Chapter 30

833 13 0
                                    


Different Love

Chapter 30

Mabilis lumipas ang araw di namin namalayan bukas na pala ang uwi. Masyado kaming nag enjoyed. Ito yung first sembreak na hindi ko kasama si cristan. Masyado siguro akong fucos sa kanya noon kaya di ko namalayan marami pa pala ako hindi nagagawa sa buhay ko. Hindi ko pa pala masyadong naenjoy yung life ko. Masaya pala pag marami kayo. Masaya pala kung mas marami kang kaibigan. Yung may tahimik , madaldal , nag aaway , yung nagtatawanan yun ang hindi ko naranasan noon habang kasama ko si cristan.

Napatingin ako sa cellphone ko. Dalawang linggo na. Dalawang linggo na na wala akong text o tawag na natanggap. Tinatanong ko nga yung sarili ko bakit ba ako naghihintay sa kanyan gayung alam ko sa sarili ko na may nararamdaman pa ako para kay cristan. Ano ba talaga yung nararamdaman ko sa kanya ? Gusto ko rin ba siya ? Mahal ko na ba siya? Pero hindi pwede yun. Hindi pweding dalawa magiging unfair ako sa kanya. Masasaktan ko lang siya pati narin yung sarili ko.

Napabuntong hininga ako habang tinatanaw ang mga kulay berding mga puno sa baba. Nandito ako ngayun sa duyan sa baba ng dalawang malaking puno. Hindi ko alam kung nasan na yung mga kasama ko. Namasyal rin sila at naglibot- libot. Safe naman dahil walang ibang tao na pumapasok sa lupain ng mga Villaester. Sobrang lapad ng lupa na pagmamay ari nila kuya gin. Hindi ko ini- expect na ganito pala talaga siya kayaman. Mangutang nga kay mhel pagsila magkatuluyan. Swerte ko tiba- tiba yung friends ko.

May narinig akong kaluskos sa likod ko pero hinayaan ko lang. Ilang segundo lang naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Nang makita ko sa peripheral vision ko kung sino yun ay ngumisi ako. Kinilabit niya ako lumingon ako sa kanya at napataas ng kilay.

" Na- deleted mo na ?" napailing ako. Kanina niya pa ako kinukulit tungkol sa pictures na sinend ko sakanya kagabi. Binaliwala ko lang siya pero ang totoo na deleted ko na talaga yun.

Bumaba ang tingin ko sa kamay ko.

" Bakit panay tingin mo sa cellphone mo ? May hinihintay ka bang tawag ? Kagabi pa yan ah ?" malungkot na ngumiti ako. " May problema ka ba tam ?" umiling ako.

Tumahimik na lang siya at hindi na nangulit pa pero kita ko ang pagtitig niya sakin sa gilid ng mata ko. Napabuntong hininga ako at tumingin sa mga puno sa baba na nagsasayawan.

" Naramdaman mo na ba yung feeling na yung bagay na matagal mo ng gusto. Yung bagay na pinangarap mo ay hindi mo nakuha ?" biglang lumabas yun sa bibig ko.

Hindi siya nagsalita. Napatawa ako. Siguro hindi niya ito maiintindihan pero bahala na.

" Yung feeling na nauna ka sa pila para makuha ang bagay na yun. Malapit na nasa harapan mo na yung pag asa. Makukuha ko na siya pero may biglang sumingit kaya sa isang iglap lang. Kumurap lang ako may iba na agad nagmamay ari sa kanya. Hindi manlang siya napagod o pumila kasi kusang lumapit sa kanya yung bagay na yun. Ang lupit diba ? Bakit pa kasi ako pumila ? Bakit pa kasi ako umasa ? Malapit na ako eh. Nasa dulo na ako ng pangarap ko kung saan iniisip ko na yung kinabukasan namin. Nakikita ko na yung sarili kong kasama siya habang buhay. "

Tumingin ako sa malayo. Naramdaman ko ang tagos na pagtitig niya sakin.

" Galit ka dahil may mas nauna sayo. Pero bakit ka naguguluhan ?"

" Hindi ko rin alam." napabuntong hininga ako. " May isang taong handang masaktan para sakin. Gagawin ang lahat para manatili lang siya sa tabi ko. Handang mahalin ako kahit may ibang nagmamay ari na ng puso ko. Handang makihati wag ko lang siyang ipagtabuyan. Sa kanya ko naramdaman na espesyal ako. Pinaramdam niya sakin ang pagpapamamahal na hindi kayang ibigay ng taong mahal ko. Pero ayuko siyang saktan. Ayuko maging unfair sa kanya. Sa sobrang ayuko siyang saktan ay hindi ko siya magawang itulak palayo. Dahil masasaktan ko siya ng sobra. Kapag nakikita ko siyang malungkot parang pinipiga yung dibdib ko mas nasasaktan ako. Mahal ko si cristan pero ayaw ko rin siyang bitawan. Makasarili ba akong tingnan pag sinabi kong akin nalang muna siya habang hinihintay ko si cristan ?" tumingin ako sa kanya pero hindi nakita sa kanyang mata ang panghuhusga.

" Mahal mo ba talaga si cristan tam ?"

Mapait na ngumiti ako at tumango.

" Talaga ? Pano kung isang araw magising ka bumalik sayo si cristan. Sasabihin niya sayong mahal karin niya. Magiging masaya ka ba ? " natigilan ako. Bakit parang may mali sa tanong niya. Hindi ko inisip yun kaya hindi ko naisip kong ano ang maramdaman ko pag nangyari yun.

" Bakit ka naguguluhan tamara ? Uulitin ko. Magiging masaya ka ba ?" wala sa sariling tumango ako.
" Sabihin mo."

"Oo magiging masaya ako."

Ngumisi siya. " Naniniwala ako.Bakit kailangan mo pang mag isip? Bakit hindi ka makatingin saking mata ? Bakit naguluhan ka pa kanina? Bakit kailangan ko pang ulitin ang tanong ko ?"

Napakunot ako ng noo. Anong ibig niyang iparating ?

" Mahal ko si cristan,  sheila" may diin na pagkakasabi ko. At tumitig sakanyang mata. Nakipaglaban naman siya ng titigan sakin.

" Sige kumbinsihin mo yung sarili mo. "

Napaawang ang labi ko. Bakit ko naman kukumbinsihin yung sarili ko? Alam ko namang mahal ko si cristan.

" Mahal ko--., "

" Mahal  mo ba talaga siya ?"

" A- Anong ibig mong s- sabihin ?"

Nakibit balikat siya. " Baka kasi sa isip mo nalang yun. Siya yung pinangarap mo diba ? Ilang taon kang umasa sa kanya. Siya bagay na gustong- gusto mo mula pa noon na hindi mo makuha- kuha ? Nasasaktan ka kasi mahal mo siya ? O pride mo nalang yun kasi naunahan ka ? Hindi mo matanggap na hindi ikaw kundi siya ang karapatdapat sa bagay na yun. "

Di ko namalayang may tumulong luha sa mata ko. Bakit ko nararamdaman to ? Bakit ako nasasaktan sa sinasabi niya ?

" Mahal mo ba talaga siya ?  o nasaisip mo nalang yun. Nakatatak na hindi mawala- wala kasi yun ang pinaniniwalaan mo kasi yun na ang nakasanayan mo. Bakit hindi mo pakinggan ang sinasabi ng puso mo? Nang makawala kana sa sakit na nararamdaman mo. Sarili mo nalang kasi ang niloloko mo. Bakit mo siya kailangan isipin kung pwede mo rin naman maramdaman sa iba ? "

Pumikit ako " Tama na ..."

" Sino ba ang totoong nagpapatibok ng puso mo ? " naisip ko si danvis.
" Ngayun sabihin mo saaking mahal mo si cristan. " napatingin ako sa kanya. "Sabihin mo tam ."

Hindi ako umimik.

" Si idan yung lalaking tinutukoy mo kanina diba ? So ganito nalang ... Sinong ayaw mong mawala ? Si cristan o si idan ? Pumili ka ng isa tam at palayain mo ang isa. " tinapik niya ako sa balikat at iniwan akong tulala. 

Inisip ko yung tanong niya. Nagawa ko ng palayain si cristan. Nakaya ko. Pero hindi ko kakayanin ang bitawan si danvis. Dudurog ako . Hindi ko kaya . Bakit ngayun ko lang naisip to? Kailangan ko palang pakinggan ang ibang tao para magising ako. At marinig kong ano talaga yung sinisigaw ng puso ko.

Tumingin ako malayo. Napangiti ako ramdam ko na ang kapayapaan sa isip ko. Alam ko na yung sagot sa katanungan ko.

Naririnig ko na ang huni ng mga ibon sa malayo na hindi ko naririnig kanina.

Binubuksan ang puso ko. Naririnig ko na ang pangalan niya dito.

A/n: Last 10TH Chapters :) ito lng po yung masasabi ko. Prepared your handkerchief dahil hindi pa tapos ang iyakan.

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon