𝙹𝚞𝚜𝚝 𝚏𝚘𝚛 𝚏𝚞𝚗
Habang nasa sasakyan kami kanina ay di ko makalimutan ang nangyari sa kwarto ko mismo ngayong umaga. Natatawa padin ako sa tuwing naalala ko ang nanlulumong mukha ng tatlo habang hinahampas ko sila.
Naalala ko din ang yummy abs ni fafa Klive. Ehem-ehem pati ba naman dito ay nadadala ang kalandian ng author mismo. Ok balik na tayo sa ano... balik tayo sa abs ni Klive este balik tayo sa naalala thingy.
Suot ko ngayon ang costume namin, sasayaw ulit eh. Napapansin ko na dumadami ang pumapasok dito sa school. Mukhang ilang mga outsider eh nakapasok. Malalaman mo talaga dahil kita sa uniform nila.
Umalis nadin sin Klive dahil tinawag sila ng coach nila para mag warm-up. Championship na kasi talaga kaya todo agaw oras ang pag-eensayo nila ngayon.
Naglalakad ako malapit sa gusali kung san ang department namin. Agad ko namang nakita ang mga lokaret na kumakaway saakin kaya inismiran ko sila, narinig ko naman si Mell na sinigawan ako na "Snob naman". Nahahawa na talaga kaming dalawa kay Root! Sarap minsan bigwasan ng babaetang iyon.
Lalakad pa sana ako palapit sa kanila pero hinigit na ako ni Mr. Baltazar na siyang teacher namin sa lit. Ano kayang kailangan nito?
"Ms. Iloise, doon ka muna sa harap ng gate at magsilbi ka na isa sa mga taga welcome sa mga estudyanteng galing sa iba't ibang umibersidad. I-welcome mo sila, medyp bumebenta na ang lahat ng booth kaya makakatulong ito para sa charity na dino'donate-tan ng paaralan natin."
Sa sinabi nito ay medyo nagtaka ako pero napapayag naman ako bigla, para naman ito sa mga bata na nakatambay sa lansangan dahil sa walang mga magulang. Tama si Sir.
Walang isang segundo kong sinunod ang sinabi niya, medyo naguluhan naman sina Root pero pinalapit din silang dalawa ni sir at sinabihan tulad ng sinabi nito saakin. Tumango lang ang dalawa at sabay na kaming pumunta sa pinaroroonan namin.
"Andami sigurong pogi ang makakasalubong natin" kahit talaga kailan ay lalaki parin ang nasa isip ni Root, mabuti nalang talaga at nasa Isip lang nito ang kalandian at di lantaran.
tulad mo
Kahit utak ko ay sinasalbahe ako.
"Shut up! Don't be so idiot ngayon duh! Baka mahawaan tayo ng germs or kong ano pa mang ewy stuff ang lalapit satin" Maarte nga tong si Mell pero alam namin ni Root na isa ito sa bumubuo ng pagkatao niya, napakabait din nito at mas mahal si Daniel Padilla kahit na di siya nito kilala! Malamang artista yon!
"Manahimik nga kayo jan! Pumwesto na tayo sa harap ng gate!" Saad ko nalang sa mga okray na ito at sumunod naman sila. Ayan good anim-- este girls.
Binuksan ni Manong Guard ang tatlong gate. Sa harap, sa kaliwa at sa kanan. Isa itong napakalaking Gate na may tatlong Pintuan para sana sa "Enter" "Exit" "Emergency". Ang sa Enter ay yon ang palaging ginagamit namin tuwing papasok palang dito sa loob. Sa Exit naman ay syempre ayon ang ginagamit namin tuwing pauwi, di naman kami nagkakabungguan dail nga malawak ang gate na ito! Papasa na itong gate ng palasyo! Seryoso. Sa Emergency naman is pag gusto mo na talagang umuwi kaso may gumagamit ng sabay sa dalawang gate ay ayon ang gagamitin mo, at mas nalapit iyon sa parkingan kaya ginawang Emergency.