𝙷𝚘𝚠
Umiyak ako nang umiyak, ang sakit kase. Medyo nahihirapan akong huminga pero andito naman ang inhaler ko kaya ok lang. Napalapit nadin sila saakin kaya ganito ako ka OA ngayon, alam ko na balang araw ay paahalagahan din nila ako bilang kaibigan tulad nang pagpapahalaga ko sa kanila.
Umaga na ngayon at araw ng linggo, medyo namamaga ang mata ko kaya hinilamos ko nalang, tiningnan ko ang sarili sa salamin. Kaya siguro ako umiiyak dahil sila lang ang naging kaibigan ko maliban kay Green, sa dati kong eskwelahan ay wala naman akong naging kaibigan. Walang lumalamapit saakin dahil natatakot sila na baka saktan ko sila, pinakalat kase ni Jasmine na siyang may ayaw saakin na nananakit daw ako nang tao. Animal din ang isang iyon, insecure saakin!
Maya-maya ay narinig ko ang tiyan ko na tumutunog. Nagugutom na ako at gusto ko nang kumain. Binuksan ko na ang pinto at tumambad ang mukha nang apat saakin, nahihiyang tiningnan ako ni Vlad.
Tumikhim muna ito at nagsalita "Yan, sorry na... nalimutan ka kase namin eh, nandoon kase ang barkada namin dati, sorry talaga"
"Sanay na ako" sabay ngiti sa kanila, umawang ang kanilang mga labi, walang nagsasalita kaya tinanong ko sila "Akin ba yan?"
"Oo, breakfast in bed sana, kami ang gumawa niyan para sa iyo" ngiti ni Clover kaya nginitian ko ito pabalik.
"Dalhin niyo nalang sa baba" napatigil ako dahil kumakati ang gilid nang braso ko, kagat ng mga lamok kagabi, putek ang kati!
"Mauna na kayo, kakainin ko naman iyan" Sabi ko sa kanila at papasok na sana kaso may nagtanong "Anong nangyari jan Yan?"
Sinagot ko si Klive "Ah? Kagabi kinagat nang mga lamok, ang tagal niyo kase" biro ko, pumasok na ako sa loob at kumuha nang ointment tsaka pinahiran ang braso ko.
Hinugasan ko na ang kamay ko at bumaba.
NAKONSENSIYA NAMAN sina Vlad dahil sa ginawa nila ni Orean, napasarap kase ang usapan nila kagabi kasama ang dating kasamahan na medyo kalapit nila.
"Fuck! Parang ang sama-sama ko" sisi ni Vlad sa sarili. Tahimik naman sina Clover habang si Klive at Crunos ay puwang nakatulala.
Bumaba si Orean sa hagdan at binati ito nang apat.
"Magandang Umaga pala Yaaan!" Masayang wika ni Vlad
"Morning"
"Good Morning"
"Goooood Morning Orean"
Nginitian naman sila ni Orean, di na ito bumati at nagdasal na, kumain na ito nang nauna. Nagtataka naman sila sa ikinikilos nito, maya-maya ay nay nagring, cellphone ni Orean. Sinagot niya ito at nag excuse muna sa kanila.
"Yes? Bakit?"
Anak, may nagugustuhan na ang kakmbal mo
"Ano?!"
Oo, kaya umuwu kana dito para maasar ang kuya mo.
"Uuwi na ako?!"
Di pa, magbabakasyon kami jan pag may oras.