Chapter 6

857 26 1
                                    

Tiredness


" Wala na akong pera..." bulong ko sa sarili ko halos nangingilid na yung luha ko habang tinitingnan ang laman ng wallet ko .



Ayaw ko ng gambalain si cristan . Ayaw ko na siyang idamay sa problema ko . Sa kanya na lang ako palagi umaasa . Gusto ko nang maging independent . Gusto kong sulosyunan ang sarili kong problema.

Anong gagawin ko ?

Siguro habang kino- contack ko si dad ay humanap muna ako ng trabaho . Kahit part time lang upang matustusan ang pangangailangan ko.

Napatingin ako sa sarili ko sa salamin tsaka napairap . Really ? Tam ? Mag aapply ka ng trabaho na nakadress ? Anong coffee shop na tatanggap sayo ? Baka mapagkamalan ka pang may ari . Padabog kong hinukay ang mga damit pati sa walk in closet ay wala ring matinong damit .

After 3678884 minutes ay nakahanap akong simpleng damit . Simple na ba 'to ? Wala ito sa kalingkingan ng damit na suot ng babaeng kasama ni cristan . Napakagat ako ng labi .

Im wearing Blue highwaist jeans and White plain croptop with Vneck . Napabuntong hininga ako at isinukbit ang bag ko .

Ilang coffeeshop narin ang pinasahan ko ng resume pero wala ni isa sa kanila ang nagtangkang interview- hin ako . Darn. Masakit na yung paa ko sa kakalakad ngayun ko lang narealize na nakasuot pala ako ng heels. Nasapo ko nalang ang noo ko .

Mas lalo akong nanghina ng makita ang siksikan na tao sa loob ng jeep. Tiningnan ko yung wallet ko na may lamang limang daan peso . Kung ipamamasahi ko'to wala akong makakain bukas . Ubos na ang laman ng wallet ko at wala pa akong trabaho. Bumagsak yung balikat ko.

e kung humingi ka nalang kaya ng tulong kay cristan ?

Napailing ako . No ! Paninindigan ko 'to . Hindi ka hihingi ng tulong sa kanya. Hindi sa lahat ng oras nariyan siya sa tabi mo .

Gabi na ng nakauwi ako sa bahay . Napasalampak ako sa Sofa . Tahimik kong nilibot ang tingin ko sa loob. Umuwi ang kasambahay ko lastmonth dahil nanganak ang kanyang anak . Ngayun sana ang balik niya pero hindi ko na siya pinabalik . Naaawa ako sa kanya pero naaawa rin ako sa sarili ko wala na akong pera pampasweldo sa kanya ning makakain ay wala ako.

" Mukang napapadalas ang pagbabasa mo ng libro dito sa library ah . " nakangiting sabi ni jay at umupo sa harap ko . Walang gana ko siyang tiningnan at bumaling ulit sa libro . " - badmood ? himala ! hindi mo tatanungin kong nasan si cristan?"

Tiningnan ko lang siya . Hindi ko pinapahalata pero nanghihina na yung katawan ko sa gutom . I escape my lunch again at sandwich lang ang kinain ko kanina sa bahay .

" Bakit ang sungit mo ngayun ? " nakakunot noo niyang tanong. "- Hindi mo hahanapin si cristan ?" ulit niya pa. Bigla akong nairita hindi ko alam dahil narin sa gutom.

" Can you please.. Shut up . You see ? I'm reading ? Kung gusto mong hanapin si cristan hanapin mo. I'm nothing to do with him ." may diin kong sabi . Nakita ko ang gulat sa kanyang reaction .

" Namumutla ka tam ? May sakit ka ba ?" nag aalalang tanong niya . Bigla akong nakonsensya kung ano ano ang pinagsasabi ko sa kanya.

Umiling ako. " I'm sorry...."  tumingin siya sa likod ko .

" Oh ? Cristan !" pakiramdam ko lalo akong namutla . Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko . Nilagay niya ang kanyang kamay sa aking noo.

" Are you okay ?" nag aalalang tanong niya . Iniwas ko ang ulo ko at kunwari bumalik sa libro . Pero wala akong maintindihan kung ano man sa binabasa ko . Tanging kalabog lang ng dibdib ko yung naririnig ko.

Nang hindi ko na makayanan ay tumayo na ako . Napatingin naman sila sakin .

" Papasok na ako ." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanila.

" It's still eleven . Mamaya pang two ang pasok mo diba ?" napakagat ako ng ibabang labi ko . Ramdam ko ang titig sakin ni cristan at alam kong binabasa niya ang laman ng utak ko.

" Ahm...kakausapin ko pa kasi si sheila." That's a half true i'd want to talk sheila later . Tungkol sa pinsan niya .

" It is about your thesis ? I can help you ."  napatingin ako sa kanya pero agad ring umiwas ng tingin . Halata ba ? Naiinis ako sayo ! Ayaw kitang kausapin .

" Oo nga tam . Minsan na kana ngalang makita nitong nakaraang araw . May pinagtataguan ka ba ?" tanong jay.

Tumaas yung kilay ko . " Sino naman ang pagtataguan ko e wala naman akong utang ?" Napatingin ako kay cristan . Nakita ko ang pagtalim ng titig niya sakin.

" Let's talk ." may diin na sabi niya na may halong pagbabanta.

Nauna siyang naglakad at sumunod naman ako sa kanya . Napatingin ako kay siya'y naman ay nagkibit balikat nalang


Tahimik akong sumunod sa kanya pero maraming gumugulo sa isip ko . Sasabihin ko ba sa kanya ? No ! Tam . Panindigan mo 'to humanap ka nalang ng ibang rason. Kilala ako ni cristan kilalang kilala alam niyang may bumabagabag sa isip ko , alam niya kung may problema ako o wala.

Napatigil ako sa pag iisip ng bigla siyang huminto . Nakita ko ang pagtagis ng panga niya . Sinundan ko kung saan siya nakatingin . She's the girl ! She's with other guys sitting under the tree pero pamilyar yung lalaki saan ko nga ba nakita yun ?

" Cristan !" hindi niya ako pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglakad papunta sa dalawa .

Kinuha niya ang kamay ng babae at hinila papunta sa kung saan . Naiwan ang gamit ng babae pati narin ang kasama niya . Parang may tumusok na kotselyo sa dibdib ko habang pinagmamasdan sila papalayo . May dumating na isa pang lalaki .

Mapait akong ngumiti . Tama yung hinala ko ang lalaking kasama ng babae at siya rin yung isa sa bakla na kasama niya sa library .


" Dumating lang siya nakalimutan mo na ako..." pinahid ko yung luhang tumulo sa pisngi ko.

Hindi gutom ang makakapatay sakin kundi ang pagmamahal ko kay cristan . Pero kahit paulit ulit niya ako saksakin ng kotselyo hindi ko parin siya susukuan .

Nakita kong naghagikgikan ang dalawang bakla tsaka niligpit ang gamit ng naiwan ng babae . Nung umalis sila ay naglakad ako papunta sa puno at napaupo . Nanghihina yung katawan ko at nanginginig ang mga tuhod .

Alam ko merong masakit sa katawan ko hindi yung tiyan ko kundi sa bandang dibdib ko . Gusto ko silang habulin kanina at agawin siya sa babae .


Ako dapat ang nasa pwesto niya ngayun !

Napatakip ako ng mukha tsaka napahikbi .

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon