Chapter 28

689 12 0
                                        

Something

Chapter 28

Hindi ko alam kung ilang beses na akong napabuntong hininga. Nasakay kami ngayun sa van ni sheila. Nasalikod nakasunod ang sasakyan ng ZOOM. Hindi ko alam kung pano niya nakumbinsi sina alex at mhelanie na sumama sa probinsya nila in two weeks. Pati ako ay napilitang sumama dahil alas singko palang ay bumusina na sila sa labas ng aking bahay. Hirap tumanggi lalo na't kompleto sila at ako nalang ang kulang.

Tudo ngiti nina sheila at alex na mukhang excited. Si mhelanie naman ay bagsak balikat at sa bintana nakatingin. Ako naman ay inaantok pa pero hindi rin makatulog dahil sa ingay nila.

Halos apat na oras na kaming bumabyahe. Palitan ng pagdri- drive sina mhel at sheila. Tumigil muna kami sa fast food chain dahil nagugutom narin kami. Sandwich at tubig lang ang kaman ng aming tiyan simula pa kanina. Tumigil rin ang sasakyan ng ZOOM. Bumaba sina travis, hope at kuya gin ang iba ay naiwan sa loob. Si Alex yung bumili ng pagkain namin habang kami nasa labas ng sasakyan naghihintay. Suminghot muna kami ng sariwang hangin.

Lumapit samin sina kuya gin. Ang isa na naman sa tabi ko ay hindi mapakali habang si sheila tinitingnan ang kuko niya tila walang paki alam. Hindi niya nga napansin na nakalapit na sa kanya si travis na nakangisi.

" Sino ang nagdri- drive sa inyo ?" tanong ni kuya gin sakin at tumingin sa tabi ko. Si mhelanie naman ay kunwari nakatingin kina sheila pero alam ko na ramdam niya ang presensya ni kuya gin sa harap namin.

"Palitan sina mhelanie at sheila." tumango- tango siya at namulsa. Nagtagal ang titig niya sa mukha ni mhelanie. Napataas ako ng kilay.

Hmmm.... May something rin .

" Ako na ang magdri- drive sa inyo." natigilan si mhelanie at napalingon kay gin. Nanlaki ang mata niya ng makitang sa kanya rin ito nakatingin. Hindi niya inaasahan yun kaya hindi siya nakaiwas. Ilang segundo silang nagkatitigan ng tumikhim ako.

" Sige kuya mukhang pagod narin si mhelanie kanina pa kasi siya tahimik." tiningnan ako ni mhel ng masama. Ngumisi lang ako sa kanya.

Saktong dumating si alex may dalang dalawang plastik ng pagkain. Binigay niya kay hope ang isa nginitian naman siya nito. Napataas ang kilay ni sheila ng makita ang kamay nina alex at hope na hindi sinasadyang magkadikit.

Tumalikod na si hope pero bago siya sumakay ng kanilang sasakyan ay sumulyap muna siya kina sheila at travis na ngayun ay nag aaway naman. Nakita ko ang pag igting ng bagang niya at pagdilim ng kanyang mukha hindi pa siya papasok ng sasakyan kung hindi siya hinila ng kakambal niya. Sumunod naman sa kanya si travis na natatawa.

Sumakay na kami nagulat si mhel ng pinagbuksan siya ng pintuan ni kuya gin sa unahan. Napailing nalang ako dahil masyado siyang halata kita ko pa dito ang panginginig ng tuhod niya.

Nakatulog ang maingay na si sheila at alex tumahimik sa loob ng van. Yung dalawang tao sa unahan ay hindi nagkikibuan. Kinuha ko yung cellphone ko. Bumagsak ang balikat ko ng makitang wala akong text na natanggap sa kanya.

It's been two weeks since i asked for a space and time for him. Two weeks but he never bothered to call me since he left me that night.

Napatingala ako. Para kasing may kulang naramdaman ko rin to kay cristan noon pero mas sobra to parang napakalaking espasyo ang nawala sakin ngayun. Sobrang laki.

Buong araw tahimik yung byahe namin dahil buong byahe nakatulog ang dalawa. Nagpapasalamat ako dahil doon . Dahil nakatulog rin ako kahit papaano.

Mag gagabi na nung nakarating kami sa probinsya nila. Kita sa loob ng van ang paglubog ng araw at pag iiba kulay ng langit. Binuksan ko yung binata sa gilid ko. Yun rin ang ginawa ni mhel sa unahan nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya at pumiikit siya napatingin rin sa kanya si kuya gin na ngayun ay nakangiti narin. Napabuntong hininga ako. Kailan kaya sila maliliwanagan ?

Tumingin nalang ako sa bintana sa tabi ko ay inamoy ang sariwang hanging ng bundok. Ang ganda ng lugar nila parang gusto kong manirahan dito. Ang gandang pagmasdan ang mga tanim na nagsasayawan ganun rin ang mga puno na siksik sa mga dahon dahil halatang malusog ito at inaalagaan mabuti hindi tulad ng mga puno sa maynila na binabaliwala lang minsan pinuputol pa. Kita sa malayo ang mga bahay na gawa sa kahoy at ang mga magsasakang nagsisiuwian na. Napakasimple ng pamumuhay dito. Parang gusto nang dito nalang tumira.

Tumigil ang sasakyan sa napakalaking mansyon. Hindi ko alam na ganito pala kayaman ang mga Villaester. Dahil sa probinsya nakatira sina kuya gin inexpect ko na simple lang rin yung bahay nila.

Bumaba na kami ng van at tumigil narin ang sasakyan ng ZOOM at naunang bumaba ang kambal nakaakbay pa si fortune kay hope na ngayun ay tahimik.

Tumalon- talon si sheila. Si alex naman ay nakanganga sinirado naman ni peter ang kanyang bibig. Bakit parang lahat sila may something ? Napatingin ako kay mhelanie na nakatingin sa mansyon na parang wala lang. Parang simpleng bahay lang ang nasa harapan niya at parang normal lang sa kanya makakita nito. Napakunot ako ng noo. Nakapunta na kaya siya dito ?

Siniko ko siya.

" Nakapunta ka na ba dito ?" malungkot na tumango siya. Hindi nalang uli ako nagtanong.

Nararamdaman mo marami pa siyang tinatago bukod sa anak niya. Hindi ko alam yun kaya wala akong karapatan para husgahan siya.

Sinalubong kami ng magandang babae nakangiti siya samin. Lumapit naman sa kanya si kuya gin at hinalikan siya sa pisngi. Hinaplos nito ang mukha niya.

" Pagod na siguro kayo." tumango kaming lahat. Dahil totoo nga pagod nga kami. Ngumiti siya samin ." Gusto niyo ba isa- isa kayo ng kwarto?" bigla kaming nahiya. Ganun ba kadami ang mga kwarto dito ? Sabagay sa laki ng masyon kasya ang buong baranggay dito.

" Hindi na po tita ! Sama- sama nalang kami ng kwartong mga babae!" si sheila yung sumagot. Bumaling naman siya sa mga lalaki.

Si drek yung sumagot sa kanila
" Same with us tita. Isa lang po kami ng kwarto."

Nakangiting tumango ang babae may tinawag siyang kasambahay at pinaayos yung kwarto na pahingahan namin.

" Salamat dahil dito niyo naisipang magbakasyon. Marami kayong pwedeng gawin dito , maganda ang tanawin at sariwa ang simoy ng hangin. " excited kaming tumango lahat. Hindi naman palang masamang sumama sa kanila.

Mabuti ng makalanghap ako ng sariwang hangin. Medyo madilim na kanina kaya hindi na namin masyado makita ang daan papunta dito pero sigurado akong maganda yun.

" I'm Georgina Villaester by the way but you can call me tita gino. Sa bago palang nakapunta dito. I hope you'll enjoy your vacation here."

Nagtaas ng kamay si fortune. " May beach po ba dito Tita Gina ?" natawa si tita gina pati kami'y natawa narin. Nakakahiya. Beach talaga fortune ?

" Walang beach dito pero mero kaming mataas na falls na pinagmamalaki ng probinsya namin. Meron rin kaming maliliit na falls na sakop ng lupain namin." napanganga kaming lahat. Wow. Ngayun palang ay excited na akong mamasyal dito !

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon