Chapter 7

932 38 4
                                    

Gift

" OMG ! Talaga ??" tumalon- talon si shiela tsaka niyakap ako . "Hay ! Salamat naman noong nakaraang linggo pa ako kinukulit ng pinsan ko tungkol sayo eh ." siniko niya ako ." Balita ko crush ka raw ng isang member ng Zoom ." sabi niya habang may panunuyang ngiti .

Kumunot naman ang noo ko.

" Zoom ??"

Umirap siya . " Oo yung bandang tumugtog nung gabing yun . Ano ka ba ? Sikat kaya sila ! Viral yung Cover nila ng ' Kundi rin lang ikaw ' ng December avenue . " napahawak siya sa kanyang mukha . " Ano ka ba nakakakilig kaya ! Nagkalat ang mga video nila sa youtube at facebook . Hindi mo ba nakikita ?"


"Hmm." nag isip ako . Kaya pala medyo familiar sila . Siguro hindi lang talaga ako fan . " Siguro ?? Nakikita rin ..." tumango- tango ako. 

Napabuntong hininga siya . " Sayang hindi kita na video-han nung gabing yun . Sure akong magtre- trending yun ! Wala ring nagbalak na video-han na star struck sila sa boses mo eh! Hindi nila inaasahan ganun kaganda ang boses mo ."


Niligpit ko yung gamit ko. Wala akong interest diyan . Ang problema ko ngayun ay kung pano ako magkakapera at paano ko mako-kontak si dad . Nag aalala na talaga ako sa kanya . Merong tumatawag hinahanap siya wala rin naman akong maisagot kasi hindi ko rin alam.


" Sabay na tayong maglunch !" nababuntong hininga ako . Isa pa itong problema ko . Sino mag aakalang nakasurvive ako ng dalawang linggo na limang daan lang ang nagastos ko  ? At meron pa akong isang libo . Sana magkapera na ako bago maubos to .


" Kayo nalang may gagawin pa ako eh ." sagot ko. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa tsaka napakunot ang noo. Sandali akong nailang hinawakan niya ako sa braso. Agad ko itong binawi.


" Namamayat ka ha ??" natigilan ako." Nagdi-diet ka ba ?"


"Oo eh." Iniwas ko ang paningin ko . "Wala na kasing kasya sakin sa mga damit ko . Nasobra-han yata ako ng kain ." sabi ko atsaka tumawa . 


" Ang payat mo na kaya ! Alam ba'to cristan ?" tanong niya. Ang isang yun dalawang linggo ko narin siyang hindi nakikita . Okay ... inaamin ko umiiwas talaga ako . Ayaw ko na makita niya ako at kahit isa sa mga kaibigan niya . Ayaw kong mapansin nila yung itsura ko .


Aaminin ko , medyo namamayat nga ako . Dalawang linggo ko ng kaligtaan kumain ng lunch . Minsan sanchwich lang ang kinakain ko . Minsan rin lang ako makakain ng totoong pagkain pag may sobra sa budget ko for the day.


" Sige tam , sa gate nalang tayo magkita mamaya . Sabay na tayong pumunta ng resto bar ni insan . Hatid nalang kita pauwi pagkatapos ." tumango ako tsaka ngumiti . Salamat naman medyo makaka-save ako at mukang makakain ako ng totoong pagkain mamaya .


Tahimik akong nagbabasa habang naglalakad . Okay lang , wala namang tao sa hallway . Lunch time ngayun nandun yung iba sa cafeteria ang iba naman kung saan- saan kumakain ng lunch.

" Ehem !"


Biglang may tumikhim sa likod ko . Napalingon ako at napakunot ng noo. Ako ba ang tinitingnan niya ? Tumingin ako sa likod ko sa kaliwat kanan pero walang estudyante kami lang talagang dalawa . Kilala niya ba ako ? Naglakad siya palapit saakin. Sino nga ba to ?

" B- Bakit ?" Nag aalangang tanong ko at bahagyang umatras . Medyo hindi ako comfortable sa lapit namin pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako natatakot sa kanya gayong kami lang naman ang tao sa mahabang hallway .


One-sided Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon