Chapter 10

3 1 0
                                        

𝙼𝚊𝚜 𝚕𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐


Isang buwan at kalahati ko na silang kasama, tungkol naman sa Cheerleader na club eh ito kami ngayon at pinapagalitan nang nag papraktis samin. Medyo galit saakin ang halos lahat ng member maliban sa Leader namin dahil mabait ito... ang ibang member naman ay halatang may disgusto saakin at pinaparinggan ako lagi kaya minsan di ko naiiwasang taasan sila ng kilay at salubongin ang mga masasamang tingin nila saakin. Tulad ngayon, Practice namin at medyo madami-dami ang nanonood lalo na ang mga kalaban namin na iba't ibang department.

Ilang linggo na din kami nag i-ensayo at heto ngayin ay alam na namin ang sasayawin at mga moves na kailangan naming gawin. About sa apat at kay Green ay hayon at nanatili parin silang Animal.

"Teh! Wag ka pabebe! Bilisan mo!" Sigaw nang leader namin sa bumully sakin kanina lang. Ayan gaga ka!.

Natapos ang practice namin at kinausap ako mismo ng leader

"Ang gende mo kalurka ka talaga!" Sabay pisil nito sa pisngi ko.

"Ang sexy mo pa yummy! Ayts neke telege! Gurl krass na kita" dugting nito at pinisil ang pwetan ko saka sinundot ang dibdib ko.

"Ha? Meron ka din niyan wag ka mainggit" simpleng sabi ko lang dito na ikinabusangot niya.

Siya ang kauna-unahang babae na naging kaibigan ko dito sa paaralang ito, maganda siya at matangkad, may lahi siyang Alien at Kagagahan. Kaya napalagayan ko ito ng loob dahil ramdam ko talaga na di siya plastik. At ang gagang ito ay may gusto daw kay Vlad, like the fvck? Hindi man siya sobrang puti peto tanned ang kulay ng balat niya. Wala siyang lahi at purong Pilipina, makinis ang balat at sobrang daldal.

"Gurlalo, insecure yang mga yan sa iyo, waley kase silang laman, di tulad natin na dyosa ng kagandahan" daldal nito, nirerespeto siya ng mga member dahil grabe ito ka strikto pag nasa oras ng praktis.

"Insecure?" Tanong ko

"Oo insecure as in naiinggit sila sa beautiful peslak mo na pak na pak" inirapan ko ito dahil ayan na naman siya sa mga letseng lengguwahe niya.

"ROOT AMBROCIO! tigil tigilan mo ako sa kakadaldal mo!"

"Whatever Orean, ambad mo talaga"

Pinagpatuloy namin ang paglalakad, busy ang lahat dahil dalawang araw nalang ay Intramurals na... Kinakabahan din kaming mga taga Business Administration dahil magagaling ang mga kalaban namin lalo na ang mga taga Engineering , masunod naman ay ang mga Agriculture at madami pa.

Sumilong kami ni Root sa waiting shed at doon nag kwentuhan, si Green naman ay busy sa pagpraktis kasama sina Moon.

Maya maya ay tumunog ang Cellphone ni Root at kumalat sa mukha nito ang excitement.

"Gurlalo! Pumunta daw tayo sa Room at ibibigay ni Mrs. Damian ang Costume natin! Bilis gurlalo!" Di naman halata na masyado siyang Excited no? Hinila niya ako ay mali...Kinaladkad niya ako at hapong-hapo kami dahil sa ginawa niya.

Doon na din ang lahat ng member at sumeryoso na dahil nag umpisa nang magsalita si Mrs. Damian na siyang Teacher namin sa P.E at Dance Instructor namin, mas strikto siya kesa kay Root.

"Pinatawag ko kayo dahil gusto kong ibigay ang costume niyo, bukas ay lahat ng mga iba't ibang department na sumali sa cheerleader ay mag rerehearsal bukas, sout niyo dapat ang damit niyo bukas at maayos ang mukha dahil final na ang praktis bukas, naiintindihan niyo?" Tumango kami lahat sa sinabi niya at kinuha ang damit na para saamin.

Silky at kaaya ayang tingnang Kulay Black na may halong white ang bumungad saamin, may nakaprint na BA na ibig sabihin ay department namin at alam kong masyadong revealing, long sleeve at medyo mahaba ang slit sa bandang leeg. Maiksi, as in super iksi, sinout na ng iba dahil mas excited sila. May HairPen na ibinigay saamin si Mrs. Damian na Fake Flower (Plastic po na bulaklak pero para siyng gumamela na White ) para daw sa gilid ng buhok namin, di daw ito buhaghag dahil Ibi-braid daw ang buhok namin sa dalawa.

Crumpled ShitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon