Chapter 8

2 1 0
                                    

𝙺𝚊𝚒𝚕𝚊𝚗

Nandito kami ngayon sa bahay at nag-iingay ang apat sa di ko alam na dahilan, kanina ay pinatalikod pa talaga ako ni Vlad dahil daw nahihiya siyang mangulangot sa harap ko, gumawa pa siya nang example like "Ang kulangot ay parang sex lang, dapat tinatago at di binabalandra sa harap ng madla". Yan mismo ang sinabi nito saakin na siyang ikinangiwi ko, pwede naman kase na di na gumawa nang example.

"Ano na ang sasalihan mo? Bilis! Mag t-table tennis kaba o Basketball?!" tanong ni Clover sa kakambal nito na kinukulikot pa din ang ilong, makati daw kasi, di na ito nahihiya saakin dahil di naman daw siya nangungulangot kaya ok lang.

Sa isang salita 'nakakabobo', di nga siya nangungulangot pero parang ganon parin sa unang tingin.

"Malamang Basketball!"

Iniwaglit ko na ang tingin ko sa kambal, andito kami ngayon sa loob ng bahay malapit sa may T.V, nanonood kami pero parang may sari-sarili kaming mundo. Ibinaling ko ang mukha ko sa dalawang magkakapatid na si Moon at Klive na seryosong naglalaro nang M.L, inoobserbahan ko ang kilos nila.

'First Blood'

Narinig ko nalang bigla kaya nagtaka ako, sino ang naunang nagkaroon ng score sa kanila?

"F-ck! You're a cheater Uno! You said i'll wait!" reklamo ni Klive kay Moon

"Whatever, it's a game and what d'yo expect? I'll be nice? C'mmon! Are you kidding me?" Ngising sagot ni Moon kay Klive na ngayon ay masamang nakatingin sa cellphone.

"I hate you! I'll tell this to Mom and dad right away!"

"It's just a game Klive, don't take it serious"

"Oh! Shut up cheater! Noob!"

"Said by the one who is pissed because of the game"

Feeling ko dudugo ang ilong ko, pati ba naman sa bahay ay may English paden? I sigh, mag sasana-ol na ako neto pag ako na-amaze. Sa ilang linggong nagkakilaka kami ay mababait naman sila kaso mas lamang ang pagiging Animal nila na akala mo ay nakatakas sa Zoo.

Naalala ko na ginawa nilang Tubig ang Zonrox dahil tutulungan daw nila akong maglaba, wala kasi noon si Aling Lyda at mga katulong na tagaluto nalang ang natira na busy din, sabi ko kasi ay iready nila ang tubig, pagkalabas ko ay ready naman kaso may nakita akong mga bote ng Zonrox na parang bukid dahil sa dami nito, nagtataka ako kong nasaan ang mga laman noon. Nagulat nalang ako na nong eksaktong nilagay ko ang damit na dekolor ay nagsig-kupas ang kulay, Zonrox pala iyon pahat, isang plangganang Zonrox! Sinong tanga ang gagawa non? Sinabi ko namang tubig sa kanila kaso sabi nila ay Zonrox nalang daw para isang lagay ko ay ibibilad kaagad. Kaya ang nangyari ay kinurot ko sila lahat sa pwet.

Minsan naman ay umuwi akong pagod dahil ako ang nag grocery kasama ang ibang katulong, kakapasok ko palang sa loob ay nadapa ako, sabi ni Vlad ay trap daw iyon sa magnanakaw, may naririnig daw kase silang kaluskos. Binatukan ko naman siya at sinapok nang hawak kong mga plastic bag na may lamang prutas at gulay, sa kabila naman ang mga karne na presko.

Minsan din ay natutulog ako sa sofa sa baba dahil sa kakapanood ko nang T.V, mga alas nuwebe ata nang gabi iyon? Oo tama, tapos naabutan ako nang apat, nagkunwari akong tulog noon at hinintay ang gagawin nila, dumating si Klive at binalot nila akong apat ng kumot at ginawang parang suman, muntik na akong di makahinga dahil sa sobrang higpit nilang pagtali, akala ko ay bubuhatin nila ako at alam ko na pabor iyon saakin kaso ay mali ako, ibinaba nila ako sa tiles at dahan dahan silang umakyat hila-hila ang tali na dinugtong nila sa kumot na binalot saakin. Hinila nila ako paakyat habang ako ay nakahiga at nagpagulong gulong pa ako sa hagdan nong binitawan nila ang tali dahil sa sobra nilang tawa, nagmumura naman ang mga animal noong makita ako na nagpagulong gulong, sa huli ay kala ko bubuhatin nila ako kaso iyon parin ang ginawa nila saakin, ginawa nila akong laruan. Ang epekto non ay sumakit ang ulo ko dahil kakauntog sa hagdan, pataas kasi iyon.

Crumpled ShitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon