Chapter 6

2 1 0
                                    

𝙼𝚊𝚍


Galit na galit ako sa mga animal na nasa harap ko, pero inayos ko parin ang sarili ko at kunwari na di sila kilala. Lumapit sila sa kinauupuan namin at nangamusta. Nagpupuyos naman ako sa galit sa mga animal na ito dahil may lakas loob pang lumapit saakin kahit na iniwan nila ako kanina at humanap ng kalaplapan sa room, mga walang hiya.

"Orean! sorry kanina... di ka namin napansin" pangunang hingi nang tawad ni Klive

Pano niyo mapapansin kung busy kayo sa pakikipagkain sa itsura ng mga hipon? Akala ko katawan lang ang kinakain sa hipon pero sa kanila ulo talaga. Di ko sila pinansin at nagkunwaring busy sa pagkain.

"Orean, sorry na" guilty na sabi ni Vlad saakin pero di ko parin pinansin.

Kinulit nila akong tatlo at si Crunos naman ay tinitingnan lang kami, Hayop na Moon! Moon-ggoloid na animal! Di siya makakaulit este makakautos saakin ulit!

Nagtataka naman ang lahat ng estudyante dahil sa kahibangan ng tatlo. Wala akong pake sa kanila, nagagalit ako na tipong medyo nahihirapan akong tingnan sila. Sino ba naman ang di magagalit kung porke naman may nakita na sila na iba ay iiwan kanila na parang walang pinagsahaman?.

Umalis na kami ni Green at hinayaan sila. Nagtatanong si Green at ikinuwento ko naman sa kanya lahat kaya napa 'aahhh' naaman siya. Bumalik kami sa klase at nakinig naman ng mabuti, natapos ang lahat at uwian namin, pero nat announcement ang prof.

"Bukas na bukas ay maiba tayo, gusto ko na ipakita niyo saaken ang mga tinatago niyong talento! Maliwanag? Ang di mag a-attend ay automatic minus 5. You can go"

"Pano pag sa drawing o art sir?" Tanong ng isa samin.

"E di bukas ay magdrawing kayo o magpinta sa harap ko gamit ang dala niyo" masungit na saad ni sir.

Nagpaalam na kami sa guro namin. Una na akong umalis kasama si Green, hinatid niya ako sa tapat ng gate at umuna na siya. Hinintay ko naman ang susundo saamin, ilang minuto ay dunating na si Manong, ang kulang nalang ay sina Crunos. Naghintay kami ni Manong Ramon ng ilang oras, ginugutom na din ako, pinapaulanan ko na ng mura sina Crunos sa isipan ko dahil sa galit. Sa wakas ay dumating na din sila, may kasama silang tig-isang hipon at bago pumaalam ay naglaplapan muna ito sa harap namin. Take note ah? Apat sila na tig-iisa ang kalaplapan, nandidiri ako at nanggagalaiti nadin dahil sinong matinong estudyante ang uuwi ng alas otso? kanina pakong alas singco andito sa labas ng gate pati si manong, tapos ayon lang pala ang pinanggagawa nila? Nakipagkandian?.

Nakaramdam naman yata ng hiya ang higad slash hipon na kasama nila at umalis na, ngingiti-ngiti ang apat habang palabas ng gate, nakita nila ako at nawala instant ang ngisi nila at napalitan ng pagkagulat. Tiningnan ko naman sila sa walang emosyong mukha dahil napipikon ako, ang sakit ng katawan ko dahil kakahintay sa kanila at kumukulo na din ang sikmura ko.

"O-orean" kinakabahang bati ni Vlad saakin pati ni Clover.

"Di ka namin napansin, pasensiya na" hiyang tawad ni Klive.

"Sorry" sabi ni Clover, at si Crunos naman at ganon parin na walang hiya. Di manlang tumingin saakin at nakangiting nakatingin sa Cellphone nito at panay type.

Nagagalit ako nang todo lalo na kay Crunos at sa higad nito kanina na kasama. Masaya siya... masaya siya na ikinasakit ng puso ko dahil sa kadahilanang di ko alam. Naiiyak ako pero kailangan strong palagi.

Pumasok nako sa loob at sa front sit na ako umupo, sumakay na din sila at tahimik kaming umuwi, walang nagkukulitan at sadyang tahimik lang, naiisip ko na din si Crunos, kanina ko lang ito nakitang nakangiti ng sobra at naiinggit ako sa taong nagpapasaya sa kanya. Di ko naramdaman na lumuluha na pala ako ng palihim. Nasaktan din ako sa inakto nila kanina, porke nakaharap na nila ang taong kilala nila ay iiwan na nila ako na parang wala kaming pinagsamahan, masaya sila. Sino ba naman ako? Isa lang akong housemate sa mansyon nila at unang-una sa lahat ay di naman ako welcome don?. Umiiyak ako at nakikita iyon ni Manong Ramon kaya nang akmang tatanong siya ay seninyasan ko na na wag. Umiyak ako ng tahimik at di ako nag abala na punasan ang mga luha ko, di naman nila ako nakikita, sanay na akong umiyak ng tahimik... sanay na sanay.

Crumpled ShitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon