara to come closer, hindi ko sasabihin ng malakas, ano. e'di malalaman ng iba at ipagkakalat. 'pag nalaman din ng kapatid ko baka pagtawanan pa ako no'n.

"it's about yeosang kasi..." binulong ko sa tainga niya.

she was confused as hell at first. siguro nagtataka kung bakit kilala ko si yeosang. maya-maya ay unti-unti na rin nanlaki ang mga mata niya.

"may crush ka kay yeo–" i covered her mouth bago pa niya matapos ang sasabihin.

okay, ysa, you failed.

malaki pala ang bunganga ng kaibigan mo so may chance na marinig ng iba. kaya dapat, next time sa private kayo mag-usap at hindi sa isang public na place.

"yes, i know. 'di mo kailangan ulitin, babe." nahihiya kong sabi sa kanya.

"kailan pa?" she curiously asked and wiggled her eyebrows up and down.

"matagal na." nahihiya kong sagot. s'yempre thanks to seonghwa ay nakilala ko siya.

"you'll be surprised na lang," ang nasabi niya. anong ibig niyang–

napalingon kaming dalawa nang magtunog ang bell sa glass door, signaling that someone entered the café.

napakain na lang ako bigla sa natitira ko pang pagkain nang malaman ko kung sino ang pumasok.

si jongho... pero kasama si yeosang! tapos kasama pa nila si kuya?! walo pa sila!

you can say na their group is popular base pa lang sa mga bulungan ng mga babae dito sa loob ng café.

putekina, tropa ni jongho si kuya?! shet, oo nga pala, sa text!

halos kapusin na ako ng hininga nang umupo sila sa tabi naming table. tamang-tama ay 'yung katabi naming table ay vacant and, walo pa ang upuan don. how cool is that. 'di ako makatingin sa kanila?!

tiningnan muna ako ni kara bago humarap kay jongho, "uy, jongho, ba't natagalan kayo?"

i quietly cleared my throat and get the glass of water. tangina, natuyo ata bigla lalamunan ko. may tumabi sa aking napaka-poging nilalang na nangangalang kang yeosang.

"ako na muna ang mag-o-order ngayon." rinig kong sabi ni kuya sa kanila. waiter ba siya?

tumawa muna ng mahina si jongho, "itong si yeosang kasi..."

sa nabanggit na pangalan ay napaangat ang ulo ko at binalingan ng tingin ang katabi ko.

tapos sakto pa na nag-eye contact kami. teka lang! shutangina, nagkatitigan kami! nginitian pa niya ako bago kausapin si san, na katabi niya sa kanan.

mommy, nag-eye contact kami tapos ngumiti pa siya sa akin, huhu. mommyyy, 'yung puso ko!

crush | k.yeosangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon