Chapter 16 ; Jerk !

976 17 0
                                        

Chapter 16  Jerk !

Nagpagulong- gulong ako sa kama. Hindi ako makatulog lalo na ng maalala ang nangyari kanina. Ilang beses ko narin sinampal yung sarili ko upang magising ako sa paniginip ko.

Paulit- ulit kong naririnig ang boses niya sa tenga ko . Ilang beses narin akong mapasabunot ng buhok ko pero paulit- ulit kong nakikita ang namumungay niyang mata  .

Napahawak ako sa aking labi na hanggang ngayun ramdam ko parin ang pagkadikit ng mga labi namin. Nalalasahan ko parin ang tamis ng halik niya at naamoy ang ko parin mabango niyang amoy na nanunuot sa aking ilong. Magtatanong ba ako kung anong pabango niya ?




Napatakip ako ng mukha . Oh my god!? Kaya ko pa ba talaga siyang titigan sa mata matapos ang nangyari kanina ? Sa mga sinabi niya? Nagtalon- talon ako sa kama.



Maghunos dili ka tamara may cristan ka na ! Masasaktan mo lang siya ! May mahal kang iba ! Pero bakit ba ako pumayag sa status namin ? Anong relationship na meron kami ? Ano ko ba siya ? Fling ? Walang klaro basta pumayag lang ako na manatili siya sa tabi ko. Natawa ako . Ano bang iniisip mo tamara ? Isang Ingo Danvis ? Fling mo lang ? Srsly ? Hindi ka naman nangangarap noh ?


Binagsak ko yung sarili ko sa kama at napatingin sa ceiling ng kwarto ko. Hindi yun ang dapat kong inaalala kundi ang tungkol sa dinner bukas.


Masama ang kutob dun. Nagtataka ako kung bakit kasama pa ako sa meeting nayun e sigurado naman akong tungkol lang lahat sa business ang pag uusapan dun. Para kasing may mali ? Alam ni dad na wala akong interest sa kompanya niya at wala akong balak magtrabaho dun. So , bakit nga niya ako isasama ?


Pumikit na lang ako at nagbilang. Ito ang turo sakin ni mommy noon kapag hindi ako makatulog. Minsan gumagana naman kaya susubukan ko , sana gumana ngayun.

Ilang sandali pa ay nakaramdam narin ako ng antok. Pero bago ako matulog ay nakita ko pa ang mukha ni danvis na nakangiti. F*ck !



Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko medyo manipis kasi ang kurtina ng kwarto ko kaya nakakapasok ang araw dito. Tamad akong bumangon at nag inat . Natulala pa ako sa bintana . Ilang minuto rin ako nakatitig doon bago akong tuluyang gumalaw . Pasuray- suray pa akong maglakad papuntang banyo .


Hanggang matapos akong maligo at ganun parin . Malambot parin ang katawan ko at masarap bumalik sa kama at humiga buong araw.


Nagtimpla lang ako ng gatas bilang almusal pero hanggang sa lamesa ay napatulala parin ako. Kung hindi tumunog yung cellphone ko ay hindi pa ako magigising. Kinuha ko ito sa bag at sinagot ng hindi tinitingnan kung sino ang tumawag. Napahikab pa ako at nangingilid ang luha ko dahil sa antok.


" Are you still in bed , my tamara ?" Muntik ko ng mabitawan yung phone ko ng marinig ang boses niya.


Biglang nawala ang antok ko at bigla akong pinawasan . Anong sasabihin ko sa kanya ? Should i say 'hello' first? Oy ! Danvis ? Kamusta ka ? Nakalimutan ko na yung halik ! Pero F*ck ! Bakit ko ipa alala sa kanya yun? Baka nakalimutan niya yun ?


" My tamara ?" may lambing ng boses niya na para akong hinihili. Napakagat ako ng labi at hindi parin nagsasalita. Gusto ko parin marinig yung boses niya .


" I want to kiss you again , my tamara." my lips wided tsaka napanguso . Oh ? Please danvis . Don't make it hard for me . Baka mahirapan akong bitawan ka kapag nakuha ko na si cristan. Ayukong saktan ka dahil mas masasaktan ako.


Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.


" I miss you..." narinig ko naman ang paghaharuminto sa bandang dibdib ko. " I miss you , my tamara . Please wake up , i'm here outside of your house ." nanlaki ang mata ko at dali- daling binitbit ang bag ko at agad na lumabas.


One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon