Chapter 8

945 33 0
                                        

Chapter 8
Back to strangers

Dalawang kanta kasama ang ZOOM , dalawang kantang solo and two request song from the crowds . Yun ang napag usapan namin ni kuya gin. Maganda rin yun para hindi ako mapaos kailangan ko ring iwasang uminom ng malamig na tubig dahil boses ang puhunan ko sa trabaho ko .

Mamaya na ako magsisimula pero medyo kinakabahan talaga ako . Pano kung magkamali ako sa lyrics ? Pano kung madulas ako sa stage ? Pano kung ? Pano kung ? Pano kung ? Maraming paano kung ? But everytime na mag isip ako ng negative ay iniisip ko nalang ang sinasabi sakin ni mommy tuwing sumasali ako sa contest noon. Bumuntong hininga ako . ' Mom , sana kung nandito ka . Hindi sana ako mag isa ngayun . Nami- miss na kita..."

" Tam , may pupuntahan ka ba mamaya ?" tanong ni mhel sakin. Nagkatinginan kami ni sheila . Sinabi ko sa kanya na saamin nalang muna ang tungkol sa pagkanta ko sa resto bar ng pinsan niya . Wala naman siyang nagawa kundi sumang- ayon nalang kahit labag sa kalooban niya. Gusto niya kasing ipagmayabang ang boses ko . Pero ayuko , ayuko ko ng maraming atensyon . Maraming atensyon means maraming kaaway kahit wala kang ginagawa jina- judge ka nila . Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng pera yun lang , wala na akong paki alam kung ano ang kakahantungan nito .

" Diba tam ? May date ka mamaya kasama si ' i ' ?" pinandilatan ako ni shiela . Ano na namang kabaliwang ang iniisip nito ?

" Sino yun si Idan ?" kinurot ako sa gilid ni mhel . " Oy , improving ah ! nitong nakaraang araw pa lunch- lunch lang ngayun may pa date- date na ayeeehhhh..." tukso sakin ni mhel pero siya yung namumula .

Hindi ko nalang siya pinansin at niligpit nalang yung gamit ko . Baka hinihintay na ako ni Danvis . Matampohin pa naman ang isang yun . Isa yun sa katangian na nalaman ko sa kanya . Pagnagtampo siya hindi siya umiimik , hindi siya nagsasalita , hindi ka niya kakausapin at hindi rin siya nagtatanong . Hihintayin ka niya na ikaw ang magsabi sa kanya .

Pag ako naman ang nagalit hindi rin niya ako kakausapin . Hihintayin niyang lumamig ang ulo ko bago niya ako susuyuin . Kakaiba siya magsuyo. Dinadala niya ako sa pagkain . Alam niya kasing madadala niya ako sa pagkain. Sh*t ba't kasi ang takaw ko ?

Lumabas na ako ng room . Hindi ko kaklase si Danvis sa last subject ko sa umaga kaya napag usapan naming sa cafeteria nalang magkita since sa building lang nila yun . Sa kabilang building pa kasi yung amin . Sinuot ko yung earphone at kinakabisado yung kanta na kakantahin ko mamaya. I just want to make sure ayaw kong mapahiya si sheila at ang pinsan niya . Pero totoo ? Kinakabahan talaga ako . I know it's normal for first timers like me well hindi ko naman talaga kino- consider yung sarili ko as a first timers since i used to perform on stage when i was young . Medyo naninibago lang talaga siguro .

Napatampal ako ng noo. Gosh ! Hindi ko talaga makuha yung lyrics na ako lang kailangan ko pa talaga pakinggan ng paulit- ulit ang phone ko . Nagtampo siguro sakin ang kanta kung hindi pa kasi ako mauubusan ng pera hindi pa ako babalik sa pagkanta .

" hmm..na ..na...hm." I start humming while walking at the stairs . I'm dancing with my hand , moving left and right . Pinikit ko ang mata ko , huling dalawang hagdan na lang ng bigla akong na out balance . Sa gulat ko ay hindi ako nakakapit , napapikit nalang ako at hinintay ang aking pagbagsak . Hinintay ko na masubsob yung mukha ko sa semento pero walang nangyari . Chineck ko pa yung mukha ko . Dahan - dahan akong dumilat at ang talim na titig ni Danvis ang agad kong nakita . Napahawak ako sa dibdib ko . Muntik na ako dun ah !

Pinitik niya aking noo bago ako bitawan .

" Clumsy girl . Don't be so stupid . Why are you sleeping while walking huh ?" His jaw clench . Lumapit pa uli siya sakin . Bahagya akong umatras hanggang wala na akong maatrasan. Ito na naman yung weird na pakiramdam . Lumapit ang mukha niya sakin sandali akong napapikit . Pinitik niya uli ang aking noo pero mahina lang . " Don't make me worried again woman . Damn ! " napasabunot siya ng buhok . Bigla akong nakonsensya at lumapit sa kanya . Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit .

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon