Chapter 39

1K 21 0
                                    

Forgiveness....

Chapter 39

Tumigil ako sa paglalakad sa gitna ng airport. Nilibot ko ang mga paningin ko. May mga taong nag iiyakan sa gilid dahil sa wakas umuwi na yung mahal nila sa buhay ang iba naman ay umiiyak dahil aalis palang dahil maiiwan nila ang pamilya nila dito sa pilipinas.

Bitbit ang aking maleta mag isa akong naglakad sa malawak na Airport. Katulad ng sinabi niya mag isa akong umuwi. Madaya siya. Sobrang daya niya dahil natutulog lang siya habang ako ay hinaharap ang problemang tinakasan naming dalawa. Hindi ko alam kung pano ko sisimulan. Pano ko ipagpapatuloy ang buhay ko na wala siya. Pano ko sila haharaping lahat. Paano ko e- explained yung nangyari kay cristan.
Kung paano ko siya haharapin. Kamusta na kaya siya ? Hinihintay niya parin kaya ako. Isang taon narin. Isang taon narin nang sinamahan ko si cristan sa pagpapagamot niya. Isang taon narin siyang lumalaban siguro napagod na talaga siya kaya natulog nalang siya. Isang taon na nung nangyaring tinapos ko ang lahat. Isang taon na binaliwala ko muna yung sarili ko. Binaliwala ko yung sakit. Iniwan ko yung taong mahal ko. Para sa taong pinangakuan ko hanggang sa huling sandali.

Paglabas ko ng airport sumalubong sakin ang malakas na hangin at madilim na langit. Mukhang uulan. Parang nakikisabay ang langit sa nararamdaman ko. Kasing bigat ng ulap ang bigat na nararamdaman ko. Tumingala ako at tama ako dahil unti- unting pumatak ang tubig sa mukha ko.

" Mam! Taxi po mam ?" tumango ako. Kinuha niya ang bagahe ko at inilagay sa likod ng taxi. Pinagbuksan niya rin ako ng pinto.

Saktong pagpasok ko ay bumuhos na ang malakas na ulan. Patakbo namang umikot ang driver at nagpunas. Pinaandar niya na ang makina. Tahimik lang ako buong byahe at nakatingin lang sa bintana. Pinagmasdan ko kung pano bumuhos ang malakas na ulan sa labas. Parang nakikipighati siya sa nararamdaman ko. Nagulat ako ng walang ni isang luhang tumulo sa pisngi ko. Pakiramdam ko namanhid na ako at wala na akong mailalabas. Biglang tumigil ang sasakyan.

" Traffic po mam. Nagkabanggaan po dun sa dulo." paliwanag ni kuya. Tumango- tango ako.

" Matatagalan po ba ?"

Napakamot siya ng ulo. " Opo mam. Baka umabot po tayo ng tatlong oras dito. " bumagsak yung balikat ko at bumaling sa bintana. Napabuntong hininga lang ako. Mas lalong lumakas yung ulan halos wala na akong makita sa labas. Napayakap nalang ako sa sarili ko. Pinatay naman ni kuya ang aircon.

" May bagyo po kasi mam. Ngayun po yata ang dating pag di po tayo makaalis dito sa loob ng apat na oras baka abutin po tayo ng baha." napaawang ang labi ko. Di makapaniwalang tumitig sa bintana na mas lalong lumakas ang hangin. Napaka coincidence naman yata ? Napasandal ako sa upuan at pumikit hinilot ko yung noo ko. God ! Wala pa akong tulog.

Kinuha ko yung cellphone at tiningnan ang litrato niya sa wallpaper ko. Napangiti ako. Ito yung naging lakas ko sa loob ng isang taon. Kapag wala akong nasasandalan. Kapag pakiramdam ko susuko na ako tinitingnan ko lang yung litrato niya. Hinaplos ko yung cellphone ko at kinibisado ang kanyang mukha. Alam kong masaya na siya. He's working for his future now. Pangarap na sanay kinalimutan niya dahil sakin. I'm sure he will be a great attorney someday. I'm proud of him. Kasi nagawa niya. Nagawa niyang ipaglaban kung ano ang gusto niya.

Maya- maya ay umusad narin yung traffic. Pinaandar ni kuya ang radyo saktong pagbukas niya at boses ko agad ang narinig ko mula dito. Namiss kong kumanta. Pano ko nagawang iwanan ang lahat ? Pano ko nagawang kalimutan ang sarili ko. Ang mga gusto ko. Ang mga bagay na naging parte na ng pagkatao ko. Ang taong mahal ko.

Nakinig lang ako sa kanya hanggang matapos ay nasundan pa ito ng isa ko pang kanta bago pinutol ng isang balita.

" Pinag uusapan ng social media ngayun ang isang litratong nakunan kung saan naghahalikan ang isang member ng ZOOM na si Hope Zento at si Sheila Villaester." napaayos ako ng upo . What the f* !? "Nakunan ang litrato sa labas ng Resto bar na pagmamay ari ni Gin Villae---., " biglang namatay yung radyo. Napakamot ng ulo si kuya.

" Pasensya na po mam. Sira po kasi itong radyo ko. Sinubukan ko lang po itong buksan. Nagulat nga po ako kasi gumana ngayun." Napabuntong hininga ako. Masyadong matagal na ba akong nawala kung bakit hindi ko na alam ang nangyayari sa kanila dito ?

Pagkatapos ng tatlong oras na dapat ay isang oras lang na byahe nang dahil sa trafic ay nakauwi narin ako. Finally ! Bumaba ako sa tapat ng bahay ko. Tumingala ako tumigil narin yung ulan pero madilim parin ang langit. Humakbang na ako papasok ng bahay.

Pinihit ko yung doorknob. Nagulat ako ng hindi ito nakalock napakunot ako ng noo. May tao sa loob ? Napansin kung bukas rin yung ilaw sa labas. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Tuluyan na akong nakapasok. Walang kahit anong sira ang bahay o walang kahit anong bakas ng pagnanakaw. Natigilan ako. Di kaya ?

" Princess ." mabilis akong lumingon. Halos mangilid yung luha ko ng makita ang taong di ko inaasahang makita sa loob ng isang taon. Nakangiti lang siya sakin.

" Dad ."

Magkaharap kami ngayun ng aking ama. Alam niya pala na ngayun ang uwi ko. Pinagluto niya ako ng dinner ning hindi ko nga alam na marunong pala siyang magluto. Pinaghila niya ako ng upuan at siya rin ang naglagay ng ulam at kanin sa plato ko. Parang gusto kong umiiyak. First time kong naramdaman ang pakiramdam inaalagaan ng isang ama. Ngayun lang sakin nangyari to. Mula noon ay si mommy lang yung kasama ko dahil busy siya palagi hanggang mamatay si mom mas lalong nalayo ang loob ko sa kanya lalo na't minsan nalang siya umuwi ng bahay pagkatapos ng libing ni mom. Ang mga yaya ko nalang palagi ang mga kasama ko. Hindi naman siya nagkulang sa pagbigay ng pangangailangan ko financially. Pero hindi pera o bagay ang kailangan ko kundi siya mismo ang natitirang pamilya ko.

Ngumiti ako kahit pakiramdam ko tutulo na yung luha ko. Habang pinagmamasdan siyang abala sa pagsisilbi sakin. Siya rin yung naglagay ng juice sa baso ko. Ito pala yung pakiramdam.

Pagkatapos kumain ay nag usap kaming dalawa. Nagulat ako dahil siya mismo nagbukas ng usapan. Nagtanong siya ng mga bagay bagay sakin at kwinento rin niya ang mga nangyari sakanya. Pinag usapan namin ang mga bagay na nakaligtaan namin sa isa't isa sa loob ng maraming taon. Masaya pakiramdam ko marami akong nalaman tungkol kay dad at pakiramdam ko mas lalo ko siyang nakilala.

Pinagmasdan ko yung mukha niya. Gusto ko siyang tanungin ng isang bagay na gumugulo sa isip ko ng ilang taon ngunit natatakot ako baka bumalik ang malamig pakikitungo niya sakin katulad noon. Napakagat ako ng labi.

" Dad ?"

" Why princess ?" nilaro ko yung koko ko.

" Galit ka ba sakin ? Sinisisi mo ba ako sa pagkawala ni mom ?" kinakabahang tanong ko. Malungkot siyang ngumiti at umiling. Hinaplos niya yung buhok ko.

" No. I'm not blaming you tamara. I'm blaming my self. Ako yung nagkulang sainyo. Ning hindi kita nasupportuhan sa pangarap mo. Nawalan ako ng oras sa inyo. Ako sana ang magmamaneho sa inyo nung gabing yun pero inuna ko yung problema ng kompanya. Kung alam ko lang. Nasulosyunan ko nga ang malaking problema ng kompanya pero nawala naman sakin yung mommy mo. Minsan lang ako umuwi dahil wala akong mukhang may ihaharap sayo dahil sinisisi ko yung sarili ko. Binigay ko nalang lahat sayo ng pangangailangan mo. Binuhos ko nalang yung oras ko sa negosyo. Nakalimutan kong may anak pa pala ako na nangangailangan ng kalinga ng isang ama." hinalikan niya yung buhok ko. "I'm sorry princess ." naramdaman ko nalang na may tumulong luha sa damit ko. Umiiyak si dad ! Nagsilabasan narin ang mga luha sa mata ko at niyakap siya ng mahigpit.

A/: GOODNEWS !! One last chapter tapos na wait for my EPILOGUE. Ito muna ang panghuling DRAMA KO. Since may mga ONGOING STORIES na po ako After This😊 Medyo nakahiligan ko na po kasi magsulat ng TRILLER .

One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon