Chapter 12

2 0 0
                                    

𝚂𝚊𝚐𝚠𝚊


Ngayong araw ay maraming gaganaping paligsahan at pagalingan, kasama na doon ang iba't ibang klaseng laro o basta nakakonektado sa palakasan.

Intramurals palang naman at nagpapakita ng gilas ang halos lahat, sa soccer ay walang patawad na sinisipa ang bola o kaya ay aagawin at lilinlangin lang para maka goal. Sa Soccer ay mga taga Law Department ang nanalo, aba't sobrang galing! Sa halos lahat na game ay sila talaga ang nagunguna! Sa Basketball naman ay taga Engineering, grabe walang patawad! Nanalo sila sa unang game at sa sunod nilang game ay kalaban na nila ang mga taga Bus. Ad. Sobrang galing! Syempre doon kami mamaya dahil lalaban na ang pambato namin.

-----

Andito na kami ngayon nag chi-cheer sa kalaban este sa kakampi namin. Napansin ko din ang pangiti-ngiti nong taga Engineering saakin kaya medyo alam ko na attracted ito sakin. Saktong napunta sa kanya ang bola at kinindatan ko siya kaya medyo kuminang ang mga mata niya. Na distract siya at natawa ako dahil naagaw ni Vlad ang bola, he mouthed thank you saakin kaya i showed him my aprove finger.

Nakita ako ni Moon at inirapan ako nito, halatang naiirita siya. Wow? Bakit di nalang siya magpasalamat? Bastosing bata.

Ilang set na din at natapos na ang game. 123-101 ang score, syempre mas lamang ang saamin. Ang mga kasamahan ko naman ay nagsiglapit sa mga players tapos may nalalaman pang papunas-punas ng pawis. Si Mellisa at si Root ay walang pakealam habang lumalamon, siguro ay napagod sa kakakeringkeng este pagsasayaw namin kanina.

Ako naman ay patingin-tingin lang sa kanila. Napapansin kong may kumalabit sa akin kaya hinarap ko ito. "Anong kailangan mo?" Mabait kong tugon, baka kasi masabihan akong suplada.

Pamilyar ang mukha niya, aysh! Siya yong lalaking kinindatan ko kanina!

"Hi...I'm Grude Kelivor, from Engineering department..." Matikas ang pangangatawan nito, maganda ang pagkaka hulma ng panga at mahahaba ang pilik kasabay ang kilay nito na tulad sa kay Chris Evans (tama ba?). Inshort, Papapabol!

Nahahawa na yata ako kay Root.

"Orean, I love Oreo" yon lang sinabi ko, malay mo may ibigay to saakin diba? Matagal-tagal na din noong naubusan ako ng stocks.

"And I love you" sabat nito na ikinaawang ng labi ko, ang landi mo! Yon sana ang isisigaw ko pero dahol mabait ako ay tinawanan ko lang ito.

"I'm joking, well, I'm here cuz you stole my attention, I noticed you earlier and I must say you are attractive" tiningnan ko lang ito na parang kolugo o kaya ay isang klaseng animal na naliligaw at di alam ang daan kong saan ang CR at gusto magpalabas ng dumi.

"D-did you hear me?" Sabad pa nito.

"Ayos ka lang? Wala kang lagnat? Ay nako kuya! Oo pogi ka pero syempre wala akong pake, magpahinga ka muna kasama ang mga kaklase mo ok? Alam ko na pagod ka dahil sa laro niyo!"

Itinaboy ko ito ng mga Wanhndredbilyonthousandtayms kaya naman ay umalis na siya, mabuti at may natira pang kahihiyang ang lalakong iyon, gosh stressed out na ang aking pwet, mukha atang di na nakaranas ng pagtatae. Charot.

Sa tingin ko talaga nahawa na ako sa kabastusan ni Root.  Sinuportahan ko naman si Green sa laro niya. Ang hinayupak na iyon ay may kinagigiliwang iba kaya nang-iiwan sa ire! Ambad! Oo kinagigiliwan niya si Mia at si Layla! Cancer naman sa ML! Feeling Pro yang si Berde! (A/N: Si Green yan, basta Berde)

Table tennis ang laro ni Green, ano naman kasi si Author! Nakalimutan! (A/N: table tennis nalang siya mga bebe, nakalimutan ko ata)

Nakita ko ang maharot na nilalang habang pinupunasan ang likod ni Moon na akala mo ay dito nakasalalay ang pagiging score niya sa Exam. Duh ang landi lang? Sarap na sarap naman si Moon habang pinipisil ang mga muscle niya. Masarap pala ah? Sige magpahimas ka sa ngayon! Wala akong pake. Umawang ang labi ko ng gumapang ang kamay ng haliparot sa matipunong dibdib ni Moon. Wala ngang reaksyon ang animal na ito pero para saakin eh para naman na nasasarapan talaga siya. Di niya kasi tinatabig ang kamay ng bantot na babaeng yon eh. Tinitingnan ko ang bawat magaslaw nilang galaw, nakakadiri tignan na malandi este agresibo talaga ang babaeng ito.

Crumpled ShitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon