Chapter 26

705 20 2
                                    

Chapter 26 Time and space


Tinitigan ko lang yung cellphone ko habang patuloy sa pagtunog. Over 120 missed call na ang natanggap ko mula kay Danvis. Mamatay yung phone ko tas ilang segundo lang ay lilitaw ulit ang pangalan niya. Hindi ko alam kung pano ko siya haharapin ngayung naguguluhan ako. Umuwi akong late kagabi at naabutan ko siyang natutulog sa sala at maaga rin akong umalis kanina para hindi niya ako maabutan.

Hindi ko alam kung ano ang e- excuse ko sa kanya mamaya dahil hindi naman ako pumasok. Tinawagan ko si mhel at bumisita sa kanya. Nalaman kong working student pala siya at sa t'wing nag aaral siya ay iniiwan niya lang si gino sa kanyang kapitbahay. Hindi ko alam kung bakit siya nagtya- tyaga sa ganito gayong may ama namin si gino.

She can tell him para hindi na siya mahirapan but she choose to keep it secret. I'm not in the right place to judge her since hindi ko naman alam ang matindi niyang rason bakit niya ginagawa to. The only i can do to her as a friend is to support her. That thing that she needs the most now. Pero hanga rin ako sa kanya nakaya niyang palakihin ng mag isa ang anak niya without anyones help. Nag aaral at nagta- trabaho siya para sa kanilang dalawa.

" Your son looks like his father ." banggit ko habang tinitigan ang anak niyang naglalaro. Pero habang naglalaro ay wala parin itong emosyon.

Malungkot siyang tumango. Napatingin naman ako sa kanya.

" Hanggang kailan mo'to balak itago?" napayuko siya.

" Hanggang kaya ko." wala sa sariling napailing ako. So ? May balak talaga siyang itago nalang si gino sa kanyang ama ? Pinagmasdan ko yung mukha niya habang nakatingin sa anak niya.

Doon ako sa bahay ni mhel tumambay buong araw. Ako ang nagbantay kay gino pagpasok niya sa trabaho. Hindi rin naman siya mahirap bantayan dahil tahimik lang siya at hindi katulad ng ibang bata na makulit. Pinagluto ko siya at nanunuod kami ng movie dalawa napangiwi ako sa napili niya it is a science fiction movie hindi ako relate kaya nakatulog ako pagising ko ay saktong katatapos lang ng movie. Pinaliguan ko rin siya at pinainom ng gatas bago matulog. Hindi ko namalayang gabi na pala tiningnan ko yung cellphone ko puno ito ng missed call ang messages na galing lahat kay Danvis.

Ayukong maging unfair sa kanya dahil alam kong may feelings parin ako kay cristan. Pero hindi ko kayang itulak siya ulit tulad ng ginawa ko dati iniisip ko palang yun ay sumasakit na yung dibdib lalo kapag makita ko sa mata niya na masasaktan siya ay parang pinipiga yung dibdib ko.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Pumasok si mhelanie na may dalang grocery. Sinabi niya rin sakin na matatagalan siya dahil magro- grocery pa siya. Sinabi kong okay lang dahil wala naman akong gagawin. Napakunot noo ako ng makita ang pag aalala sa kanyang mukha agad siyang lumapit sakin.

" Boyfriend mo na ba si idan ?"

" H- Ha ?"

Napailing siya. " Nandun siya sa labas hinahanap ka nanggaling narin siya sa bahay nina alex at sheila. Buong araw ka niya yata hinahanap tam pumunta rin raw siya sa resto kanina." napaawang ang labi ko. Hindi ko alam kong anong sasabihin ko sa kanya gayung hindi ko naman talaga boyfriend si Danvis.

" Hindi ko siya b- boyfriend ." sagot ko. Napairap siya tila hindi makapaniwala.

" Kung ako sayo lumabas ka nalang tam ng makita mo kung ano kagulo ang itsura niya. Magulo rin yung buhok niya , pawis na pawis . Bilisan mo baka paglabas mo wala ka ng jowa. Ang HOT ng papa mo !" tili niya. Pero ako tila hindi mapakali malakas rin ang kabog ng dibdib ko.

" Pano niya nalaman ang address ng bahay mo ?"

" Aba malay ko ! Kina sheila nga nahanap niya akin pa kaya ?!" napatalon ako sa gulat ng biglang may kumatok. Ngumuso si mhel sa pinto.

" Hala ka ! Galit na galit yan ? Lagot hindi ka na niyan makakiss ?" masama ko siyang tiningnan pero humalakhak lang siya at binitbit ang binili niya papuntang kusina.

