𝙰𝚗𝚒𝚖𝚊𝚕𝚜
Lumipas ang natitirang araw ko para sana magpahinga, kaso may klase na ngayon at mabuti nalang ay kompleto lahat ng gamit na kailangan ko sa pag-aaral alangan namang sa bar at mamasukang hostis diba? This past few day's ay napipikon parin ako kay Crunos, parang kinulang yata yon sa buwan at laging masungit, menopause baby yata yon eh! Akala mo naman kinapogi!.
Kahapon ko pa sinukat ang uniform nato pero heto ngayon at sinusoot ko na. Nagmumura ako sa isip ko dahil gusto kong sabunutan ang nag design ng uniform at type yata ang uniporme ng mga Japayoki. Ang ikli! Pano nalang pag nahulog ang ballpen ko?! E di pupulutin ko tapos makikitaan ako?! Bakit ba kase may kalakihan itong pwet ko at dibdib sa edad na labing-siyam?! Ang sikip ng uniform! Lalo na sa bandang may dibdib ko, mabuti nalang at sinuotan ko ng sando. Kaya eto lang ang tip ko, kayo jan na nangangarap ng magandang katawan ay tigilan niyo na, walang nakakatulong dito, dahil madali lang kayong mababastos. Aanhin nga ang magandang katawan kung ang maaga namang mapapahamak dahil sa pantasya nang ibang masasamang tao?!
Mabuti nalang at may medyas kami na lagpas tuhod at kulay itim. Long sleeve din itong damit na may loong sleeve din na puti sa loob. Itim ang palda at medyo may kaiklian pero ok na dahil di naman siya masyadong maikli para mapagkamalang malandi ng ibang judgemental. Sabi nila nag rereflect ang sinusuot sa may ari pero saakin ay depende yan dahil minsan yon ang sinusuot natin dahil may rason tayo tulad ng maiksi ang sinusuot mo para di ka mapagkamalang tomboy, o di kaya pampobre ang sinusuot kase gusto mamuhay ng tiwasay at di sosyal, merong ding maganda ang sinusuot mo para di mapagkamalang mahirap at malamang sosyal.
Hinayaan ko nalang ang buhok kong basa at hindi na blinower, Di naman sabog ang buhok ko di tulad kay author. (A/N: Atleast kahit sabog buhok eh cute ako, pano na kaya kung ipastraight ko ha? Inggit kalang)
Napapansin kong kahit sa P.E uniform eh astig din ang logo, sabi ni Vlad saken eh pag swimming lesson naman kailangan may two piece ka o kahit anong swimming attire, kaso du ko na prinoproblema yon kasi aabsent ako pag ganon. Biro lang naman, wala kase akong lakas loob na ibalandra ang katawan ko.
Sinuot ko na ang above the knee kong Medyas na kulay itim, Good thing at mahaba ang medyas, kahit kita ang hita dahil may katangkaran ako ay disente naman ako tingnan.
Nilagyan ko nalang ng konting polbo ang itsura ko at liptint. Namumutla kase itong bibig ko pag di nilagyan.
"Orean?! Nasan kana? Bilisan mo at sasama kana saamin!"
Nagulat naman ako sa sigaw ni Vlad, grabe din to makasigaw kala mo naman talaga may sunog.
Imbes sagutin siya ay kinuha ko na ang bag ko at ang cellphone kong kakacharge palang naman at lumabas na, mabuti nalang at di natamaan itong si Vlad, pahara-hara kase sa may pinto.
"Lika na, baka pagalitan tayo bilis!" Sabi ko kay Vlad at nagtatakbo sa may hagdan.
"Orean! Wag ka tumakbo baka mahulog ka! " tumigil ako dahil sa sinabi ni Vlad.
"Mahulog? Sayo? Yieee" sabi ko dito at sinundot sundot ang tagiliran
"Seryoso ako Orean, wag ka tumakbo dahil maiksi ang palda mo, although ganon naman lahat pero wag ka tumakbo ok?" paalala niya sakin
"Oo na lika na "
Di ako nakinig sa kanya dahil pati sa hagdan ay nag-dali-dali ako, nang matanaw kami nina Clover ay napamura naman sila ng malulutong na mura. Aba't anong Problema nito?