𝙲𝚘𝚕𝚘𝚛𝚜
𝙼𝚎𝚎𝚝 𝚝𝚑𝚎 𝙼𝚘𝚗𝚐𝚐𝚘𝚕𝚜
𝑾ala sana akong pagkakaabalahan sa ngayon kong di lang ako pinatawag ni Mayeng dahil daw inuutusan ako ni lola na pumunta sa bahay nila at may ipapakilala daw ito saakin.
Sa totoo lang ayaw ko talagang umalis sa higaan ko pero dahil alam ko kung paano magalit si lola ay bumangon na ako at inihanda ang sarili, malamang sa malamang ay may irereto na naman si Lola at di ko iyon lubusan na ikakatuwa sapagkat wala akong panahon sa mga ganyan ganyan! Bata pa ako duh! nag-aaral pako sa college at uso ang K-12 ngayon but mabuti nalang di ko naabutan yon.
3rd yr. College na ako at wag niyo na itanong ang kursong kinukuha ko, asahan niyong mas lamang ang wikang tagalog ko kesa sa english kasi di ako sosyal tulad ng ibang bata jan.
Pumunta nako sa bahay ni lola at di ako naglakad dahil sinong tanga ang maglalakad ng ilang kilometro para makarating sa pinaroroonan kahit na may motor naman?.
Di ako richkid duh! At simple lang ang pamumuhay ko, oo at sabihin na nating mayaman nga ang lola ko pero di ko naman pera iyon at sa kanya yon.
At dahil naka leather jacket naman ako at tight jeans ay sumakay nako sa Motor ko, malaki ang gulong nito at nataas kung ikompara sa mga motor tulad nang mga sasuki. ( A/N: wala akong alam sa mga motor maliban sa MIO pero yong monster bike na sinasabi ko is yong malaki ang gulong yas ang taas).
Umangkas nako kay Dee at nagpaharurot na pero syempre may helmet nako, alangan naman di ako mag helmet baka batikusin na naman ako ni gwapong police jan sa kanto kanto.
Nakarating nako sa bahay at iniwan si Dee sa tapat ng gate, si Dee iyong sasakyan ko at yon lang ang mahal ko. Pumasok nako sa loob ng bahay at ayon nga si lola at parang Reynang nakaupo sa upuan niya malapit sa Sala kasama ang Lalaking kasing tanda niya.
Whuttt? Hey brotha! Don't tell me yan ang irereto ni Lola sakin?
Napatingin naman si lola sa gawi ko at as a cue lumapit nako dito at nagmano kasama nadin ang lalaking kachismisan yata ni Lola.
Tumawa pa bahagya si Lola at tumingin saakin "Akean ito ang apo kong si Orean mahilig iyan sa Oreo at mukhang mahkakasundo sila ng mga apo mo"
Akean? (A/N : Akiyan ang pag pronounce) Astig isa na namang unique na pangalan tulad ko.
"Oo nga Cesa, dalaga na pala ito? Manang-mana kay Cleo at Ada ah! Nakuha ang magagandang katangian sa mga magulang!" Sabi ni Lolo Akean
"Ay bueno kumain na muna tayo at bawal paghintayin ang pagkain!"
"Osige Cesa"
Sumunod nalang ako sa kanilang dalawa at habang kumakain kami ay may binabanggit sila na kinakakunot nuo ko minsan.
"Nga pala Orean mag-ta-transfer ka sa University na pag-mamay-ari ng Lolo Akean mo"
Wala namang problema saakin ang sinasabi ni lola basta wag ako mag dorm.
"Pero doon ka titira sa Mansyon ng mga Qing"
Doon na ako nangunot nuo ulit, Qing? As in King? Weird ulit. But wait? The fuck?!
"AT BAKIT NAMAN LOLA?! SINONG MGA QING!MGA QINGKONG?" Sigaw ko dahil di ko na napigilan ang pagtaas ng dugo ko sa katawan.