𝚃𝚛𝚊𝚜𝚑
Tinatamad na naman ako at mukhang wala akong magawa sa bahay na ito. Ang kambal ay naglalaro ng games samantalang ang magkakapatid naman ay tahimik na nagbabasa ng libro.
Ngayon ang unang araw ko dito, at kung nagtataka kayo bat wala pang klase iyon ay dahil sa sunod pang linggo at may panahon pakong magwaliw waliw dito sa mansiyon.Naligo nalang ako at inisinuot iyong maong na jumper ko. Ngumiwi ako dahil mukhang pati iyon ay hapit sa katawan ko at sadyang nilalantad nito ang hita dahil may kaiksihan ang sout ko ngayon.
Pumulbo nalang ako para di pagpawisan, may balak pa sana akong i-blower ang buhok pero gusto ko munang magliwaliw sa subdivision nila dito, sinuot ko ang Vans kong sapatos na kulay itim at bumaba na.
Tumikhim ako sa kanila at mukhang naagaw ko ang atensiyon ng mga ito."Sino may bike sa inyo? Pwede pahiram? Gusto ko sanang makita kahit kalahati manlang ng tanawin dito sa subdivision niyo." Ngiti kong tanong
Tumikhim si Klive na akmang sasagot pero naunahan ito ni Vlad at tumaas ng kamay.
"May bike ako diyan! Gusto mo gamitin? Sige gamitin mo ayos lang" sabi nito kaya nagpasalamat ako.
Aalis na sana ako nunkang may nagtanong sakin."Alam mo ba ang pasikot sikot dito? Baka mawala ka?" Tanong ni Klive
"Ah eh ayon nga pero magtatanong-tanong nalang ako sa mga tao dito, kilala naman yata kayo talaga dito"
"Are you sure that kaya mo talaga? Sasama kami sayo kong gusto mo" pilit na tanong ni Klive
"Oo naman, marunong ako manapak pag may nangyari"
Ngumiwi si Clover " Kababaeng tao tas marunong sumapak"
"Self defense lang! Sige ciao!"
Pero bago ako tumalikod ay tiningnan ko muna si Crunos na wala talagang pakealam.
Inismiran lang ako nito at yon lang.
Kinuha ko ang bike na sinasabi ni Vlad at sinakyan agad.
Pumunta ako sa madaming lugar na may magagandang tanawin, indeed this place is awesome and cool, napapansin ko ding ang daming lalake na pogi dito sa subdivision nila Vlad.
Tapos ang dami pang babaeng magaganda, lumalaway nga ako este namamangha ako kapag may nakikita akong naka pambahay na mga babae na kahit dalaga na ay nagagawa paring mag punta punta kahit saan.
Marami din ang kumausap saakin at tinatanong kung bago ba ako dito sa lugar nila, syempre sinasabi ko naman na kay Crunos ako tumitira.
Andaming mga namamasyal at masaya akong mabait naman pala sila dito pero tama nga naman di maiiwasan ang mga taong masama ang loob.Madami din saaking napapatingin o kaya ay may mga gwapo sana sa daan pero turn off kaagad ako kase alam kong playboy. Tapos napapangiwi ako minsan dahil madaming babae ang umiirap saakin sa di ko alam na dahilan.
Bumili ako sa isang tindahan at masaya ako dahil may mga burger kaso may nangalabit saakin at tiningnan ko ito. Grupo ito ng mga kabataan at mga 17 yata ang edad ng nga ito.
"Nahihiya ako eh"
"Bahala ka pare aalis yan"
"Sabihin mo na kase! Hingin mo ang number!"
"Tapos mag papiktyur ka! Bilis para kami den pagkatapos mo magpapiktyur"!
Bulong nila na obvios namang naririnig ko.
"A-ahm miss? Pwede bakong humingi ng numero mo?" nahihiyang tanong nitong bata, oo bata sila sa paningin ko kahit 19 palang ako.
"Di ko yata dala ang cp ko, sorry ha?" Sabi ko dito in polite way, kailangan kong maging mabait para naman bigyan ako ng blessings ni Lord.