𝙱𝚒𝚐 𝚃𝚛𝚘𝚞𝚋𝚕𝚎
Bumalik ulit kami sa school, pang dalawang araw na ang intrams namin. Nakaka-excite ito sa ngayon dahil may ilalabas na booth! Mababawasan ang pagkabadtrip ko dahil sa Oreo ko kahapon at dahil kay Moon habang hinaharot ng iba. Maarot din siya kaya nagpaharot din.
Kasama ko si Mellisa at Root sa ngayon, sila na talaga ang makakasama ko. Si Green kasi ay busy, busy na busy gosh! Bahala siya. Pinagtitinginan kami ngayon dahil, sumayaw kasi kami kanina at di kami nakapagbihis kay may maririnig talaga kaming sipol sa mga ulupong na alagad yata si Clover. Mabuti pa si Klive at masunuring klaseng anima-- este gwapo. Papunta kami sa Booth ng Shake. Shake Station daw sus halata namang shake ang binibenta nila eh!
"Wag na kayo mag sigchismis jan! Bumili na kayo!" Panggugulo ko sa kanilang dalawa, mukhang natauhan naman sila. Si Root ay tulala, di ko alam ang problema nito, si Mellisa naman ay mukhang kinikilig, huhulaan ko! Si Daniel Padilla na naman ang chinismiss nito kay Root!.
Bibili na sana kami kaso.... Pinigilan kami nong nasa Counter. Nagtaka kami kaya may itinuro siya sa gilid niya.
|Free Kiss| ayan ang nakalagay sa poging lalaki na ngayon ay nakatingin saamin, di ko mabasa ang nasa mukha niya at mukhang mesteryoso ang isang ito.
Itinuro ulit nong nasa Counter na babae ang nasa kaliwa, kanina kasi ay nasa kanan.
|Free Hit| ayan ang nakalagay sa kawawang nerd na lalaki. Natatandaan ko si Green dito. Bakit naman di rin free kiss? Ambastos naman! Nahahalata ko na marami-rami ang pila at ang iba ay naiirita na. Mas marami ay mga babae. Siguro ay dahil gusto nila makakiss sa lalaking nasa kaliwa. Nauna si Root at Mellisa. Pinili nila ang Ube with chocolate on top na shake.
Masarap daw iyon at unti nalang ay masosold out na. Pero mas pinili ko ang Choco Blast with Oreo, alam niyo naman na pag Oreo ay ibig sabihin Love Orean. Gets? Ako di ko den gets hihi.
Pinili nina Root si Nerd, d naman siya panget at cute naman siya, kayumanggi ang kulay nito at matangos ang ilong, medyo payat at messy hair, kulay brown ang mata nito na ikinaganda ng mukha niya, gwapo siya pero di iyon ang nakikita ng lahat dahil sa salamin niya at pananamit.
Kinuha nina Root at Mellisa ang plastic botle at hinampas ang nerd, medyo may takot ito sa mukha at gusto promotesta pero wala itong magagawa, gusto ko sana siyang tulungan pero baka parusahan pa siya. Inaabangan ng tao ang gagaain ng dalawa, hinampas ni Mellisa ito ng mahina at pinasalamatan naman sya ni Nerd ng palihim, ganoon din ang ginawa ni Root.
Nong ako na ay hindi ko kinuha ang plastic botle pero inutusan ko ito.
"Hawakan mo" utos ko sa kanya, papahawakan ko ang shake ko kasi may gusto ako gawin.
"S-sige po"
Hinawakan ko ang panga nito na ikinagulat niya, pinagpapawisan siya at halata sa mukha niya ang ang kaba at takot. Astig pala! May nunal siya sa pisnge at ang ganda non tingnan! Inilapit ko ang mukha ko at hinalikan ang nunal na iyon. Natulala siya sa ginawa ko. 2nd Year na siya dahil itong booth na ito ay station 2 kong saan second year college ang mag mamanage. Kimuha ko ang shake ko at ginulo ang buhok niya, hanggang ngayon ay tulala siya. Nakanganga naman ang mga nakatingin at ang iba ay nandidiri. Grabe talaga ang mga tao ngayon ano? Sobra na ang pagiging judgemental.
Nag apir pa sina Mell at Root. Aba't mga abnormal talaga.
"Wow ang bait! May free kiss!" Natatawang sabi ni Mell kaya binatukan ko ito.