" Close the door before you leave !" nakuha niya pang tumawa habang ako ay kinakabahan na.

Kinuha ko yung bag ko at nanginginig ang tuhod na naglakad papunta sa pinto. Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang katok na parang gusto niya na itong sirain.

Pagbukas ko ay sinalubong ako ng namumula niyang mata at madilim niya tingin. Tumaas baba rin ang kanyang adams apple and his clench his jaw.

" Danvis ..." malakas ang kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa malamig niyang mata.

" I already told you , my tamara." his voice is cold like ice. " You can go to him. I can share you with him basta wag mo lang kalimutan saking umuwi. "

Kinagat ko yung labi ko habang pinipigilan yung luhang nagbabadyang lumabas galing sa mata ko. Napalunok pa ako.

" Why didn't you answered my call ? Ayaw mo ng umuwi ? Ayaw mo na s- saakin ?" his voice shook. " Tell me my tamara. Just tell me."

Umiwas ako ng tingin. " Time and space Danvis yun lang ang hinihingi ko." wala sa sariling tumango siya. Kinuha niya yung bag na dala ko at nauna siyang naglakad. Bagsak ang kanyang balikat habang nakayuko. Tuluyan ng tumulo yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan habang nakasunod sa likod niya. Why is 's acting like this ? Why this guy is so inlove with me ?

Pinagbuksan niya ako ng pinto hanggang sa byahe ay wala kaming imikan. Nasa bintana lang ako nakatingin habang patuloy parin sa pagdaloy ang luha sa mata ko tila walang kataposan. Hindi ko siya kayang harapin. Hindi ko siya kayang titigan sa mata. Hindi ko kayang makita yung mga sakit binibigay ko sakanya na nakikita sa kanyang mukha ngayun. He really looks miserable right now and its because of me.

Kung pwede lang mawala yung sakit na nararamdaman niya kung pwede lang akuin ko yung sakit na nararamdaman niya ay gagawin ko. Ayuko ko siyang makita ng ganito kahina hindi ko kaya.

Pagdating namin sa bahay ay pinagbuksan ulit niya ako ng pinto. Kinuha ko yung bag ko sa kanya at nauna ng maglakad tumingala ako para pigilan yung mga luha ko na nagbabadya na namang tumulo.


Kung sana siya yung una kong nakita. Kung sana lang ay siya ang una nakilala di sana hindi ako naguguluhan ngayun. Kung sana ay siya yung batang nakita ko sa labas ng bahay ko noon. Kung sana siya yung lalaking pinangarap ko ng maraming taon edi sana walang problema kasi mahal niya rin ako.

Kaso huli na siya. May iba ng nauna. Si Cristan yung nauna na ngayun ay may kasama ng iba kaya ako nasasaktan ngayun.

Napatigil ako sa paglalakad ng mapansin kong hindi siya sumusunod sakin. Kunot noo ko siyang nilingon. Nandun parin siya sa tabi ng sasakyan hindi parin siya umaalis sa pwesto niya kanina. Nakatitig lang siya sakin mula sa malayo.

" Danvis." bulong ko.

Ngumiti lang siya sakin at kumaway. Yumuko siya at lihim na kinusot ang kanyang mata. Hindi nakawala saking mata ang pagtaas baba ng kanyang balikat na kahit sa malayo ay kita ko parin ang paggalaw nito.

He's crying ! I made him cry.

Nagsipaglaglagan narin yung mga luha ko at napatakip ako ng bibig ko. Unti- unti siya tumalikod papasok ng sasakyan. Bawat hakbang niya ay unti- unting dinudurog yung puso ko.

Sabi ko time and space ! Hindi ko sinabing iwan mo 'ko ! Di mo ba alam na magkaiba yun ? Magkaiba yun Danvis ! Magkaiba yun !?

Hanggang humarurot paalis ang sasakyan niya ay tuluyan na akong humagugol at napaupo nalang sa semento. Ano ba yung problema ko ? Ano ba talaga yung gusto ko ? Sino ba talaga yung totoong mahal ko ?


#twoheartsnitamara💔😢

A/n. May nagbabasa po ba ? Parang wala po kasi eh😂😂😂 By the way its okay since i'm just a beginner. But i still need your feedbacks guys para maimprove po yung skills ko sa pagsusulat like " Masyadong KORNY yung mga linya or BITIN yung mga chapters " or any negative thing na makikita niyo po sa story ko.😊 Thanks for reading !

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon