Chapter 25

745 17 0
                                    

Chapter 25

Umuwi ako ng wala pa si Danvis sa bahay. Tumingin ako sa relo maaga pa para maghanda para dinner mamaya. Tinawagan ako kanina ni Tita Cristy para remind ako tungkol actually muntik ko na nga makalimutan buti tinawagan niya ako. Darating rin raw si cristan mamaya. Panigurado akong doon niya sasabihin sa mga magulang niya tungkol sa pagproposed niya kay Sherlyn. Hindi ko alam kung tama ba na sabihin niya yun ngayun lalo na nung nalaman ng magulang niya ang tungkol sa kahibangan niya ay nagalit ang mga ito. Alam ko hindi nila tanggap si sherlyn para sa anak nila dahil mahirap lang sila at ako ang gusto ng mommy niya para sa kanya.

Una naiintindihan ko ang mga magulang niya. Alam kong natatakot lang sila para sa anak nila lalo na nag iisa itong tapagmana ng lahat. Natatakot lang sila baka piniperahan lang ni sherlyn si cristan. Yun rin ang nasa isip ko nung una pero nung makikilala ko ng personal si sherlyn. Alam kong iba siya. May bagay sa kanya na naiiba sa lahat kaya siya siguro nagustuhan ni cristan. Yun yung bagay na hindi maiintindihan ng mga magulang niya. Natatakot ako para kay cristan at sherlyn maraming pwedeng gawin ang mga magulang niya para paghiwalayin lamang sila lalo na't maraming koneksyon ang mga magulang niya sana nga protektahan niyang mabuti si sherlyn. Dahil pagnangyari yun siya ang magiging agrabyadu.

Naghanda ako. Gusto ko ako naman ang magluto para kay Danvis. Halos dalawang linggo na siyang nagluluto para saakin. Gusto ko ako naman ang magluluto sa kanya since maaga pa naman. Binuksan ko ang refregerator
Wala na palang masyadong laman ang ref. Tumingin ako sa relo ko 3HOURS pa bago ang dinner. Hinubad ko muna yung apron ko at kinuha ang maliit kong bag. Hindi naman siguro masama kung mag grocery muna ako since walking distance lang naman ang Savemore saaming bahay. Pwede lang lakarin at hindi naman nakakapagod.

Tulak- tulak ang cart naglibot ako sa mga gulay. Yung mga importante lang muna yung bibilhin ko since tipid ako sa oras. Kumuha ako ng repolyo, saging, patatas, okra at sili at dumiretso ako sa linyahan ng karne.

Natanaw ko ang pamilyar na bulto ng babae may kasama siyang isang batang lalaki. Napakunot ako ng noo habang pinagmamasdan silang dalawa lalong kung nakumpermang siya nga ng napaharap siya sa banda ko. Napaharap rin yung bata sakin napaawang ang labi ko ng matapos kung titigan ang bata. What the heck !
Kamukha siya ni ano ?!

Tinulak ko ang cart papalapit sa kanila.

"Mama , i want ice cream pleasee... " cute na sabi ng bata habang nakahawak sa laylayan ng suot niyang damit. Napabuntong hininga siya at ginulo ang ulo ng bata.

" Gino , we already talked about this right ?" tanong ni mhel habang tinitingnan sa mata ang bata. Cute namang bumusangot ito at nag iwas ng tingin. Nagawi ang tingin niya sakin at suplado niya akong tiningnan. Woah ? Kamukha nga niya!

"Mhelanie !" natigilan siya at lumingon- lingon. Nang magawi sa banda ko ang kanyang mata ay kita ko ang bigla niyang pamumutla. Nakita ko ang pagpatak ng pawis sa kanyang noo.

" Mama ? Are you okay ?" nag aalalang tanong bata sa kanya. Nagpabalik- balik ako ng tingin sa kanila. Bumaba ang paningin ko sa kamay niyang nanginginig.

Tuluyan na akong lumapit sa kanya at ngumiti sa batang lalaki. Lumuhod ako para magpantay kami. Natawa ako sa reaction niya. Hindi manlang niya ako nginitian pabalik suplado niya lang akong tiningnan habang cute na nakakunot noo.

Tumingala ako sa kanya. " Anak mo ? May kamukha siya ." pinagmasdan ko yung bata. Walang duda.

" T- Tam ." ngumisi ako.

" Who are you ?" malamig na sabi ng batang lalaki. Ngumiti ako at naglahad ng kamay. Natawa ako ng tumaas ang kilay niya. Ang cute niya! Para siyang small version ni --,

" Hi ! Cutey !" kinurot ko siya sa pisngi lalo siyang ngumuso. Nakakagigil ang batang ito. " I'm Tamara Wang , friend of your mama and your papa ." napaawang ang labi ng bata.

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon